CHAPTER EIGHT

3121 Words
NASA MAY bench si Sunny at pinapanood ang pag-practice ng members ng club sa field.  'Yon na ang huling araw ng practice ng mga ito.  Tatlong araw mula ngayon kasi ay aalis na sila patungo sa Japan para sa magaganap na practice match sa pagitan ng mga ito at ng F.C. Tokyo.  Nagdesisyon siyang sumama para naman kahit paano ay mabigyan niya ang mga ito ng moral support.  Excited na talaga siya para sa mga ito but at the same time ay kinakabahan rin siya.  Pero malaki naman ang tiwala niya sa mga ito.  She knew they could win that match.       Three days ago, pumunta siya sa mansiyon ng Lolo para kausapin ito tungkol sa pamamahala niya sa club.  Naalala niya pa ang naging pag-uusap nila. "So ano bang gusto mong pag-usapan?  I take it na may kinalaman ito sa club?" tanong nito.  Halos isang buwan na lang kasi ang natitira sa tatlong buwang palugit na ibinigay nito sa kanya.  Kailangan na niya itong kausapin ngayon tungkol do'n dahil kinabukasan ay aalis ito patungo sa ibang bansa para sa isang business convention.  "Yes.  I plan to handle the club until you find a more appropriate person to do it," matapat niyang wika dito.  Hindi siya sigurado kung kailan niya napagtanto ang bagay na 'yon.  Basta ang alam niya, sobrang nag-e-enjoy na siya sa ginagawa.  And besides, napalapit na rin siya sa mga member club.  Hindi naman niya kayang pabayaan ang mga ito when she knew na walang ibang tao na pwedeng mamahala sa club bukod sa kanya.  Isang malawak na ngiti ang sumilay sa labi ng matanda.  "Sinasabi ko na nga ba at magugustuhan mo ang paghawak sa club.  So I already took the initiative of naming you the official owner of Assassins, F.C.  Legally, sa 'yo na nakapangalan ang club.  You can do whatever you want with it.  Kaya kapag dumating na yung oras na gusto mo nang itayo yung business na matagal mo nang gustong ipatayo, you can just hire a general manager na siyang mag-ha-handle ng lahat ng mga bagay na may kinalaman sa club.  What do you think?"  Hindi naman siya nakapagsalita agad.  Labis kasi talaga siyang nagulat sa sinabi nito.  "W-why?" tanging nawika na lang niya.  Parang hindi pa rin kasi tuluyang nag-si-sink in sa kanya ang mga sinabi nito.  "Because as I've said the first time, I trust you.  At hindi naman ako nagkamali.  Nakita ko kung gaano kalaking improvement ang ginawa mo sa training ground.  Hindi lang 'yon, I really admire your effort na mas makilala pang mabuti ang bawat members ng club.  It goes to show that you really care about them.  At kapag kinakausap ko si Devlin, pawang magagandang bagay lang ang sinasabi niya patungkol sa 'yo.  So I guess you're really doing a good job.  Kaya tama lang na ibigay ko sa 'yo ang Assassins."  Parang gusto naman niyang maiyak, hindi niya akalain na makakaramdam siya ng ganitong kasiyahan ngayon.  To think na nung umpisa ay sobrang reluctant pa siya na gawin ang trabahong ito.  Pero ngayon, napakasaya talaga niya na malaman na kahit hindi na siya ang namamahala sa club ay mananatili pa rin siyang konektado dito bilang may-ari nito.  Lumapit siya sa Lolo at mahigpit itong niyakap.  "Thank you, Lolo.  Thank you for trusting me this much." Pagkatapos ng pag-uusap nila ay tinanong ng abuelo kung paano ang pagmomodelo niya.  Sinabi niya dito na hindi na nito kailangan pang alalahanin 'yon.  Nag-file naman kasi siya ng indefinite leave at bukod pa do'n ay malapit na rin namang ma-terminate ang kontrata niya sa modelling agency na kinabibilangan.  At isa pa, ito na rin siguro ang tamang oras para tigilan na niya ang pagmomodelo at isipin naman niya kung ano ba talagang balak niyang gawin sa buhay.    Napangiti siya nang bigla na lang tumayo si Devlin at sigawan ang ilang mga manlalaro.  