Chapter 2

1950 Words
Pagdating ni Rafael at Arnold sa hotel ay marami narin ang nagdatingan na mga bisita. Madaling nahanap nila ang kanilang mesa, at dahil si Arnold ang magkakasal sa mga ito kaya nasa unahan at mas malapit ang kanilang area. Nandoon narin sina Joshua at Caithleen, kasama ang kani-kanilang pamilya na binabati ang mga dumadating. Parang pinag-isa ang engagement at kasal sa style ng program nila. Nagsimula ng magsalita ang pamilya ni Joshua at sumunod naman ang pamilya ni Caithleen. Mga pasasalamat sa dumalong pamilya, kaibigan at mga kakilala nila. Personal ring nagpapasalamat sina Joshua at Caithleen bago muling naupo sa harapan ng stage upang panuurin ang mga pictures nila noong bata pa silang dalawa. Lahat ng picture nila noong maliit palang ay magkahiwalay pero nong mukhang nasa high school na sila ay doon nagsimula ang mga kuha nilang magkasama. Ang ganda nilang tingnang dalawa, hanggang sa collage year nila ay mas lalong maganda ang mga kuha. Pero biglang umitim ang screen at pinalitan ito ng ibang character. Hindi na ito pictures kung hindi isa itong video, sa simula malabo ang kuha nito pero ang audio ay malinaw. Kahit sino ang makakarinig no´n ay alam kung anong laman ng video. Ang lahat ng tao sa loob ay nakatuon sa dalawang couple na nasa harap. Dahil hindi naman malinaw ang kuha sa video, buong akala ng mga taong nandoon ay sina Joshua at Caithleen yun. Pero hindi nagtagal ay naging malinaw rin ang kuha. Makikita roon ang isang babae na nakaibabaw sa isang lalaki na kapwa hubo´t- hubad. Kahit ang likuran lang ng babae ang nakikita ay halata ang magandang hubog ng katawan nito. Hanggang sa nag-iba ang posisyun ng dalawa, ang lalaki na ngayun ang nasa ibabaw at doon lumutang ang malinaw na kuha sa kanilang mukha. Walang iba kundi ang groom nasi Joshua Valdez ang lalaki at ang babae ay ang personal assistant ni Caithleen na si Carol Morado. Nakakabingi ang mga palitan nila ng ungol sa screen, ang iba ay hindi agad naka bawi sa gulat ng kanilang nakita. Paano nangyari na ang dalawa ang nagsasama?, biglang tumakbo sa harap ang ama ni Joshua upang ipahinto ang naturang video. Saka palang nakabawi ang mga tao ng lumutang ang malakas na sigaw ni Mr. Ferdinand Valdez at sumunod rin ang boses sa asawa nito na ipahinto ang video. Nang tuluyan ng napatay ang screen ay puro bulungan ang maririnig sa loob ng biglang lumutang ang hikbi ng isang babae. Walang iba kundi si Carol, ang babaing kasama ni Joshua Valdez at ang tinuring ng kapatid ni Caithleen. ¨Caith, I´m sorry...diba sinabi ko sayu na lalayu ako pagkatapos ng kasal nyu? diba sabi ko sayu na gusto lang kita makitang makasal kayu at aalis ako agad. Paano mo nagawa ito? nagmakaawa ako sayu na ilang beses, willing akong magparaya dahil alam kong wala akong yaman na itatapat sayu.¨ Gulat na gulat si Caithleen sa bilis ng pangyayari at ano itong pinagsasabi ngayun ni Carol?. Wala siyang alam tungkol sa dalawa, paano nasabi ni Carol na nag-usap na sila?. Ang mga tingin ng mga tao sa paligid ay naka tuon sa kanya, parang sinasabi nitong siya ang dahilan kaya nagparaya ang kanyang personal assistant, dahil mapera siya. Parang siya pa ang lumabas na nanira at hadlang sa kanilang relasyun. Matiim din ang tingin ni Joshua ngayun sa kanya pati ang mga taong nasa paligid. Pero muling nagsalita ang ina ni Joshua. ¨Anong pinagsasabi mo babae ka?! alam nating lahat na matagal ng magkasama ang aking anak at si Caithleen. Parang pinapalabas mong si Caithleen ang nanira sa inyu!.¨ ¨Ma´am sorry po... pero totoo pong nagmamahalan kami ng anak nyu. Matagal napo kaming may relasyun. Hindi lang namin masabi sa inyu dahil alam kung wala akong yaman na ipagmamalaki katulad ni Caith!