CHAPTER NINE

2115 Words
IPINARADA ni Devlin ang kotse nito sa tapat ng malaking mansiyon ng mga De Alva.  Sinulyapan ni Sunny ang binata, magkasalubong pa rin ang mga kilay nito, halatang hindi pa rin ito sang-ayon na iwanan muna siya sa bahay ng kanyang Lolo.  Kagagaling lang nila sa police station para i-report ang taong nagpapadala sa kanya ng mga prank mail at text messages.  Pero parang wala ring silbi ang ginawa nilang 'yon.  Hindi naman daw kasi matutukoy ng mga pulis ang kung sinumang nagpapadala sa kanya ng mga mensaheng 'yon gamit lamang ang unknown e-mail address at cellphone number.   Mas makakatulong daw sana kung makakapagsabi siya ng mga tao na sa tingin niya ay maaaring magpadala sa kanya ng gano'ng klaseng mensahe, but no one really came to mind.  Kaya naman bago pa sila umalis ng station ay inis na inis na agad si Devlin.  Hindi kasi nito nagustuhan ang naging tugon ng mga pulis sa hinaing nila.  Nakadagdag pa do'n na tinawagan ito ng DFA at sinabing nagkaro'n ng problema sa pagre-release ng VISA ng ilang mga miyembro ng club.  Pinapapunta ito ngayon sa opisina ng DFA para maasikaso ang problemang 'yon.    Pahirapan pa bago niya ito napapayag na iwan muna siya sa bahay ng Lolo niya.  But she will only slow him down kung isasama pa siya nito sa DFA, hindi naman pwedeng habang nag-aasikaso ito ng mga papeles ay binabantayan din siya nito.  So now, he was extremely pissed as hell.  Alam naman niya na nag-aalala lang ito sa kanya, pero masyado naman na yata itong nag-o-over-react.  Sa tingin niya kasi ay wala naman talagang panganib na dulot ang kung sinumang nagpapadala sa kanya ng mga mensaheng 'yon.  "Wala ka ba talagang maisip na pwedeng magpadala sa 'yo ng mga prank mail na 'yon?" biglang tanong ng binata.  "Someone who holds a grudge against you, like your stepmother perhaps?"  "No, it's not her.  No matter how much she hates me, Tita Sylvia wouldn't stoop so low just to do this," aniya na ang tinutukoy ay ang madrasta.  Isa pa, hindi mag-aaksaya ng panahon ang stepmother niya para lang padalhan siya ng mga gano'ng klaseng e-mail at text.  "Then how about yung iba mo pang kamag-anak?  Meron ba sa kanila na tutol na hawakan mo ang football club?"  Umiling siya.  "Masyadong business minded ang mga kamag-anak ko, they don't see the football club as a good investment kaya walang tumutol ni isa man sa kanila nang ibigay sa 'kin ni Lolo ang pamamahala sa club."  Napataas naman ang isang kilay nito sa sinabi niya.  "Not a good investment?  Ha, tingnan lang natin years from now kung sino ang hindi magandang investment."  Napangiti naman siya, dumadali na naman kasi ang pagiging football addict nito.  "Sige na, umalis ka na at baka mahuli ka pa sa appointment mo."  "I still don't want to leave you here."  "Devlin, walang magtatangkang gumawa ng masama sa 'kin dito," paninigurado niya dito.  "I just want this bastard behind bars, hindi ako matatahimik hangga't alam ko na may isang tao d'yan na nagtatangkang gawan ka ng masama."  Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay niya.  "Hindi ko alam ang gagawin kapag may nangyaring masama sa 'yo."  Para namang lomobo ang puso niya dahil sa mga tinuran nito.  He really does care for her at kakaibang kaligayahan talaga ang dulot no'n sa kanya.  "Walang mangyayaring masama sa 'kin, I won't allow it."  She leaned closer to him and gave him a quick peck on the lips.  "Sige na, baka mahuli ka na."  "Once more," wika nito at bago pa siya makapag-react ay sinakop na nito ang labi niya.  It was one intense and passionate kiss.  Gano'n naman ito palagi, sa tuwing hinahalikan siya nito ay animo 'yon na ang huling halik na pagsasaluhan nila.  Halos maubusan na siya ng hininga nang tapusin nito ang halik na 'yon.    "Do you still want to kiss?" mapaglarong tanong niya dito.  Hinalikan naman nito ang tungki ng ilong niya.  "You tease.  Kapag hinalikan pa ulit kita, hindi ako sigurado na kaya ko pang kontrolin ang sarili ko.  That's why I will go now."  "Good idea," lumayo siya dito at lumabas na ng kotse.  "Ingat ka sa biyahe."  "Ikaw din, 'wag kang lalabas ng mansiyon hangga't wala ako."  "Yes, boss."  Maya-maya pa ay pinaandar na nito ang sasakyan.  Siya naman ay pumasok na sa loob.  Binati siya ng ilang mga katulong na nakasalubong niya.  Wala ngayon ang Lolo niya sa bahay, sa pagkakaalam niya ay nasa Amerika ito ngayon dahil sa isang business convention.  Mabuti na lang din at wala ito, dahil kung hindi tiyak na sinabi na ni Devlin dito ang mga nangyayari.  That's the last thing she wanted, ang pag-alalahin ang Lolo niya.  Didiretso na sana siya sa kwarto na ginagamit niya kapag nando'n siya nang bigla na lang tumunog ang telepono.  Dahil malapit lang naman siya sa aparato ay siya na ang sumagot no'n.  "Hello?"  "Sunny?  What are you doing there?" tinig 'yon ng Kuya Liam niya.  "Ah, napadaan lang ako.  Ba't ka napatawag dito, Kuya?" takang tanong niya.  "Sasabihan ko lang sana yung mga katulong na papapuntahin ko d'yan yung sekretarya ko.  May files kasi akong kailangan regarding one of our factories.  Nand'yan sa study ni Lolo yung kopya, kailangang-kailangan ko na siya ngayon para sa meeting mamaya."  "Gusto mo ako na ang magdala d'yan para mabilis?" tanong niya bago pa man siya makapag-isip.  "Okay lang ba?"  "Oo naman.  So what kind of file are you looking for exactly?"  Nang sabihin nito sa kanya ang file na kailangan nito ay ibinaba na nito ang telepono.  Siya naman ay dumiretso agad sa study ng Lolo niya.  Madali naman niyang nahanap ang file na kailangan ng kapatid.  Maayos kasing nakasalansan ang mga 'yon sa drawers at cabinet.    Pasakay na siya sa isa sa mga kotse na nando'n nang maalala niya na pinagbawalan nga pala siya ni Devlin na lumabas ng bahay.  But she immediately brushed the thought off.  Wala naman sigurong masama kung i-deliver niya muna ang file na 'to sa Kuya niya.  It's not as if something bad will happen.  Hindi pa man siya nakakalayo ng subdivision, nagulat siya nang isang itim na kotse ang bigla na lang mag-overtake sa harapan niya.  Wala tuloy sa oras na napa-preno siya.  "What the heck?"    Nakita naman niya ang paglabas ng isang matangkad at maskuladong lalaki mula sa driver's seat ng itim na kotse.  Nagsimula itong naglakad patungo sa sasakyan niya.  Hindi niya alam kung bakit pero bigla na lang siyang nakaramdam ng matinding kaba.  Huminto ito sa tabi ng bintana niya at kinatok 'yon.  Binaba naman niya ang bintana.  "Yes?"   "Pasensiya ka na miss kung bigla akong nag-overtake, ayos ka lang ba?" tanong nito.  Dahil nakasuot ito ng salamin at bullcap ay hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito.  "Ah, ayos lang ako.  No harm done."  "That's good," wika nito then a sinister smile crossed his lips.  At sa pagkagulat niya ay bigla na lang itong dumukwang sa kanya.    Tinakpan nito ang ilong niya ng isang panyo.  Kakaiba ang amoy na nagmumula sa panyo and it was starting to make her feel dizzy.  Sinubukan niyang kumawala at sumigaw ng tulong, pero masyado itong malakas, tinakpan lang nito ang bibig niya.  At unti-unti ay nabalot na ang paligid niya ng kadiliman.  Devlin... NAPAPITLAG si Devlin mula sa kinauupuan niya.  Para kasing narinig niya na tinawag ang pangalan niya.  It was a weird feeling, pakiramdam niya ay nanayo ang lahat ng balahibo sa katawan niya.  Nando'n siya ngayon sa opisina ng DFA para asikasuhin ang naging problema sa mga VISA ng ilang mga members ng team.  Nagkaro'n ng problema sa dual-citizenship ng ilang members gaya nina Macky, Gift at Rune.  Dahil do'n ay hindi agad na-process ang VISA ng mga ito.  Kadarating pa lang niya do'n pero nangangati na siyang umalis.  Hindi kasi talaga siya komportable na iwan mag-isa si Sunny.  Kahit pa iniisip nito na walang mangyayaring masama dito, iba pa rin talaga ang kutob niya.  Kung sinuman ang nagpapadala dito ng mga mensahe na 'yon, natitiyak niya na hindi ito yung tipo na makukuntento na lang sa pananakot.  Dahil base sa nabasa niya, this person was really determined to shut down the club.  Tiyak niyang hindi ito titigil hangga't hindi nangyayari 'yon.  Kaya nga hangga't hindi nahuhuli ang kung sinumang taong 'yon, mananatiling nasa panganib si Sunny.  Pero hindi naman pwedeng hindi niya asikasuhin ang problemang ito tungkol sa VISA ng ilang members.  