She really liked it kapag ganitong seryosong-seryoso ito sa pagco-coach.  Well, kahit naman anong ekspresyon ng mukha nito ay napakagwapo pa rin nito sa paningin niya.  Gusto niyang matawa because of how corny she sounded.  Pero 'yon naman kasi ang totoo.  These past weeks, parang ang binata na lang ang nakikita ng mga mata niya.  Pati isipan niya ay na-invade na rin nito.  After that first date on Tagaytay, ilang beses pa uling nasundan ang paglabas nila.  Masasabi niya na talagang mas naging malapit na sila sa isa't-isa.  They became more open with each other.  Kampante siya na magkwento at magsabi dito ng kahit na ano at alam niyang gano'n rin naman ito sa kanya.  Her emotions and feelings for him were still all jumbled up.  Pero pagkalipas ng mga nagdaang mga linggo na lagi silang magkasama, isang mahalagang bagay ang napagtanto niya.  She was falling for Devlin.  Undeniably and irrevocably.    Hindi na niya magagawang itanggi pa ang bagay na 'yon sa sarili niya.  Hindi siya sigurado kung kailan niya nagsimulang maramdaman ang bagay na 'yon para dito.  It just happened.  She started to fall for his manly charms, his unmatched dedication, his undeniable passion for the sport, just everything about him.  Now that she think about it, maybe it's really inevitable for her to fall for him.  Sa simula pa lang naman kasi ay kakaiba na ang epekto ng binata sa kanya.  Even though they didn't have a good start, mabilis pa rin itong tumatak sa puso't isipan niya.  Naputol ang pag-iisip niya dahil napansin niya na nakatunghay na pala sa kanya si Devlin.  Nag-angat siya ng mukha.  "What?"  "Wala lang, itatanong ko lang kung napapansin mo na ngumingiti kang mag-isa d'yan.  What were you thinking that made you smile like that?"  "Nothing," mabilis niyang wika.  Hindi naman niya pwedeng sabihin dito na iniisip niya na nahuhulog na ang loob niya dito.  Hindi pa ito ang tamang oras para sabihin niya dito ang nararamdaman niya.  Tiningnan naman siya nito na parang hindi ito naniniwala sa sinabi niya.  Sa pagkagulat niya ay bigla na lang nitong pinisil ang magkabila niyang pisngi.  "Tell me."  Bago pa siya makapagsalita ay napansin niya na palapit na sa kanila ang mga member ng Assassins.  Mukhang natapos na ang laro ng mga ito nang hindi man lang niya napapansin.  Binitiwan na ni Devlin ang pisngi niya at humarap na sa mga ito.  "Hey, hey Sunny, did you see our awesomeness?" tanong ni Coby.   "Yeah, halos kami lang dalawa ang umi-i-score," dugtong pa ni Macky na bumaling kay Coby at nakipag-hi-five pa.  Inakbayan naman ni Gift ang mga ito, mischief was swirling in his violet eyes.  "Anong sinasabi niyo, eh halos hindi nga kayo makalampas sa 'min ni Zander?"  "At hindi naman kayo makaka-score kung hindi dahil sa magaling kong pagpapasa," wika naman ni Jomi.  Before she knew it, maliban kina Rome, Rune at Zander, nagsimula nang magtalo-talo ang mga ito kung sino nga ba ang pinakamagaling.  "Sunny, you be the judge, sino sa tingin mo sa 'min ang pinakamagaling at may pinakamadaming nagawa," biglang tanong sa kanya ni Callum.  Dahil hindi niya inaasahan ang tanong nito ay wala tuloy siyang maisagot agad.  Kaya sa halip ay dagli niyang ikinawit ang kamay sa braso ni Devlin.  "Tinatanong pa ba 'yan?  Siyempre si Devlin ang pinakamagaling sa inyo."  "That's not fair, hindi naman kasama si Devlin sa pagpipilian eh," halos magkasabay na wika nina Macky at Coby.  Inakbayan naman siya ni Devlin.  "Tigilan niyo na 'yan.  Sunny already chose me, kaya wala na kayong magagawa."  She already chose him, huh?  Hindi nito alam kung gaano katotoo ang mga salitang 'yon, in more ways than one.  