Chapter 39

2103 Words

Bulan's POV Tumulak ako kasama ang ilang tauhan na inutusan ni Celine sa bahay nila Lorraine. Sinigurado kong magiging ligtas ang mga mortal na iyon pati na sina Lorraine at ang kanyang anak. Nakamasid lang ako sa paligid habang binabantayan ang mga sasakyang ginamit nila upang sunduin ang babae. Madalas kong nakikita sa tinatawag nilang TV ang ganitong eksena na tila nagsusundo o naghahatid ng isang makapangyarihang tao ang mga tauhan at nagdala ng napakaraming sasakyan na tila nagpaparada sa kalsada habang bumibiyahe. Nang matagumpay nilang naisakay si Lorraine sa loob ng sasakyan ay nagbantay lang ako mula sa malayo habang pabalik na ang mga tauhan sa mansyon nina Celine at Curt. Lumalalim na ang gabi. Maya-maya ay biglang umihip nang malakas ang hangin. Doon ako biglang napatigil.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD