Bulan's POV Nakaabang na ang kamay ko habang hinihintay ang pagragasa ng kapangyarihan ko papunta kay Josh. Nilakasan ko pa ito hanggang sa masiguro ko na ang kahilingan niya ang dapat na mangyari. Dinig na dinig ko ang sigaw ni Celine pero hindi ko iyin pinansin. Ginagawa ko ito para sa kanya. Tama si Josh sa kanyang desisyon. Kailangan na siya ang gumawa ng paraan para makawala si Celine mula sa parusa na ipinataw sa akin ni Bathala. Lalo ko pang nilakasan ang kapangyarihan ko. Kumalat ang liwanag sa buong paligid saka unti-unting nanunumbalik ang lahat. Nang mawala ang liwanag ay doon ako nagulantang. Maging si Celine ay napatigil sa pag-iyak nang makita ang hindi inaasahang pangyayari. "B-Bakunawa?" sambit niya. Napakunot ang noo ko hanggang sa sinamaan ko ng tingin ang bagong da