Bumaling siya sa mga members na nando'n at nagwika, "'Wag na kayong magtampo, because tonight, we're all going to have a campfire.  Since huling practice niyo na 'to, this should give all of you a little peace of mind."  Gaya ng inaasahan, natuwa ang mga ito sa sinabi niya.  "But I want to sleep tonight," reklamo bigla ni Rune.  Pinitik naman ni Gift ang noo nito.  "Sobra ka bang sleep-deprive at wala ka nang ibang alam gawin kundi matulog?"  "If you really needed to sleep at pakiramdam mo hindi mo na kayang imulat ang mga mata mo, you can just lean on me," wika ni Zander.  Tumingin dito si Rune at ngumiti.  "Okay."  Napailing siya, si Zander lang yata ang nakakapagpapayag kay Rune na gawin ang isang bagay.  Napansin niya, sa lahat, dito pinakamalapit ang binatilyo.  Siguro dahil na rin 'yon sa masyado nitong bine-baby si Rune.  "Okay, now that it's settled," lumapit siya kina Sparks at Peter at hinigit ang mga ito, "aalis muna kaming tatlo para mag-grocery."  "Hey, how come silang dalawa ang isasama mo?" tanong ni Coby.  "Tinatanong pa ba 'yan?  Obviously because Sparks is a responsible clean freak and Peter is a good cook.  That means, sigurado siya na matutulungan siya nung dalawa, hindi kagaya niyo," wika ni Rome, a little bit too harshly.  Pero gano'n naman talaga magsalita ito.  "Who's a responsible clean freak?" wika ni Sparks, dahil nakangiti ito ay hindi siya sigurado kung naiinis ba ito o ano.  "Okay, tama na 'yan, tayo na," aniya na hinigit na ang dalawang binata.  "Sunny," tawag sa kanya ni Devlin.  Agad niya itong nilingon.  "Mag-iingat kayo."  Napangiti naman siya dahil sa obvious concern nito.  "Of course." NASUNDAN na lamang ng tingin ni Devlin ang papaalis na sina Sunny.  Napangiti siya, hindi niya kasi inaasahan na may plano pala itong magsagawa ng campfire para sa kanila.  Well, hindi na siguro siya dapat magulat pa.  He should have learned long ago to expect the unexpected from her.  Because at every turn, she always ended up exceeding his expectations.  She wasn't the spoiled princess that he thought she was.  Sa katunayan nga, she was the complete opposite.  Masipag ito at maaasahan.  Dahil sa dalaga ay hindi na niya kailangang alalahanin pa ang ilang mga bagay na may kinalaman sa club, mas nakakapag-focus na siya ngayon sa practice at training ng bawat members.  Labis na guilt at pagsisisi talaga ang nararamdaman niya sa tuwing naiisip niya kung gaano niya ito kabilis na hinusgahan nung umpisa.  That's why he was really glad na nagawa na nilang ayusin ang hindi pagkakaunawaan na 'yon.  "Mag-iingat kayo," biglang wika ni Jomi na ginaya pa ang tono ng pananalita niya.    "Don't forget that part, Sunny already chose me," dugtong din ni Callum na ginaya din ang boses niya.  Tumingin ito sa kanya, may nakakalokong ngiti sa mga labi.  "So what's the real score between you two?"  Napaisip din siya dahil sa tanong nito.  Ano nga bang relasyon nila ni Sunny?  Hindi rin siya sigurado.  Pero isa lang ang natitiyak niya, napakaespesyal na ng dalaga sa kanya.  Masaya siya kapag kasama niya ito, there was never a dull moment when he was with her.  Masarap din itong kausap, kaya siguro napakadali lang para sa kanya na sabihin dito ang tungkol sa injury niya.  He never really talked about it with anyone.  Naaalala lang kasi niya yung mga panahon na kinailangan niyang tumigil sa paglalaro.  But with her, he felt like he can talk to her about anything.    Yes, he do like her.  Pero hindi siya sigurado if that's the extent of his feelings for her.  He wanted to take whatever it is they have, one step at a time.  Hindi naman siya nagmamadali.  But one thing's for sure, he wanted more.  More of her, more of everything.  