Hindi sila makakaalis patungong Japan sa makalawa kung hindi niya ito aasikasuhin.  Kaya naman kahit gustung-gusto na niyang umalis doon at balikan si Sunny ay hindi niya magawa.    Dalawang oras pa ang lumipas bago niya tuluyang naayos ang lahat ng dapat ayusin.  Dali-dali na siyang lumabas sa opisina ng DFA, pasakay na siya ng kotse niya nang bigla na lang tumunog ang cellphone niya.  It was an unknown number.  "Yes?"  "Si Liam 'to, hiningi ko kay Dan ang number mo, itatanong ko lang kung magkasama ba kayo ni Sunny." wika ng nasa kabilang linya.  "Hindi, pero papunta na 'ko sa kanya ngayon, susunduin ko siya.  Bakit, may problema ba?"  "She was supposed to bring me a file today, pero kanina pa ako naghihintay and hanggang ngayon wala pa siya.  Sinubukan ko siyang tawagan sa cellphone niya pero hindi naman siya sumasagot.  I thought she was with you."  "Wait- umalis siya sa bahay ng Lolo niyo?" hindi niya makapaniwalang wika.  "Oo, nagprisinta siya na dalhin sa 'kin yung file na kailangan ko."  Bigla siyang napamura.  "Sorry Liam, tatawagan na lang kita mamaya kapag alam ko na kung nasaan siya," and he hunged up.  "That girl."  Sinabihan na niya ito na 'wag aalis nang walang kasama, he should've known na hindi ito makikinig sa kanya.  He wanted to strangle that lovely neck of hers, pero sa ngayon ay mas nangingibabaw ang pag-aalala niya para dito.  Sinimulan na niyang i-dial ang cellphone number nito.  God, please let her be alright.  Nagsimulang tumunog ang dial tone and then the call was answered.  "Hello?  Sunny?  Where the heck are you?"  "Sorry but Sunny is unavailable right now.  Mamaya ka na lang tumawag kapag may malay na siya," wika ng tinig ng isang lalaki.  Agad siyang nabalot ng matinding takot dahil sa narinig, takot para kay Sunny.  "Who are you?  Bakit na sa 'yo ang cellphone ni Sunny?"  "Tsk.  Tsk.  Nakalimutan mo na ba ang boses ko, coach?  That makes me a little sad.  Gusto mo bang magpakilala pa 'ko sa 'yo?"  Napakunot ang noo niya, yes, he do know this voice.  The voice of a person who once had been a part of Assassins.  "John, you son of a b***h, so it's you all this time.  Ikaw ang nagpapadala kay Sunny ng mga prank mail na 'yon, ikaw ang nananakot sa kanya."  "Bingo.  Ako nga 'yon coach.  At first, all I wanted was to scare her a little hanggang sa isara na niya ang club but the b***h never listened.  So I have to resort into something like this."  Parang lahat ng dugo niya sa katawan ay umakyat sa ulo niya dahil sa sobrang galit.  "Kapag sinaling mo kahit dulo ng daliri niya, I swear to God, I will hunt you down and I will kill you."  "Ooohhh... scary.  Alam mo, wala ka sa posisyon para takutin ako.  I'm the one who has the hostage here.  Kaya bakit hindi mo na lang ako tanungin kung ano ba ang gusto ko para pakawalan ko na 'tong girlfriend mo?"  Halos dumugo na ang palad niya dahil sa labis na pagkakakuyom ng kamao niya, pero pilit niyang pinakalma ang sarili.  "What do you want?"  "Simple lang naman ang gusto ko.  Gusto ko na ipatalo niyo yung laro niyo sa F.C. Tokyo and then after that, iwanan mo ang Assassins.  Kapag nagawa mo na 'yon, I will give your girlfriend back."  Nagtagis ang mga bagang niya.  "Nababaliw ka na ba?  Limang araw pa mula ngayon magaganap yung laban namin sa F.C. Tokyo, you can't keep Sunny for that long!  Give her back and I swear gagawin ko yung gusto mo."  "Ano ako, tanga?  Kapag ibinalik ko siya, then I won't have any bargaining chip.  Kaya gawin mo na lang 'yong pinapagawa ko sa yo.  And by the way, 'wag ka nga palang tatawag ng pulis at 'wag mo ring subukang ipaalam 'to sa iba, dahil kung hindi, itong magandang girlfriend mo ang malalagot.  Ayaw mo naman sigurong mangyari 'yon, hindi ba?  Bye, coach.  Hihintayin ko ang magiging desisyon mo."  Napamura siya nang maputol ang linya.  Halos pigilan niya ang sarili na suntukin ang katabing pader dahil sa labis na galit.  Muli siyang nag-dial sa cellphone.  "Rome, gather everyone.  We have an emergency.  Sunny's been kidnapped."  Just wait, Sunny.  I will definitely save you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD