Celine's POV Maraming tao ang nagkakagulo. Mataas ang sikat ng araw. Ibig sabihin, malapit nang sumapit ang tanghali. Nakaramdam ang mga tao sa paligid ng kakaibang init. Ang ilan sa kanila ay inatake sa daan na halos malapnos na ang kanilang balat na hindi maintindihan. Napansin na ng mga eksperto ang hindi maipaliwanag na pangyayari. Sinusubukan nilang i-check ang temperature sa buong bansa pero laking gulat nila nang mapansing normal lang ito. Wala ring volcanic activities ang namataan. Walang sign ng poisonous gas sa paligid ng bundok at bulkan. Sa isang iglap, napuno ang limang ospital sa Kamaynilaan. Ilan sa kanila ay binawian na ng buhay. Nagkalat ang mga patay na katawan sa daan. Ang ilan sa mga tao ay inakalang nakahahawa ang sakit ngunit hindi. Tinatamaan nito ang sinumang g

