Celine's POV "A-anong sabi mo?" nauutal na tanong ko. Hindi ko mapaniwalaan ang sinabi ni Curt. Siya? Hindi ordinaryong tao? Napahugot ng malalim na hininga si Curt at tinitigan ako nang mabuti. "Totoo na nakipag-deal ako kay Bakunawa. No'ng una, hindi ko alam na may kakayahan pala ako, hanggang sa nagpakita ulit sa akin si Bulan..." Iwinagayway niya ang kanyang kamay sa harapan ko at nagsimulang may alaala na biglang sumulpot sa isipan ko... Nakita ko si Curt sa harap ng dagat. Naaalala ko ang lugar. Sa MOA 'yun kung saan nilagay namin ang couple locks namin. Nakatingin lang siya sa kandado na inilagay namin doon nang biglang may magsalita sa likuran niya. "Matagal na talaga akong nagdududa sa'yo. Ngayong nandito ka, sigurado akong tama ang hinala ko..." sabi ng tinig na mula sa likur

