¨Kahit sino sa atin ang magtatanong kung isa lang ang kalalabasan ay wala akong pakialam.¨
¨Sure enough Ms. Hernandes!¨
¨So?, wala akong oras para hintayin ang iyung kasagutan, is it a yes or no?¨
Parang nakakabingi ang mga naririnig niyang komentu sa mga taong naka paligid sa kanila ngayun, kahit siya sa sarili ay hindi rin ito inaasahan. Matagal na panahon niyang tiniis ang uri ng buhay na meron siya kasama ang kanyang ama at ang sariling pamilya nito, ang dahilan niya noon ay kakapit lang siya dahil nasa tabi niya si Joshua at sa oras na makasal sila at makuha ang kanyang mana ay magiging maayus din ang lahat. Pero hindi naman naging ganon ang lahat, at hindi rin niya alam kung sino pa ang totoo sa kanya, adding one more makes no difference.
Seryuso lang ang mukha ni Rafael habang nakatuon ang kanyang paningin kay Faith, ito na ang kanyang tawag sa babae noong mga bata pa sila, pero hindi ba talaga siya nito naalala? hindi naman sila subrang liit noon para makalimutan nito ang nangyari. Nasasaktan siya ngayun dahil sa mababakas ang lungkot sa mata nito. Umatras ang isa niyang paa sabay angat ng dalawang kamay upang tanggalin ang kanyang suot na kwentas.
¨Ms. Caithleen Faith Hernandez, wala akong ibang dala ngayun na poyde kung ibigay sayu, ito ay bigay sa akin na isang importanting tao sa buhay ko.¨ Pinakita niya dito ang hawak na kwentas, ¨will you marry me?... be my wife!¨
Parang isang palabas sa pelikula ang lahat ng nangyayari, ang pagtataksil ng groom to be sa sariling bestfriend at ang pagdating sa isang tao na marami ang nagtataka sa totoo nitong pagkatao. Gayun paman ay walang alin langan na sinagut ni Caith ang kaharap.
¨Alright then, lets get marry soon and be my husband!¨
¨Faith...¨ Tanging nasabi nalang ni Rafael habang kinabit niya sa leeg nito ang kwentas galing sa sariling namayapang ina ng dalaga. Pagkatapos ay kumapit si Caith sa braso nito at hinarap ang kanilang mga bisita, balak niyang ipaalam na ito na ang taong magiging asawa niya. Pero nilipat ni Rafael ang kamay nito sa sariling palad, napaanagt lang ang kanyang paninginsa gwapo nitong mukha. Bago paman siya makapagsalita ay nagreact ang mga magulang ni Joshua.
¨Caith, that´s enough, alam namin na masama ang iyung kaluuban pero hindi solusyun ang ginawa mo ngayun. Bigyan mo kami ng panahon para ayusin ang lahat ng ito at wag kang magpaniwala sa taong ngayun mo lang din nakilala.¨
¨Caith, umuwi na tayu at pag-uusapan natin ito ng maayus, sa tingin mo ba totoo ang taong nasa harapan mo ngayun? nais lang niya ang iyung yaman at sinong matinong tao ang papayag agad sa iyung gusto kung hindi dahil sa pera.! Kahit ano paman ay dapat si Joshua lang ang iyung pakakasalan at wag kana mag inarte!.¨ Mahabang pahayag ng kanyang ama, dahil nasa isip nito na hindi poyding mapunta sa iba ang yaman ni Caith dahil kailangan nila ngayun ang pera nito sa papalubog na kumpanya. Ganon rin naman sa side sa mga magulang ni Joshua, kailangnilang makuha ang napagkasunduan na share para sa kanilang expansion.
Namumuhay si Caith ng hindi ayun sa kanyang kagustuhan, ang ninanais lang niya noon ay ang matanggap at maituring na isa sa pamilya. Nag-iba ang pakikitungo ng kanyang ama mula ng nawala ang sariling ina, iniisip niya noon kung bakit naging ganon ito?. Baka naalala lang nito sa kanya ang sariling ina, sinubukan niyang intindihin ang mga iyun sa loob ng maraming taon. Pero ngayun ay namulat na siya na hindi na maibabalik ang dati kahit anong gawin niyang pagsunod at pagsisilbi sa iba nitong pamilya. Siguro ay hindi naman siya masisi ng kanyang sariling ina at lolo sa kabilang buhay ng mga ito.
Taas noo na hinarap ni Caith ang lahat ng tao. ¨ngayung araw na ito nais kung malaman ng lahat na wala ng kami ni Mr. Joshua Valdez at binibigay kuna ang kalayaan sa kanila ng taong tinuring kung kapatid at sa kanilang magiging anak. Ganon paman ay pinuputol kuna ang ano mang ugnayan meron tayung tatlo. Ang taong nasi tabi ko ngayun ang taong pakakasalan ko pagdating ng araw!, maraming salamat sa inyung lahat!. Enjoy the food and have a good day everyone!¨
Kahit ano paman ang kanyang sinabi sa harapan ng maraming tao ay hindi parin umaalis ang mga tao ng kanyang ama na naka palibot sa kanilang dalawa, kahit ang sariling ina ni Joshua ay hinila palabas si Carol na panay naman ang kapit sa braso ni Joshua. ¨B**ch!!! umalis kana dito at bitawan mo ang aking anak! isa kang hampas lupa!¨ ang galit ni Mrs. Valdez ay hindi na maikuble dahil malaki ang mawawala sa kanila dahil sa babaeng ito. Pati ang ama ni Joshua ay nagpipigil lang din dahil sa rami ng mga kakilala sa paligid. Naging magulo ang bawat side ng pamilyang ikakasal, ng biglang bumaksak si Carol at dinugo ito, dahil sa eksinang iyun ay nagpasya ang kanilang mga bisita na lisanin ang lugar. Ayaw din naman nilang masangkot sa ganitong kaguluhan.
Madaling sinugod sa hospital si Carol kasama ang buong pamilya ni Joshua, tanging naiwan doon ang pamilya ni Caith at si Rafael, alam ni Caith na wala siyang kawala sa dami ng mga tauhan ng sariling ama at madadamay pa ang taong tumulong sa kanya ngayung gabi. Hindi iya kakalimutan ang taong ito at pinapangakong babawi balang araw.
¨Caith, tigilan muna ito at uuwi tayu ng maayus at palalabasin ko ang taong iyan na ligtas.¨
Nilingon ni Caith si Rafael na nangungusap ang mga mata nito, ¨I´m sorry at nadamay ka, darating ang araw na babawi ako sa kabutihang ginawa mo ngayun at hindi ko ito makakalimutan.¨ Puno ng sinseridad na saad ni Caith sa kaharap.
¨Kung sigurado ka sa desisyun mo tungkol sa akin ay kaya kitang ilabas dito ng ligtas.¨
¨Wag mong ilagay ang sarili mong kaligtasan dahil sa akin, hindi mo ako kilala¨
Samantala ay hinawakan lang ni Rafael ang kamay ni Caith. ¨Mr. Morente, nagpasalamat ako sa mga taon na kasama nyu at pinalaki ang iyung anak, pero ngayun ay nandito na muli ako ay ako na ang bahala sa kanya. In 3days ay sasamahan ko si Faith na dalawin kayu.¨
Bago paman makapagsalita si Marvin Morente ay may mga kalalakihan ang sunod-sunod na pumasak. Mas marami ang bilang ng mga ito kumpara sa mga lalaking naka palibot kina Caith. ¨Boss..¨ sabay na bati ng mga ito kay Rafael at tinanguan lng din ng huli ang mga ito.
¨Mr. Morente, siguro malinaw sa inyu ang lahat, hindi na kami magtatagal at mauna na kami sa inyu,¨ hinila ni Rafael si Caith palabas sa venue. Hindi na rin kumuntra si Marvin dahil alam niyang hindi ordinaryung tayu ang kaharap, base sa kanyang karanasan ang mga tauhan nito ay hindi mga pipitsyugin.
¨Dad.. bakit mo sila hinahayaang umalis?¨ naka ngusong tanong ni Jessica sa ama.
¨Sa bahay nalang natin pag-uusapan ang bagay na ito.¨
Pagdating nila ay agad na pumanhik ang buong pamilya sa study room ng bahay, kahit ang kanilang mga kasama sa bahay ay nagtataka kung bakit nandito ang mga ito. ¨Marvin anong gagawin natin ngayun? kailangan ng kumpanya ang mana ni Caith!¨ Diretsong tanong agad ni Anabelle, ang ina ni Jessica.
¨Kung totoo na ang taong iyun ang may-ari ng RL Corporation ay malaki ang maitulong nito sa kumpanya, kailangan lang natin kausapin si Caith tungkol dito. Marahil gawin natin kondisyun ang kanyang kalayaan sa bagay na ito.¨
¨Dad...what if ako nalang ang magpakasal sa taong iyun ay itutuloy ang kasal ni Caith at kuya Joshua. Sa ganon ay hindi tayu mahihirapan kunin ang kanyang mana at malaking tulong naman sa kumpanya kung si Mr. RL Corporation ang mapapangasawa ko. ¨
¨hmmm.... maganda nga yang naisip mo anak, aalamin ko ang totoong pagkatao niya at gagawin natin ang gusto mo. Pero paano ka makakalapit sa taong yun?¨
¨Dad, sa lunes ay pupuntahan natin yun sa kanyang kumpanya.. Siguro naman ay madaling mapapayag ang taong yun kung kakausapin mo lang. Napapayag nga siya ni Caith dahil sa mana, samantalang ako ay anak niyu at nasa likod ko ang kumpanya.¨
¨Pero magkakilala ba silang dalawa ni Caith?¨ tanong ng kanyang ina na si Anabelle.
¨I don´t think so, bakit mo naman yan natanong. Mas mabuti pang magpahinga kayu ng maaga dahil bukas na bukas ay magpapaayus kayu para sa pagpunta natin sa lunes.¨
¨Ba´t niya sinabi sayu kanina na nandito na siya muli?"
¨Mom... natural lang ganon ang kanyang sasabihin dahil galing siya ng ibang bansa.¨ Hindi nalang din binigyan ng ibang kahulugan ni Anabelle ang kanyang narinig kanina, baka tama rin naman ang sinasabi ng kanyang anak.
Samantalang tahimik lang si Caith na nakasakay sa sasakyan ni Rafael, hindi niya alam kung paano magsisimula at parang ngayun lang din pumasok sa kanyang isipan ang nagawang desisyun kanina. Paano kung masamang tao pala itong kasama niya ngayun, wala siyang alam tungkol dito at hindi niya maintindihan ang nangyayari ngayun sa sarili. Baka sa ginawang ito ang magpapahamak sa kanya.
¨Hmmm...¨ panimula ni Rafael, dahil pakiramdam njya ay naguguluhan si Faith. ¨Alam kung naging madali sayu ang naging pangyayri ngayun, tutuloy muna tayu sa condo ko. Wag kang mag-alala ibibibgay ko sayu ang lahat ng tungkol sa akin pagdating natin doon. May bakante naman akong room na hindi ginagamat, pansamantala ay doon ka muna. Hindi naman ako namamalage doon dahil kababalik kolang sa bansa at marami akong dapat gawin. About naman sa kasal ay seryuso ako, pero hindi kita minamadali, ibibigay ko sayu ang panahon na magdesisyun. Pagdating ng panahon na buo na ang iyung pasya ay rerespituhin ko iyun.¨
¨Paano ka napunta sa kasal ko?¨
¨Kaibigan ko ang taong dapat sana ay magkakasal sayu. May ipapakita ako sayu pagdating natin sa condo para maniwala ka na wala akong masamang hangarin sayu.¨
Sa loob lang ng ilang minuto ay tuluyan na silang nakapasok sa isang sikat, kilala at bagong condo unit sa area na ito. Ang pagkakaalam niya ay hindi madaling makakuha ng unit dito, minsan narin niyang narinig na nais ni Jessica magkaroon ng unit dito pero bigo ang kanyang ama na makakuha.
¨Anong gusto mong mainum? nagugutom kana? pasensya kana wala akong stock dito. Di bali bukas na bukas ay maggrocery ako. Sa ngayun magpa deliver lang muna tayu. Sa right side pala ang room ko, at katapat na room ang magiging silid mo, lalabas ako mamaya pagkatapos nating kumain upang mamili ng iyung mga kailangan.¨
¨Śandali lang... wag mo sanang masamain pero nais kong maka siguro, nakita mo naman kanina ang nangyari sa akin at hindi mo maialis sa akin kung paano magtiwala lalo na sayu.¨ Kahit nahihiya ay nagawa niyang ilabas ang saloobin.
Ngumiti lang si Rafael sa kanyang narinig, pumunta muna siya sa kanyang silid upang kunin ang isang bagay na sa ngayun ay hanggang doon lang muna ang kaya niyang ibahagi kay Faith. Ayaw niya itong biglain, saka nalang niya sasabihin dito ang lahat kung aayun sa kanila ang pagkakataon at alam niya isang araw ay mangyayari din yun.
Inabot niya kay Caith ang isang maliit na brown envelope, hindi rin naman nag-alilangan si Caith at binuksan ang laman doon.
Napakunot ang kanyang noo at nagulat sa laman na nandoon, hindi niya alam kung paano may ganon. Wala siyang maalala sa bagay na iyun pero hindi lingid sa kaalaman niya ang ibig sabihin. Inagat niya ang kanyang paningin sa lalaking naka tayu sa kanyang harapan ang puno ng katanungan ang kangyang mga mata. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula dahil sa matinding pagtataka, anong ibig sabihin ng lalaking ito sa mga bagay na pinapakita sa kanya. Anong nangyayari at bakit may ganito siya, sino siya at ano ang parti niya sa kanyang buhay. Ito ba ang dahilan kung bakit ito tumayu sa kanya?.Ang daming namumuung tanong sa kanyang isipan at alam niyang naguguluhan siya ngayun.