CHAPTER SEVEN

3113 Words
MAKAILANG ulit nang pinasadahan ni Sunny ang sarili sa tapat ng full lenght mirror.  Ilang beses din siyang nagpalit ng damit dahil hindi siya makapagdesisyon sa kung ano ang dapat niyang isuot.  Pati ang pag-a-apply ng make-up at tamang ayos ng buhok ay pinuproblema rin niya.  Sa bandang huli, she just decided to wear a knee lenght yellow sun dress and doll shoes.  She put a light make-up at tinirintas na lang niya ang buhok.  All because this was the day that she and Devlin were supposed to go out.   It's not as if this was a date, lalabas lang sila, 'yon lang.  Yeah right, sino nga bang niloko niya?  Kahit na ilang beses pa niyang sabihin sa sarili niya na lalabas lang sila at walang ibang ibig-sabihin 'yon, kakaibang kaba pa rin ang nadarama niya.  Because truth of the matter is, she was treating this as a date.  Sa katunayan nga, nung isang araw pa siya hindi mapakali dahil sa kakaisip sa kung saan sila maaaring pumunta ng binata.  She was simply dying with excitement.  At hindi niya alam kung saan nanggaling ang pakiramdam na 'yon.   Heck, she didn't even know kung bakit nararamdaman niya ang mga kakaibang damdamin na ito para kay Devlin.  Kapag kasama niya ito it always felt like there were millions of butterflies inside her stomach.  Lalo lang 'yong umigting nang ipagtanggol siya nito sa stepmother niya.  No one has ever done that for her.  Kaya naman sobrang na-appreciate niya talaga ang ginawa nito.   Labis na kasiyahan ang nadama niya when he said that he thought of her as an amazing woman.  Madami na siyang narinig na compliment sa buhay niya but that was the first time that someone from the opposite s*x ever told her that she was amazing.  And weirdly enough, she believed him.  Lahat ng pagdududa at sakit na idinulot ng mga sinabi ng stepmother niya ay bigla na lang naglaho dahil sa mga simpleng salita nito.  She made her smile.  At nang hawakan nito ang mga kamay niya, all she could think was how perfect their hands fit.   Maaaring sa ngayon ay hindi pa niya alam kung ano ba talaga ang nadarama niya para sa binata, but she will get there.  No matter how long it took, she will get there.  Pero sa ngayon, masasabi niya nang may kasiguraduhan na espesyal si Devlin para sa kanya.  Napakaespesyal.   Naputol ang pag-iisip niya dahil sa biglang pagtunog ng kanyang cellphone.  It was a text message.  Dagli siyang lumapit sa aparato para tingnan ang dumating na text.  Nang makita niya na mula 'yon sa isang unknown number, hindi na siya nagdalawang-isip at agad na niya 'yong binura without even reading it.  Tiyak naman kasi niya na mula na naman 'yon sa nagpapadala sa kanya ng mga prank mail.   Nitong mga nakaraan ay hindi na lang basta prank mail ang pinapadala nito sa kanya, nag-se-send na rin ito sa kanya ng mga text message.  Hindi niya alam kung paano nito nakuha ang number niya but that person always says the same thing, ang bitiwan niya ang pamamahala sa Assassins at buwagin niya ito.  As if she'd do that.  Hindi pa siya nababaliw para gawin 'yon.  Hindi niya alam kung ano ang trip nung tao na nagpapadala sa kanya ng mga e-mail na 'yon.  But one thing's for sure, wala siyang panahon para makipaglaro dito.    Minsan nga ay pinagtatawanan na lang niya kapag nakakatanggap siya ng mensahe mula dito.  Hindi kasi niya maintindihan kung bakit nito pinipilit na buwagin ang isang club na katatayo pa lang at wala pang gaanong napapatunayan.  The best way to handle people like that ay hindi ito pansinin.  Sigurado naman kasi siya na ito yung tipo na naghahanap lang ng atensiyon kaya nito ginagawa ang mga ginagawa nito at wala siyang balak na ibigay 'yon dito.   Inilagay na niya sa loob ng handbag ang cellphone at lumabas na ng condo unit niya.  Sa labas na lang ng condominnium building niya aabangan si Devlin.  Pagkababa niya ay ilang sandali lang ang pinaghintay niya bago huminto sa tapat niya ang isang big bike, a black Harley if she might add.  The rider took off his helmet and she almost gaped nang mapagsino ito.  It was Devlin!   Nakasuot ito ng itim na leather jacket at tinernuhan pa nito 'yon ng snuggly maong pants.  He was also wearing rider boots.  He looked like someone out of a biker gang movie.  "Well, aren't you a stud?"   Pinasadahan naman siya nito ng tingin.  "And you look beautiful."  Agad na nag-init ang magkabila niyang pisngi dahil sa simpleng papuri nito.  Inilahad nito ang kamay sa kanya.  "Come on, hop in."   Tiningnan niya ang sarili.  "I'm not exactly dressed for riding.  Dapat sinabihan mo muna ako na ang mode of transportation pala na gagamitin natin ay motorsiklo, so that I could've dressed appropriately."   "Ayos lang naman ang suot mo," inabot nito ang kamay niya at hinila siya palapit dito.  Kinuha nito ang extra nitong helmet at masuyo 'yong isinuot sa ulo niya.  "Sakay na."   "Fine," wala na niyang nagawa pang wika at umangkas na siya sa likudan nito.   "You have to hold on to me tightly."  Dagli niyang ipinulupot ang mga braso sa beywang nito.  "Tighter."   Pagkawika nito no'n ay hinawakan nito ang magkabila niyang kamay at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap niya dito.  She was literally hugging him from the back.  Nakadikit na ang pisngi niya sa suot nitong leather jacket.  She could smell his manly scent and it just made her body tingle all over.    "Saan ba tayo pupunta?" mahina niyang tanong dito.   "We're going for a road trip, sweetheart."   At pinaharurot na nito ang motorsiklo.  MASAYANG sinasamyo ni Sunny ang sariwang hangin sa paligid.  Nando'n sila sa picnic grove sa Tagaytay, mula sa kinatatayuan nila ay kitang-kita nila ang napakagandang Taal Lake.  It was a very magnificent view.  The water from the lake was a bright bluish-green in color, reflecting the blue sky above.  Wari ring kumikinang 'yon dahil sa sikat ng araw.    Bago sila pumunta doon ay dumaan muna sila sa isang fast food chain at kumain ng tanghalian.  Nung umpisa ay wala talaga siyang ideya kung saan siya dadalhin ni Devlin.  He was just driving without any inhibitions.  'Yon ang kauna-unahang beses na nakasakay siya ng motorsiklo.  She was really afraid at first, lalo pa at napakabilis nitong magpatakbo.  Pero hindi kalaunan ay nag-enjoy na siya.  The faster they went, the more she felt alive, and the more she wanted the moment to last.  Ang sandaling 'yon na nakayakap siya sa likudan nito, na pakiramdam niya ay sila lang ang tao sa mundo.  It was like paradise.   "Hindi ka ba na-disappoint na dito lang kita dinala?" biglang tanong nito.   Bumaling siya dito, kapwa sila nakaupo sa damuhan at magkatabi.  "Are you kidding?  Of course not.  In fact, sobrang nag-e-enjoy talaga ako.  Sino bang babae ang magrereklamo kung papakitaan mo siya ng ganitong kagandang tanawin?  Certainly not me."   Tumawa lang ito, showing perfect set of white teeth.  "Well, iba ka naman talaga sa mga babaeng nakilala ko."   "Sa ano namang paraan?" takang tanong niya.   Inabot nito ang nakatirintas niyang buhok at nilaro-laro 'yon.  "In more ways than one.  Kung ibang babae siguro ang pinasakay ko sa motor ko, baka sandamakmak na reklamo na agad ang narinig ko.  But you, you never complained.  It's really admirable."   Nag-iwas siya ng tingin para hindi nito mapansin ang pamumula niya.  Kung bakit naman kasi kaunting papuri lang nito ay namumula na agad siya.  "P-paano naman ako magrereklamo, kung nag-enjoy din naman ako.  I never thought that riding on a big bike like that would be so much fun."   "Then we can go again next time, kahit saan mo pa gusto.  I will take you there," wika nito.  "Of course, as long as kaya siyang marating ng big bike ko."   Ang una niya agad naisip sa sinabi nito ay niyayaya siya nito na lumabas sila ulit.  Pero agad din niya 'yong pinalis sa isipan niya, she should not read too much into what he's saying.  Baka mamaya ay siya lang ang ma-disappoint.  "Magandang ideya 'yan," nawika na lang niya.  Then may bigla siyang naisipang itanong dito.  "May gusto sana akong itanong, actually matagal ko na siyang gustong itanong sa 'yo kaya lang lagi ko namang nakakalimutan."   "Tungkol saan?"   "May nabasa kasi ako do'n sa file na binigay sa 'kin ni Lolo tungkol sa club.  Nakalagay do'n na hindi talaga kasama si Rune sa original main member ng team, may isang player kang pinili bago siya.  Pero bago pa opisyal na maging football club ang Assassins, tinanggal mo na ang taong 'yon.  Hindi nakalagay do'n sa file ang pangalan niya or the reason why you removed him from the team.  Pero curious talaga ako, bakit mo nga ba siya tinanggal and who is he?"   Isang malalim na hininga ang pinakawalan nito bago nagwika, "John Marquez ang pangalan niya.  Nakitaan ko siya ng potensiyal nang mapanood ko siyang maglaro sa isang college football game.  Tinanggal ko siya sa team dahil natuklasan ko na gumagamit pala siya ng steroids para mapalakas ang katawan niya.  Sa kahit na ano pang klase ng sports, tutol ako sa pag-gamit ng mga gano'ng klaseng drugs.  Dahil bukod sa nakakasama na sa katawan, para mo na ring dinadaya ang sports na nilalaro mo.  Kaya hindi na 'ko nagdalawang-isip pa na tanggalin siya."   Alam niya how passionate Devlin was with football, walang dudang hindi ito pabor sa mga gamot na kagaya ng steroids.  "So ano nang nangyari kay John after no'n?"   "I don't know.  Wala na kong narinig na balita tungkol sa kanya, pero sana naman by this time tinigilan na niya ang pag-gamit ng steroids kung gusto pa niyang magkaro'n ng magandang hinaharap sa mundo ng sports."   Tumango siya bilang pagsang-ayon dito.  A gust of wind blew at napahalukipkip siya dahil sa lamig na dulot no'n.  Naramdaman niya ang pagdantay ng kung anong tela sa balikat niya, nilingon niya si Devlin at nakita niya itong ipinatong ang suot nitong leather jacket sa balikat niya.    Inayos nito ang pagkakapatong ng jacket sa kanya.  "Sorry, dapat kanina ko pa 'to pinasuot sa 'yo.  Wait here, I'll go buy you some hot choco."  Tumayo na ito at pansamantala muna siyang iniwan.   Palihim niyang inamoy ang jacket nito, weird but she really loved his scent.  Not too strong, but very manly.  Muntikan na siyang mapamura.  Ano ba 'tong ginagawa niya?  Inaamoy niya ang damit ng ibang tao.  She was acting like some pervert.  Napabuntung-hininga na lang siya.   Lumingon siya at nakita si Devlin na palapit sa kanya, he was holding a cup in his hand.  Habang pinagmamasdan niya ito ay muli na naman niyang napansin ang kakaibang paraan ng paglalakad nito, like he was exerting too much effort on using his right leg.  Nang makalapit na ito sa kanya ay muli itong naupo sa tabihan niya at binigay ang dala nitong cup.   Malugod naman niyang tinanggap 'yon.  "Thanks," hinipan muna niya ang binigay nitong inumin bago 'yon ininom.  Pinagmasdan niya ito, there was this question that's been bugging her ever since she met him pero hindi niya alam kung paano 'yon itatanong dito.   Napansin yata nito ang ginagawa niyang pagtitig dito.  "What is it?  'Wag mong sabihing natutulala ka na sa kagwapuhan ko?" tanong nito na may nakakalokong ngiti sa labi.   His smile was just so boyish that it made her heart hitched a lttle.  "At kailan pa naging makapal ang mukha mo?" natatawa na lang niyang tanong dito.   "Then bakit mo 'ko tinititigan na para bang may dumi ako sa mukha o kung anuman?"   Uminom muna siya bago tinanong dito ang matagal na niyang gustong itanong.  "Napansin ko lang kasi na kakaiba yung paraan mo ng paglalakad, gusto ko lang malaman kung natural ba 'yon or what."  Nang hindi ito sumagot ay muntikan na siyang mapamura.  She and her big mouth.  Paano kapag mainis na naman ito sa kanya dahil sa mga pinagtatatanong niya?  "It's okay, you don't have to answer it or anything," mabilis niyang wika.   Mahabang katahimikan ang bumalot sa kanila bago ito nagwika, "Nagkaro'n ako ng knee injury dati, it's the reason why I had an early retirement."   Narinig niya ang tungkol do'n, na sa napakabatang edad na twenty-seven ay kinailangan na agad nitong magretiro.  Madaming nanghinayang dahil do'n, maganda kasi talaga ang hinaharap ng binata sa larangan ng football dahil sa taglay nitong natural na talento.  Ayon na rin sa naikwento ng Lolo niya, injury nga daw ang dahilan ng maagang pagreretiro ng binata, but she never knew what kind of injury was it.   "During one of our games, nung nasa Real Madrid pa 'ko, I had a bad landing.  Hindi ko pinansin 'yon dahil hindi naman siya masyadong sumasakit at hindi naman siya nakakaapekto sa laro ko.  By the time na unti-unti na siyang sumasakit, nagdesisyon na ako na ipatingin siya sa doktor," dugtong nito.  "The doctor told me na naputol 'yong ACL ko, o yung tinatawag nila na anterior cruciate ligament.  Isa 'yon sa four major ligaments sa tuhod, kapag naputol 'yon, mawawalan ng stability ang paa mo and you can't move your leg freely."   "Hindi na ba 'yon ma-re-repair ng surgery?"   "It could, in fact pinayo agad sa 'kin nung doktor na mag-undergo agad ako ng surgery.  Pero masyadong matigas ang ulo ko.  Nasa kalagitnaan kasi kami ng Spanish League no'n, I can't afford to take a sick leave.  I felt young and reckless back then, pakiramdam ko hindi ako kayang igupo ng simpleng injury lang.  So I continued to play, and as you can see, the inevitable happened."  Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi nito.  "I decided to take the surgery pagkatapos ng final game namin, pero huli na ang lahat.  Bago yung game, sinabi sa 'kin ng doktor ko that my knee was completely ruined.  Hindi na maaayos 'yon ng kahit na ano pang klaseng surgery.  Ang tanging magagawa ko na lang daw ay huminto sa paglalaro ng football.  Kahit naman kasi mag-undergo pa ako ng surgery, hindi na rin kakayanin ng tuhod ko ang strain ng paglalaro."   Nakita niya ang pagkuyom ng kamao nito na para bang pinipigilan lang nito ang paglabas ng galit.  Ginagap niya ang palad nito, silently giving him the support she knew he needed.  Mahigpit naman nitong hinawakan ang kamay niya.   "I still had the surgery para mawala ang sakit kapag naglalakad ako.  Pero pakiramdam ko no'n parang biglang gumuho ang mundo ko.  For the longest time, football has been my life.  Tapos bigla na lang sasabihin sa 'kin na hindi ko na pwedeng laruin ang laro na pinakamamahal ko.  It was devastating.  Pero wala naman akong pwedeng sisihin kundi ang sarili ko lang.  Nagpadala ako sa sarili kong kayabangan and looked what happened.  Dumaan ako sa matinding depression dahil do'n, kung hindi pa siguro dahil sa Lolo mo baka nagpapakalunod pa rin ako sa self-pity hanggang ngayon.   "Building Assassins, F.C. gave me new hope.  It gave me new purpose.  Na kahit na hindi na 'ko pwedeng maglaro, I can still be part of the game by being a coach.  Magagawa kong ibahagi sa iba ang lahat ng natutunan ko.  For that, malaki talaga ang pasasalamat ko sa Lolo mo."  Bumaling ito sa kanya, "Kaya naman, gagawin ko ang lahat para maging matagumpay ang team.  I'll make them number one."   Ngayon naintindihan na niya ang labis na dedication ng binata sa club.  It was like a lifeline for him.  Masaya siya na nagawa nitong ibahagi sa kanya ang isang pangyayari na nagpabago sa buhay nito.  She felt like they became much closer because of it.  At kakaibang kasiyahan talaga ang dulot no'n sa kanya.  She wanted to know more.  More about him.    "And I'll be with you all throughout the way.  Siyempre, goal ko rin na gawing number one ang team.  As long as ako ang namamahala sa club, wala kayong dapat na alalahanin.  Ang kailangan niyo lang isipin ay kung paano niyo pa mapapalakas ang team.  The rest ako na ang bahala."  Bumaling siya dito at ngumiti.  "O 'di ba, ang swerte niyo sa 'kin.  Aren't you glad na sa 'kin binigay ni Lolo ang pamamahala sa club?"   "Yeah, I'm very glad."  Hinawakan nito ang kamay niya, entwining their fingers together.  "Your like an angel sent to us.  I'm really such an ass for even thinking otherwise.  Masaya ako na dumating ka sa buhay namin," lumingon ito sa kanya at nagpatuloy, "na dumating ka sa buhay ko."   Wari namang naipit sa kanyang lalamunan ang kahit na ano pang salitang sasabihin niya sana.  He was looking at her so intently, pakiramdam niya ay nanunuot na ang tingin nito sa kaibuturan niya.  All she could do was to stare back at him, trapped under his dark gaze.  Bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi and at that moment pakiramdam niya ay kusang huminto sa pag-t***k ang puso niya.    "Can I please kiss you?" wika nito, almost like a strangled whisper.    Bilang tugon ay ipinulupot niya ang mga braso sa leeg nito at dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata.  In mere seconds, she felt his lips against hers.  And just like that, parang milyung-milyong boltahe ng kuryente ang biglang dumaloy sa buong katawan niya.  She felt every part of her tingle because of the mere contact.  At nang magsimula nang gumalaw ang mga labi nito, pakiramdam niya ay sinindihan din ang katawan niya ng naglalagablab na apoy.   Now, this was a kiss.  Hindi niya ito maikukumpara sa aksidenteng paglalapat ng kanilang mga labi.  Nagsimula siyang gayahin ang pag-galaw ng labi nito and a low moan escaped his throat nang mas ilapit pa niya ang katawan dito.  She parted her lips at doon nagsimula ang pag-atake nito.  His tongue tangled with hers, searching and exploring every corners of her mouth.  Para nang nasusunog ang buo niyang katawan dahil sa ginagawa nito and all she could do was to stiffle a moan of pleasure.   Kapwa nila habol ang hininga nang matapos ang halik na 'yon.  Tumingala siya dito, his midnight black eyes were hooded with passion and desire.  Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito.   "You have the sweetest lips, Sunny.  I just had a taste, and yet I still wanted more.  More of you."  Ipinatong nito ang noo sa noo niya.  "I think I'm slowly getting addicted."   Mabilis na nag-init ang magkabila niyang pisngi, para na ring tambol sa lakas ng pagtibok ang puso niya.  Pero sa halip na ipakita 'yon ay isang ngiti pa ang ibinigay niya dito.  "You can get addicted, I don't mind.  Pero may isang payo lang ako sa 'yo," inilapit niya ang bibig sa teynga nito and whispered, "next time, don't ask.  Just kiss me."   At pumailanlang sa paligid ang malutong nitong tawa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD