Celine's POV Nasa harapan ako ngayon ng altar sa loob ng chapel sa loob ng ospital. Matapos ng pag-uusap namin ni Josh ay hinayaan ko na muna siyang makatulog. Hindi ako nagsalita ng kung ano sa kanya. Nanatili lang akong tahimik hanggang sa makatulog siya. Matapos niyon ay lumabas ako para sana magpahangin pero dinala ako ng mga paa ko rito sa loob ng chapel. Napaluhod ako at nag-sign of the cross. "Totoo ba talaga na binibigyan mo 'ko ng ganito kabigat na problema? Seryoso ka ba talaga na pahirapan ako? At saka, bakit si Josh pa? Bakit siya ang napili mong magdusa? Kung siya ba ang pinili ko, hindi mo na ba siya kukunin?" mahinang tanong ko sa harap ng krus kung saan nakapako ang imahen ni Hesus. Napaluha ako at humikbi nang tahimik. "Kung siya ba ang pipiliin ko, babawiin mo na ba an