¨ ¨Buti alam mo, dahil wala akong ibang kilalanin na daughter-in-law maliban kay Caith!¨ Kahit paano ay lumuwag ang damdamin ni Caith sa sinabi ng ina ni Joshua. Pero hindi lang niya inaasahan ang kasunod nitong sinabi. ¨Umalis kana dito dahil ang katulad lang sa estado ni Caith ang tatanggapin ko!, hindi mabubuhay ng pagmamahal ang pamilya namin!. Wala kang binatbat! ambisyusa! ham**as lu*a!¨ Naging malinaw na ngayun kay Caith ang totoong ugali ng ina ni Joshua. Parang pinalabas nito na siya ang dapat dahil may pera siya at hindi dahil mahal niya ang anak nito. Kasunod na ginawa sa ina ni Joshua ang tumakbo sa kanya. ¨Caith.., ija... pagpasensyahan muna ang nangyari, paalisin kuna agad ang babae na yan!. ¨Caithleen, sanay wag mong pansinin ang nangyari dahil hindi pa naman kayu kasal ng anak ko ng nangyari ang lahat ng ito.¨ dagdag sa ama ni Joshua. ¨Bumalik kana Caith doon sa loob upang magpalit na ng damit, itutuloy natin ang inyung kasal. Wag kanang magdrama, lalaki lang din si Johua.¨ saad ng kanyang sariling ama na parang walang nangyayari sa sariling anak. ¨Mag-iinarte kapa? pera lang naman ang meron ka!, kung hindi dahil dyan hindi ka bibigyan ng halaga.¨ Gakit na saaad ni Julia Valdez at bestfriend ito ni Jessica. ¨Akala mo naman kung sinong mahalaga, kung hindi lang dahil sa iniwan sayu, hindi kana dapat pagbigyan ng halaga ni Daddy!¨ ani ni Jessica. Naging malinaw ang lahat ngayun kay Caithleen ng dahil sa naiwang mana ng kanyang ina at lolo kaya siya pinapahalagahan ng mga ito. Napatawa nalang siya sa lahat na narinig at alam na niya ang kanyang halaga. Kaya mas lalong napalakas ang kanyang tawa dahil ang tanga niya at naniwala sa lahat ng taong naka paligid sa kanya. Lalong-lalo na kay Joshua na minahal niya ito ng totoo.Tumingin siya sa gawi ng kanyang fiance at sa babaing tinuring niyang kapatid. Paano nangyaring wala siyang napansin sa dalawa. Napansin din niya na panay hawak ni Carol sa kanyang tiyan, don´t tell me buntis pa ito?. ¨Carol, hindi ko inaasahan na magagawa mo ito sa akin. Binigay ko sayu kung anong meron ako!, di ko alam pati pala ang lalaking mahal ko ay gusto mo rin!.¨ Muli naman itong umiyak sa harap niya, ¨Caith, wala akong planong sirain ang araw mo.., lalayu kami ng anak ko para sa ikatatahimik mo.¨ Bumalik ang bulungan sa paligid, pagkatapos sa sinabi ni Carol. ¨So sasabihin mo ngayun na buntis ka at si Joshua ang ama? ganon ba?.¨ ¨Wag mo akong pilitin Caith, parang awa mo na, lalayu na kami ng anak ko....hindi kami makikihati sayu, diba sinabi ko na yun sayu?¨ Hindi maintindihan ni Caithleen ang gustong iparating ni Carol. Paano nito nagawa ang lahat? Parang pinapalabas nitong alam niya ang nagaganap ngayun. Kung hindi niya nakita at narinig ito ng personal ay ituturing niya itong isang masamang panaginip. Napailing nalang si Caithleen sa lahat, halo-halo ang mga opinion ng mga taong nasa paligid. Naluluha narin siya dahil sa sakit na nadama, hindi lang dahil sa natuklasan ang ginagawa ng taong pinaka malapit sa kanya. Pati narin ang mga taong nasa kanyang tabi na buong akala niya ay totoo. Hindi pa siya nakabawi ng hilain siya ng kanyang sariling ama at inabot ito sa katabing asawa at anak. ¨Dalhin niyu sa loob upang magbihis na, lahat nang tao ay maypagkakamali, at isa pa hindi siya nagtaksil sayu dahil hindi pa kayu kasal!. Tungkol naman kay Carol ay pag-uusapan nalang namin kung ano ang gagawin sa kanya pagkatapos niyang manganak. Total lumaki naman siya sa iyung tabi ano naman kung ang anak niya ang ipapalit, parang magkapatid na kayu kaya poyde mong ituring na anak ang bata. Hindi rin naman yan iba kay Joshua dahil anak naman niya ang bata.!