The Wedding✓ "Never give up on something you can't go a day without thinking about" ? Heather's POV Nakaharap ako ngayon sa malaking salamin, tapos na akong ayusan ng mga make up artist at hairdresser, suot ko na rin ang lace mermaid style wedding gown ko. Hindi ako makapaniwalang makakapagsuot ako ng wedding gown. How i wish nandito si Mommy, naiiyak ako sa isiping wala siya sa espesyal na araw na ito. "Oh my! You look so beautiful dear." Masayang puro ni Tita Estrella sa akin ng makapasok sa silid, kasunod niya ang anak na si Esperanza. Napakaganda nito sa suot na gown, kulay marsala red dahil iyon ang wedding motif namin. Si Esperanza ang maid of honor ko at si Third naman ang best man, sinabi ko naman kay Myles na okay lang kung pauwiin niya ang kapatid at ito ang maging best m

