NAALIMPUNGATAN si Sunny dahil sa nararamdaman niyang pangangalay ng mga kamay at paa. Iminulat niya ang mga mata at isang hindi pamilyar na kapaligiran ang bumungad sa kanya. She was inside a house, isang malaking bahay na wala man lang kagamit-gamit at parang matagal nang napabayaan. Ibinaba niya ang tingin sa sarili, nakatali pareho ang kamay at paa niya sa inuupuan niyang silya. At noon lang nagbalik sa kanya ang lahat ng mga pangyayari.
Ang balak niyang pagpunta sa opisina ng kapatid, ang pag-overtake ng isang itim na kotse sa sasakyan niya, at ang paglapit sa kanya nung malaking lalaki. She had been kidnapped! Nagsimula na siyang mapuno ng matinding takot. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. "May tao ba d'yan? Please, tulungan niyo ako! Tulong!"
"'Wag mo nang sayangin ang boses mo sa kakasigaw, mamamaos ka lang kasi wala namang makakarinig sa 'yo. Well, except siguro do'n sa mga tauhan ko na nagbabantay sa labas," wika ng isang tinig sa may likuran niya. Dahil nakatali siya sa upuan, hindi niya magawang lingunin ito. Pero hindi siya maaaring magkamali, 'yon ang boses nung lalaking dumukot sa kanya.
"What do you want?" tanong niya, pilit na pinatatag ang boses.
"Wala akong kailangan sa 'yo," naririnig niya ang papalapit nitong mga yabag. "Pero kay Devlin, meron."
Sa puntong 'yon ay nakaharap na ito sa kanya. Wala na ang suot nitong saklob at salamin kanina, kitang-kita na niya ang bawat features ng mukha nito. At isa lang ang nakatawag ng pansin niya, that crazy gleam in his eyes. Lalo lang siyang napuno ng matinding takot. "A-anong kailangan mo kay Devlin?"
"I already told him what I want," unti-unti itong lumapit sa kanya. Umupo ito sa harapan niya at tumunghay. "Alam mo, hindi naman aabot sa ganito ang lahat kung sinunod mo lang 'yong mga sinasabi ko sa 'yo. If you just shut down that damn club, eh di sana hindi na 'to nangyari."
Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto niya ang indikasyon ng sinabi nito. "It was you? The one who's been sending me prank mails? Ano bang nagawa ko sa 'yo at ginagawa mo 'to sa 'kin? I don't even know you!"
"Maaari ngang ikaw, wala. Pero si Devlin, meron. Malaki ang atraso niya sa 'kin. So you could say I'm doing this for revenge."
"Revenge?"
"Yes, revenge. Alam mo kasi, I used to be a member of that good for nothing club. Until one day, nagdesisyon si Devlin na tanggalin ako. Just because I'm using steroids. Imagine? Tinanggal niya ako dahil lang do'n?"
Mas lalo siyang nagulat dahil sa narinig. Isa lang ang tinanggal ni Devlin sa team dahil nahuli nitong gumagamit ang taong 'yon ng steroids. Si John Marquez. "It's illegal to use steroids. Tama lang na tinanggal ka ni Devlin sa team."
Marahas itong bumaling sa kanya. His face contorted with anger. Sinakmal nito ang ilang hibla ng buhok niya, making her winced. "Shut up! Alam mo ba ang mga pinagdaanan ko dahil sa ginawa niya? It became a huge scandal for me! Inakala ng lahat na kaya ko lang naipanalo yung mga football college games na sinalihan ko dahil gumagamit ako ng steroids. Pinadala ako ng parents ko sa Amerika dahil ikinahihiya nila ang nangyari sa 'kin. And then when I got there, hindi pa rin ako makapaglaro ng football dahil walang team na gustong tumanggap sa 'kin! It's as if steroid-user was written on my forehead. At kasalanan 'tong lahat ng magaling mong boyfriend!" padaskol nitong binitiwan ang buhok niya.
"Tapos pagdating ko dito, nalaman ko na naging official football club na ang Assassins. Sinimulan kong planuhin kung paano ko mapapabagsak ang club na 'yon, but then I heard the news na ibibigay na ng matandang De Alva ang pamamahala ng club sa apo nitong babae. Hindi ko na itinuloy ang plano ko dahil kung pagbabasehan ko ang mga naririnig ko tungkol sa 'yo, ikaw na mismo ang magpapabagsak sa buong team. But imagine my surprise nang hindi mangyari 'yon. You turned out to be pretty responsible. But it seemed like luck was still by my side, dahil yung company na pinag-order-an mo ng mga gym equipment apparently belonged to my uncle. Kaya hindi ako nahirapan na kunin ang mga personal information mo."