¨ Pumiglas si Caith at hindi maka paniwala sa kanyang narinig, ¨naririnig nyu ba ang iyung sarili?¨ Dumiritso si Caith sa taong may hawak ng microphone. ¨Magandang gabi sa inyung lahat! sa iba ay maganda ang gabing ito pero hindi yun sa akin, kung sino man ang nagpalabas sa video ay nagpapasalamat ako sayu. Kung hindi ko yun nakita ay wala akong kaalam-alam sa nangyayari, hindi ko hinahangad na maniwala kayu sa akin. Since sinabi naman nila na sila ang totoong nagmamahalan ay taus pusong ibibigay ko ang kalayaan nila lalo na at paparating ang kanilang bunga ng pagmamahalan. Sa lahat ng dumalo ngayung gabi ay nagpapasalamat ako sa inyung lahat, ngayun ay official na ang pagtatapos namin ni Mr. Joshua Valdez!¨ Dahan-dahang lumakad palayu si Caith upang makaalis na sa lugar na yun, pero nakailang hakbang palang siya ng sumigaw ang kanyang ama. ¨Stop right there! at saan sa tingin mo ikaw ay pupunta? sa ayaw man o sa gusto mo ay matutuloy ang inyung kasal!¨ Tinawag pa nito ang ibang tauhan upang mapigilan kung ano man ang binabalak ni Caith, bago paman makarating ang mga iyun ay nagawa pang tumalon ni Caith, at dahil sa taas ng kanyang suot sa sapatos ay napasama pa ang kanyang pagbagsak. Nahirapan siyang tumayu ng may biglang umakay sa kanya, ¨salamat¨ yun lang ang tanging nasabi niya at nakayuko parin at nasa kanyang paa ang kanyang paningin. ¨Are you ok? kailangan mo ba ng tulong?¨ napahinto si Caith sa kanyang narinig, ang ganda ng boses at parang maskulado ang dating. Hindi man lang niya nagawang sumagot dahil nasa paligid na nila ang tauhan ng kanyang ama. ¨Sabihin mo lang Miss at tutulungan kita agad.¨ at dahil sa taglay na aura ni Rafael kaya hindi rin sumugod ang mga tauhan ng kanyang ama, marahil ang nasa isip nito ay hindi ordinaryung tao ang nasa harapan. ¨Are you single?¨ sa lahat ng poyding sabihin ay yun pa talaga ang lumabas sa kanyang bibig. Hindi naman ito sinagot ni Rafael at mataman lang siyang tinitigan nito. ¨B*tch! pagkatapos makipaghiwalay kay kuya ay ang lakas ng loob mong lumandi sa harap ng maraming tao, hindi ako nagtataka kung bakit yun nagawa ni kuya sayu.¨ saad ni Julia ang kapatid ni Joshua. Sumunod naman na nagsalita si Mr. Marvin Morente ang ama ni Caith. ¨Sir, ako na ang hihingi sayu ng paumanhin sa mga sinabi ng aking anak, may mga bagay lang na kailangan nilang pag-uusapan sa taong kanyang mapapangasawa.¨ ¨is it? bakit parang iba ang naririnig ko? diba malinaw naman ang sinabi ng inyung anak na hiwalay na sila at pinaabot pa niya ang kanyang blessing sa kanyang ex-fiance at sa taong tinuring niyang kapatid.¨ Pagkatapos niyang sabihin yun ay saka lang niya nilingon muli si Caith. ¨YES I´M SINGLE!¨ Napangiti si Caith sa sinabi nito sa kanyang ama, buti pa ang ibang tao ay naintindihan ang kanyang sinasabi. ¨My name is Caithleen Faith Hernandez, 22 years old at isa sa nagmamay-ari ng pinaka malaking share sa CF Hernandez International. Sa narinig mo ay yun ang kanilang habol sa akin, kaso hindi yun makukuha hanggat hindi ako nakasal. Poydi kung kunin yun at the age of 23, pero kung hindi pa ako nag-asawa hanggang 25 at ididiritso yun sa mga charity.¨ ¨Hmmm... I´m single 24 years old at may-ari ng RL Corp., nais mobang sabihin sa akin na inanaalok mo ako ngayun ng kasal?¨ ¨yes!¨ ¨diba dapat ako ang gagawa?¨ nagtawanan ang mga taong nakakarinig sa kanila. Namumula naman ang pisngi ni Caith sa sinabi nito at ang kutsya sa mga taong nagbulong-bulungan. Masasama ang mga naririnig niya dahil sa kanyang ginawa, parang isang taong kalye ang inasal niya ngayun at hindi gawain sa isang promeninting pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD