" Make peace with your broken pieces.-r.h. Sin " ? Heather's POV Ilang days na ang nakalipas hindi na nagparamdam o nagpakita si Myles sa akin. Nakasimangot akong nagpupunas ng table, buti na lang walang masyadong customers ngayon sa Restaurant. "Aba ang sipag naman ng Heart ko." Pang-aasar ni Daniel sa akin, hindi ko napansin na nakalapit na pala ito sa akin. Inirapan ko lang siya. "Sino ba kasing inaabangan mo, lagi kang napapatingin sa may entrance. Si Myles ba?" Seryoso nitong tanong. "Tigilan mo nga ako Daniel." Naiinis kong sagot sa kanya, tinawanan niya lang ako. "Napaka moody naman, huwag ka na kasing umasa." Muling pang-aasar nito sabay kiliti sa tagiliran ko. Napatawa ako. Napaka-kulit talaga nito. "Daniel, tigil-tigilan mo ako baka makalimutan kong boss kita." Pinandi