Ngayon nagiging malinaw na ang lahat. No wonder nagsimula ang pagpapadala nito ng mga prank mail pagkatapos niyang om-order ng mga gym equipment.
"Akala ko madadala ka at susunod ka sa gusto ko if I continued sending those e-mails at text messages, but apparently, you're one hard-headed b***h. So I changed my tactic. Kahapon pa sana kita dapat kikidnapin when you went to the grocery store. But those two bastards won't leave you alone."
Naalala niya ang itim na kotse na pakiramdam niya ay sumusunod sa kanila kahapon. Yung sasakyan na kaparehong-kapareho ng sasakyan na ginamit nito ngayon. Kung gano'n ay hindi niya lang pala guni-guni 'yon. It was him. He was following them. "So you already got me. Ano nang plano mo sa 'kin ngayon?"
"Gusto ko na ipatalo ni Devlin ang laban nila sa F.C. Tokyo at pagkatapos no'n, gusto ko na iwanan niya ang team. At kapag nagawa na niya lahat ng 'yon, saka pa lang kita ibabalik sa kanya."
Hindi naman siya makapaniwala sa narinig. He did all these para lang ipatalo ni Devlin ang laro? "And what will you accomplish with that?"
"His reputation would be ruined, just like he ruined mine. Ika nga nila, mata sa mata, ngipin sa ngipin," wika nito while smiling crazily at her.
Alam niya kung gaano ka-importante ang practice match na 'yon ng Assassins. That game game will launch their career as football players representing the country. Nakita niya kung paano naghirap ang mga ito sa practice at training para lang masiguro ang pagkapanalo. And now, it will all be gone to waste. Wala siyang duda na ipapatalo ni Devlin ang larong 'yon para lang mailigtas siya. It will surely devastate him. At 'yon ang labis niyang hindi matatanggap. She gritted her teeth in anger.
Tiningnan niya ng masama ang lalaking nasa harapan. "Nababaliw ka na! Sa tingin mo ba walang maghahanap sa 'kin if you keep me here? Tiyak na hinahanap na ko ngayon ng kapatid ko at sinisiguro ko sa 'yo na hindi siya titigil hangga't hindi niya ako nakikita. And when the police find us, sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa-"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi niya dahilan para pumutok ang labi niya. "God, you're noisy. Hindi ko akalain na mga kagaya mo ang tipo ni Devlin."
Nakagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili na mapaiyak. She won't give him that satisfaction. Isang matalim na tingin ang ibinigay niya dito. "Asshole."
At isa pa uling sampal ang natanggap niya.
Hinawakan nito ang baba niya. "That's very unladylike you know. Now, bakit hindi ka na lang tumahimik habang hinihintay natin ang tawag ng boyfriend mo? Dahil kung hindi," kinuha nito ang isang pocket knife sa bulsa ng pantalon nito at itinutok 'yon sa mukha niya, "baka hindi ako makapagpigil at masira ko lang 'yang maganda mong mukha."
Ayaw man niya, labis siyang nahintakutan sa sinabi nito. Ngayon sigurado na siya that this bastard was really unstable. Walang dudang wala na ito sa tamang katinuan. Napapikit siya at ang mukha ni Devlin ang una niyang nakita sa kanyang balintataw. Devlin, please save me.
SA APARTMENT ni Devlin nagkita-kita ang main members ng team. Pagkatapos kontakin ni Rome isa-isa ang mga ito ay do'n na mismo sa apartment dumiretso ang mga ito. Kanina pa hindi makapag-isip ng matino si Devlin. He was so consumed with anger na ang tanging naiisip na lang niya ay iligtas si Sunny and kick the hell out of John.
"Let me make this clear, kinidnap ni John si Sunny at ang gusto niyang mangyari ay ipatalo natin yung game sa F.C Tokyo para ibalik niya si Sunny. So why the heck aren't we calling the police yet?" tanong ni Jomi.
"Baka may gawing masama si John kay miss Sunny kapag na-involve ang mga pulis."
"Tama si Peter," pagsang-ayon ni Sparks dito.
Kagaya ng sinabi ni Peter, baka mas lalo lang mapahamak si Sunny kapag in-involve nila ang mga pulis. Kaya nga hindi pa rin niya matawagan si Liam para sabihin dito ang nangyari dahil alam niyang tatawag agad ito ng pulis. Mabuti na lang din at wala sa bansa ang Lolo ng dalaga dahil kapag nalaman nito ang nangyari ay hindi rin ito magdadalawang-isip na i-involve agad ang mga pulis or worse baka atakihin pa ito sa puso.
"So hahayaan na lang natin ang baliw na John na 'yon na gawin ang gusto niya?" wika naman ni Coby.
"I never said that, we should think of a way para mailigtas natin si Sunny." Tumingin sa kanya si Sparks. "Ano sa tingin mo, Devlin?"
"Hindi ko alam," exasperated nang wika niya. "I'm at my wit's end here, kaya nga pati kayo ay idinamay ko na sa gulong 'to."
"Hindi mo kami idinamay, members kami ng Assassins, technically boss din namin si Sunny kaya tama lang na tumulong kami para malutas ang problemang 'to," wika naman ni Macky.
"Pero kino-consider mo ba talaga na ipatalo 'yong game para mailigtas si Sunny?" biglang tanong ni Rome.
Tiningnan niya ito ng diretso sa mga mata at walang kaabog-abog na nagwika, "Oo. Kahit ano, handa kong gawin mailigtas lang siya."
Because he loved her. God, he loved her. Hindi niya akalain na kailangan pang may mangyaring ganito para lang maamin niya ang simpleng bagay na 'yon sa sarili niya. Wala na siyang pakialam kung mabuwag man ang team na pinaghirapan niyang buuin, wala na rin siyang pakialam kahit na hindi na siya mapabilang pa sa mundo ng football, hindi na mahalaga ang mga 'yon sa kanya. Because Sunny was the most important. At alam niyang simula ngayon, she will always be his first priority.
Mariin siyang napapikit. "I just want to be with her again."
Naramdaman niya ang marahang pagpisil sa kanyang balikat. Nag-angat siya ng mukha at nakita si Zander. "We will save her," paninigurado nito.
"Tama si Zander, mahahanap natin siya," wika naman ni Gift. "Damn, I know John is one sick bastard, but I never knew he would do something like this."
"I think there's a way to find her," wika ni Keith. Lahat sila ay napabaling dito dahil sa sinabi nito. "Hindi ba sinabi mo na kinausap ka ni John gamit ang cellphone ni Sunny?" tumango siya bilang sagot. "Halos lahat ng cellphone ngayon, may nakalagay ng GPS system. Kung ma-a-access natin ang GPS system ng cellphone ni Sunny, matutunton natin kung nasaan siya."
Agad siyang nabuhayan ng loob dahil sa sinabi nito. "You're a genius, Keith. Kaya mo bang i-access ang GPS system ng phone niya?"
"I can't. Sa mga ganitong cases, kailangan natin ng authorization ng company na gumawa ng cellphone niya. Hindi natin 'yon basta-basta ma-a-access ng walang tulong nila. We can request it to them, 'yon nga lang, it will take time. Let's say, a day maybe."
"We don't have that much time! Madaming pwedeng mangyari sa loob ng isang araw. We can't risk that," puno na ng frustrations na wika niya.
"I can hack into their database."
Lahat sila ay napalingon sa sinabing 'yon ni Rune. "Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.
"Pwede akong mag-hack sa database ng company na gumawa ng cellphone ni Sunny para ma-access natin ang GPS system nung cellphone," sagot nito. "All you have to do is to call her phone again."
"You could do that?" hindi makapaniwalang wika ni Callum.
"Yup. I often hack into different systems whenever I'm bored."
"That's what you do when you're bored?" tanong naman ni Jomi.
"Oo, isn't that normal?"
"Dude, that's totally not normal," magkasabay na wika nina Macky at Coby.
Kinuha niya ang laptop at ipinatong 'yon sa harapan ni Rune. "Do it."
HINDI NA halos maimulat ni Sunny ang isa sa mga mata niya. Kung meron lang sigurong salamin sa harapin niya ngayon, sigurado siyang makikita niyang nag-uube na ang mata niyang 'yon. Nang sagutin niya kasi ng pabalang kanina si John ay bigla na lang siya nitong sinuntok. Hindi lang 'yon ang ginawa nito, ilang beses din nitong nilaslas ang magkabila niyang braso. The cuts were not that deep but it was enough to make her bleed.
