"If you don't like the road your walking, start paving another one- Dolly Parton" ? Marcus POV Naihilamos ko ang sariling kamay sa mukha, damn! What have i done? Hindi ako makapaniwalang magagawa kong kunin ang batang hindi ko naman sigurado kung ako ba talaga ang ama. Nadala lang siguro ako sa selos at emosyon ko, saka hindi ko na alam anong gagawin, ilang araw na akong hindi nakakatulog sa kakaisip kung sino ang ama ni Calista simula ng makita ko ito sa lamay ni Don Glavio, si Daniel ba ang ama? Muli kong naikuyom ang kamao. Palakad-lakad ako sa kuwarto, tulog na si Calista. Sa tulong na rin ng mga helper ko ay napakain at napatulog na rin ito. Alam kong pupunta rito si Heather, sa nakikita kong hitsura nito kanina na tila ba naguguluhan sigurado akong pupunta siya, walang ina ang