Hindi siguro siya makukuntento kung hanggang sa pagkakaibigan na lang ang relasyon nila.  Makasarili mang maituturing, but he just wanted to monopolize her.  To make her his.  Despite his own uncertainties, 'yon lang ang naiisip niya sa tuwing kasama niya ang dalaga.  "Obviously, they're together," wika ni Gift na siya nang sumagot sa tanong ni Callum.  "Okay lang ba na maging kayo?  I mean, hindi ba makakaapekto sa club if ever the two of you broke up?" tanong naman ni Keith, mukhang iniisip na agad nito ang mga magiging senaryo kung sakali ngang mangyari man 'yon.    "Loosen up, Keith.  Pati ba naman sa relationship, i-a-apply mo pa rin 'yang pagiging tactician mo?" naiiling na wika naman ni Macky.  "Who cares if they broke up?  Nandito naman kami ni Coby para pasayahin si Sunny, right bro?"  Nakipag-hi five naman dito si Coby.  "Totally."  Mabilis naman niyang binatukan ang dalawa, he really didn't like the thought of Sunny being with the two of them or any man for that matter.  "Shut up, you stupid duo.  Pati na rin kayong lahat.  Kailan pa kayo nagkaro'n ng pakialam sa relasyon namin ni Sunny?"  "I don't care," mabilis namang sagot ni Rune na sinabayan pa ng paghikab.  "Shut up, Rune," sabay na wika naman dito nina Macky at Coby.  "I also don't care who you end up with, basta hindi 'yon makakaapekto sa team," turan naman ni Rome.  Napabuntung-hininga na lang siya.  Kung minsan nagtataka na rin siya kung paano niya nagawang pagsama-samahin ang lahat ng mga ito sa isang lugar, with all their different characters and mood swings.  Magsasalita pa sana siya nang bigla na lang may tumunog.  Nilingon niya ang pinanggalingan no'n at nakita niya na umiilaw ang isang cellphone na nakapatong sa bench.       "I think that's Sunny's phone," wika ni Jomi.  "Mukhang may nag-text sa kanya."  Agad naman niya 'yong dinampot.  Cellphone nga 'yon si Sunny, mukhang nalaglag 'yon sa suot nitong pantalong habang nanonood ng practice kanina.  Ipapasok na sana niya ang aparato sa bulsa ng pantalon niya nang hindi sinasadyang napindot niya ang read button.  Nabuksan tuloy ang mensahe na dumating para dito, nabasa tuloy niya ang nakalagay doon.  Pagkatapos niyang mabasa ang mensahe, agad na nagtagis ang mga bagang niya.  Mabilis siyang napuno ng matinding galit.  He really felt like he could kill someone at that moment. KATATAPOS lang nilang mamili ng mga pagkain na iihawin nila mamayang gabi, kasalukuyan na silang nasa daan pabalik sa training ground.  Sumilip si Sunny sa rearview mirror ng kotseng sinasakyan nila.  Kanina pa kasi niya napapansin ang pagsunod ng isang itim na kotse sa kanila.  Hindi niya alam kung guni-guni lang ba niya 'yon o talagang sinusundan sila nito.  Hindi naman kasi gano'ng kadalas na daanan ng sasakyan ang daan na patungo sa training ground.  Medyo tago kasi ang lugar.    "May problema ba, Sunny?" tanong ni Sparks na siyang nagmamaneho.  "Oo nga miss Sunny, parang kanina ka pa balisa," wika naman ni Peter na nakaupo sa may backseat.  Bumaling siya sa mga ito.  "Wala, may iniisip lang ako," nawika na lang niya.  Hindi naman niya pwedeng sabihin sa mga ito na pakiramdam niya ay sinusundan sila ng isang itim na kotse.  She would just sound crazy.  Muli siyang sumulyap sa rearview mirror at nakahinga siya ng maluwag nang makita na wala na doon ang itim na kotse.  Napailing na lang siya.  Ano bang nangyayari sa kanya?  Kailan pa siya naging paranoid?  Kasalanan 'tong lahat nung walanghiyang nagpapadala sa kanya ng mga prank mail at text message.  Kung bakit ba naman kasi ayaw pa siyang tantanan nito.  Daig pa nito ang isang baliw na stalker dahil sa paulit-ulit nitong pagpapadala ng mga walang kwentang mensahe sa kanya.  