Kanina pa niya gustong maiyak dahil sa hapdi at sakit ng mga sugat niya. Pero pilit niyang pinipigilan ang sarili na gawin 'yon. She will never cry in front of this sadistic bastard. Mamamatay na muna siya bago mangyari 'yon. Hindi niya alam kung ilang oras na ang lumipas. Sa tingin nga niya ay gabi na. Napapikit siya. Gustung-gusto na niyang umuwi. For of all these to end. Pero higit sa lahat, she wanted to see Devlin. Naniniwala siya na darating ito at ililigtas siya. He will definitely come.
Narinig niya kanina na tumunog ang cellphone niya. Sinagot 'yon ni John, obviously ay si Devlin ang tumawag. Sinabi kasi nito sa kanya matapos ang tawag na 'yon na pumapayag na si Devlin sa gusto nito. Kaya matagal-tagal pa daw silang magsasama hanggang sa magawa na ni Devlin ang napag-usapan ng mga ito. Pero sigurado siyang may pinaplano pang iba ang binata. Hindi ito papayag na makasama niya ng ilan pang araw ang baliw na John na 'to. That she was sure of.
Pilit niyang iminulat ang mga mata at ipinalibot ang paningin sa paligid. May lalaki na nagbabantay sa may pintuan at may isa pa na nakasilip sa bintana, at ayon pa sa sinabi ng baliw na John na 'to kanina may ilang pa nasa labas at nagbabantay. Wala siyang ideya kung saan nakuha ni John ang mga ito, pero hindi na siya nagtaka, tiyak na binayaran ito ni John para gawin ang bagay na 'to. With the right amount of money, some people are willing to do anything.
"Hmm... ano sa tingin mo ang dapat nating gawin for the next five days?" biglang tanong ni John. Naka-indian seat ito may 'di kalayuan sa kanya.
"Go screw yourself," aniya, her voice already hoarse from pain.
"After all I did, napakatabil pa rin ng dila mo. Don't tell me you wanted more? Because, you know, I'll gladly oblige."
Tatayo na sana ito nang bigla na lang bumukas ang pintuan at iniluwal no'n ang ilang mga kalalakihan. Pakiramdam niya ay biglang tumigil ang puso niya sa pagtibok nang mapagsino niya ang mga ito. It was the members of Assassins. Bago pa nakakilos si John ay sinugod na agad ito nina Macky, Coby at Jomi. Samantalang yung iba naman ay nakikipagbuno sa dalawa pang tauhan ni John na nando'n din at nagulat sa pagdating ng mga ito. Pero parang biglang nabura ang eksenang 'yon nang makita niya ang lalaking palapit sa kanya.
"Devlin..."
Nang makalapit ito sa kanya ay agad itong lumuhod sa harapan niya at tinanggal ang pagkakatali niya sa upuan. Seeing him this close ay parang noon lang nag-sink in sa utak niya na talagang nandito ang mga ito ngayon para iligtas siya. He came to save her. At hindi na niya napigilan ang tuluyang paglaglag ng mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
Mabilis naman nitong pinunasan ang luhang naglalandas sa pisngi niya. "Sshh, sweetheart. Don't cry, I'm here, everything's going to be fine."
"Y-you came for me."
"Of course I would." Pinagmasdan siya nito at parang noon lang din nito napansin ang estado niya. Mabilis na nagdilim ang ekspresyon ng mukha nito, murder was written all over his face. "That son of a b***h, I will kill him." Tumayo ito at bumaling kay John.
Kasalukuyan nang nakatali ang lalaki at bugbog-sarado na rin ito, pero kahit gano'n he still managed to give Devlin a mocking smile. "Nagustuhan mo ba ang ginawa ko sa girlfriend mo? That's not even enough compared to what you did to me."
Susugudin na sana ito ni Devlin pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ng binata. "Please, j-just stay with me, Devlin."
He squeezed her hand back. "Get that bastard out of here, bago ko pa 'yan mapatay," wika nito sa mga members ng Assassins na agad namang sinunod ang utos nito. Muling lumuhod ang binata sa harapan niya. His expression was now a little bit more gentle. Hinawakan nito ang kamay niya at dinala 'yon sa pisngi nito. "I'm sorry na kailangan mong pagdaanan ang lahat ng ito just because of someone who holds a grudge against me."
Marahan siyang umiling. "Hindi mo kasalanan 'to, none of this is."
Niyakap siya nito. Ipinatong niya ang ulo sa balikat nito, nararamdaman niya na unti-unti na siyang nawawalan ng malay. But before she lose conciousness, she heard him say, "I love you."