Celine's POV "Feeling ko lumakas ang katawan ko nang marinig ko ang boses mo. Nakakarinig na naman ako ng sermon galing sa'yo. Napakasaya ko..." mahinang sambit sa akin ni Josh. Bahagya ko siyang pinalo sa may braso niya. Bahagyang napahiwalay ako sa kanya at tiningnan siya nang masama. "Siraulo ka! Akala mo biro 'yung cancer, ha? Hindi biro ang sakit mo." "Kumusta ka, Celine?" pag-iiba ni Josh ng tanong. Bahagya siyang nakangiti sa akin. "Nakaka-miss din pala ang ganito, ano? Nami-miss ko na 'yung nag-uusap tayo nang ganito..." Padabog akong nagpapadyak. "Nakakainis ka, men! Halos mamatay-matay na ako sa sobrang--" Hindi ko na natuloy ang iba pang sasabihin ko nang bigla akong kabigin ni Josh sa aking ulo at hinalikan. Ilang sandali akong napatulala dahil sa ginawa niya at kalauna'y

