Bachelor's Night✓ "You hurt me, but not as much as i am hurting myself by still loving you" ? Heather's POV Muli akong napatingin sa salamin, okay na siguro itong ayos ko. Nakasuot lang ako ng sleeveless bodycon red dress na hanggang tuhod ang haba. Kakauwi lang ni Daddy ngayon galing sa out of the country business trip nito, may gusto akong ipakiusap dito kaya pupuntahan ko. Matagal na rin akong hindi nakapunta sa Chad Stone Hotel kaya nag-ayos ako ngayon. Ayaw ko naman magmukhang kawawa kapag pumunta sa Hotel. Isinuot ko na ang 4 inches heels ko. Bumaba na ako sa sala, nandoon naman si Daniel, karga-karga si Calista. Nakaporma rin ang ayos nito. "Let's go." Turan ko. "You look captivating as always." Puri ni Daniel, napatigil ako dahil si Myles ang naalala ko ng marinig ang sa