Kaya nga kapag alam niya na galing lang dito ang isang e-mail o isang text, hindi na niya binabasa, diretsong delete na agad.  Ma-i-stress lang kasi siya kapag binasa pa niya ang mga 'yon.  Ilang sandali pa ay nasa may training ground na sila.  Bahagya pa siyang nagtaka nang makita niya si Devlin na waring hinihintay sila.  Agad siyang bumaba nang iparada na ni Sparks ang sasakyan.  "Devlin, bakit-" hindi na niya naituloy ang sasabihin nang mapansin niya ang madilim na ekspresyon ng binata.  "We need to talk," wika nito in that gruff tone na ginagamit lang nito kapag nagagalit ito, at base sa nakikita niya, mukhang galit na galit ito ngayon.  "Sige na, miss Sunny, kami na lang ni Sparks ang magpapasok nitong mga pinamili natin sa loob," wika naman ni Peter.  Hindi na niya nasagot ang binata dahil bigla na lang siyang hinigit ni Devlin palayo sa mga ito.  Saka lang nito binitiwan ang kamay niya nang mapag-isa na sila.  "Ano bang problema?" tanong niya dito.  Humarap ito sa kanya, his expression was that of raw fury.  Iniharap nito sa kanya ang isang cellphone at kung hindi siya nagkakamali ay sa kanya 'yon.  "How did you get that?"  "What the hell is this?" halos dumagundong ang boses nito sa paligid.  At noon lang niya napansin ang mensahe na ipinakita nito sa kanya.  Mula 'yon sa tao na nagpapadala sa kanya ng mga prank mail.  "It's nothing," aniya.  Agad niyang binawi dito ang cellphone.  "Nothing?  What nothing?  Nabasa mo ba ang nakalagay d'yan sa cellphone mo?  Someone's literally threatening your life and you're saying it's nothing?"  Muli niyang tiningnan ang text and it says; 'You b***h, I've been telling you to shutdown that good for nothing club pero anong ginagawa mo?  You just continued to ignore me.  Kapag hindi mo pa sinunod ang gusto ko, I'll make sure something bad will happen to you.'  Napasinghap siya nang mabasa niya 'yon.  Dahil hindi na niya binabasa ang mga pinapadala nitong mensahe sa kanya, she never knew that the messages that person sent already escalated to this level.    "Ngayon, pwede mo na bang sabihin sa 'kin, what the f**k is happening?" wika ni Devlin in cotrolled anger.  At wala na siyang nagawa kundi sabihin dito ang lahat.  Mula sa kung kailan siya nagsimulang makatanggap ng mga prank mail hanggang sa mga pangyayari ngayon.  "Damn it, Sunny.  Bakit hindi mo man lang sinabi 'to sa 'kin?"  "Because it's not that important.  Wala naman siyang ginagawa kundi mag-send lang ng mga prank mail.  I don't want to bother you with something like this."  "So hihintayin mo pa na may gawin siya sa 'yong masama bago ka kumilos?  For Pete's sake, you're living by yourself.  Paano kung maisipan niya na puntahan ka sa condo mo at gawan ka ng masama?  I won't let that happen.  Simula bukas, hindi ka pwedeng mawala sa paningin ko.  You will stay by my side, wala akong pakialam kung kailangan kitang itali para mangyari 'yon."  "Pero Devlin-"  "No buts," mabilis nitong putol sa sasabihin niya.  "You can't fight me on this, Sunny."  Hinawakan nito ang magkabila niyang balikat.  "You will stay with me and that's final.  I will not let some psycho hurt you.  Bukas na bukas din, pupunta tayo sa pulis para ipa-blotter ang kung sinumang walanghiyang 'yan.  Do I make myself clear?"  "Yes," wala na niyang nagawa pang wika.  "Good," kinabig siya nito at ikinulong sa mga bisig nito.  "Because that's the only way I can relax."  Sa kabila ng sitwasyon, hindi niya mapigilang kiligin dahil sa labis na pag-aalalang ipinapakita nito.  Hindi niya akalain na mag-aalala ito ng ganito katindi para sa kanya.  At sumandal na lang siya sa malapad nitong dibdib, hinihiling na sana ay matapos na ang sitwasyong kinasasadlakan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD