chapter 04

2209 Words
¨Alam kong maraming katanungan ang nabubuo sa isipan mo ngayun, ang nais ko lang malaman mo na wala akong masamang hangarin sayu. Kilala kita noon paman at gayun rin ang iyung ina, base sa nakikita mo ngayun ay hindi lang simple ang mga iyan. Pero ang ipinagtaka ko ay kung bakit hindi mo ako kilala, o hindi nga ba?¨. Nakatingin na ngayun si Rafael kay Faith dahil nais niyang malaman ang bahaging ito. Sinapo ni Caith ang mukha sa sariling mga palad, sa totoo ay naguguluhan na siya, kung totoo lang lahat ng ito bakit wala siyang maalala. Hindi lang naman ang lalaki ang di niya maalala kung di ang buong childhood niya, siguro ay may kinalaman ang lahat ng kanyang panaginip sa kanyang nakaraan. ¨Faith... may nangyari ba sayu sa mga taon na lumipas?, hindi kita dinalaw mula ng huli tayung magkita. Nais kung tapusin lahat ang mga bagay at sinunud ang kagustuhan ng iyung ina. Pero ang tagpong ito ay sa totoo lang hindi ko inaasahan, nagulat ako ng sa araw ng aking pagbabalik ay ikakasal kana. Pinakiusapan ko ang aking kaibigan dahil nais kong makita ng personal, ano ba ang naging buhay mo?¨ ¨Hindi ko alam..., wala akong alam sa mga nagyayari... naguguluhan ako..¨ ¨ok relax., sa tingin ko ay dapat nating alamin ang naging buhay mo mula ng nawala si Tita Desiree. Ang kwentas na suot mo ngayun, may napansin kaba?.¨ Napaangat ng tingin si Caith kay Rafael at dahan- dahang hinawakan ang kwentas na bigay nito kanina bago umiling. Dahil doon ay napa buntong hininga nalang si Rafael. ¨Ang iyung ina ang nagmamay-ari niyan, ang bilin niya sa akin ay iabot ko sayu sa araw na muli tayung magtagpo. Kabilin-bilinan niya sa akin noon na wag kong aalisin yan sa aking tabi hanggat hindi ko naibalik sayu. At ganon rin ang bilin niya sa akin na wag mong alisin yan sa tabi mo at balang araw malalaman mo rin ang kanyang tinutukoy.¨ Napaluha nalang si Caith dahil nakita niya ang isa sa larawan ng kanyang ina na nakasabit ang kwentas na yun, at ngayun ay nasa kanya na. Dati ay hindi naman niya iyun binigyan ng pansin, ngayun ay may ibang dahilan na siya para pagkatiwalaan ang taong pinag-iwan nito ng kanyang ina. Marahil alam na ng kanyang ina ang posibling mangyayari sa kanya sa oras na mawala ito. ¨Sabihin mo sa akin kung may ibang bilin paba sayu ang mommy ko. Marahil ay may ibang dahilan ka kung bakit mo ginawa ang lahat ng ito at sinunud ang kanyang gusto.¨ ¨Sa ngayun yan lang muna ang ibabahagi ko sayu, tama marami nga ang kanyang binilin sa akin pero hindi pa dapat sabihin sayu lahat ngayun. Ang importante ay makalaya ka sa mga taong iba ang hangarin sayu. Aalamin ko ang nangyari sayu noon kung bakit wala kang maalala. Siguro kung maalala mo ang lahat ay hindi ko na kailangan sabihin pa sayu ang iba.¨ ¨Alright.... salamat at dumating ka, sana ay hindi ako nakakaabala sayu. Nais kung simulan sa hospsital kung saan nagsisimula ang aking buhay.¨ ¨hospital?¨ ¨hmmm... may aksidente noon ng nasa middle school pa ako, at yun lang ang unang maalala ko ngayun sa aking buhay.¨ ¨okey¨ tanging sabi ni Rafael sabay abot ng isang black card. ¨Ano to?....I mean alam ko to pero bakit mo binigay to sa akin?¨ ¨Wala yang limit, kailangan mo yan sa iyung paghahanap ng sagot sa lahat ng tanong mo. Bukas may dalawa akong taong sasama at proprotekta sayu, sila na ang bahala at maging driver mo. Tawagan mo ako kung ano ang maging resulta, sa ngayun ay hindi muna kita masasamahan dahil may mga gagawin pa ako, pero anytime at matatawagan mo ako.¨ ¨Sa tingin ko ay hindi ko na kailangan ang mga sinasabi mo, alam ko naman kung saan yun at kaya ko naman ang aking sarili.¨ Tinulak ni Caith pabalik kay Rafael ang card na binigay nito kanina. Kumunot lang ang kanyang noo bago napangiti, ¨bakit sa tingin mo may pera kapa? pinaclose na ng yung ama ang iyung card at alam ko rin na hindi kalakihan ang laman non. Kahit sa tingin ay hindi mo ginawa sa card, malalaman mo kung dapat mo bang tanggapin.¨ Napababa ang tingin ni Caith sa card at hinila ito pabalik sa kanya, may puting naka dikit sa likuran nito at may sulat. ¨DESIREE HERNANDEZ¨ ¨CAITHLEEN FAITH HERNANDEZ¨ ¨Anong ibig nitong sabihin?¨ ¨Gaya ng nakikita mo, kung nagdududa ka ay poyde mo puntahan o tawagan ang bangko. But I think wala kang makukuha sa tawag, kaya puntahan mo nalang yan bukas at sila na ang magpapaliwanag sayu.¨ Hindi nalang umimik si Caith, hinahayaan nalang niya mas mainam na ito dahil hinahayaan siyang matuklasan ang sagot sa sariling tanong. Pakiramdam niya ay si Rafael nalang ang pagkakatiwalan niya sa ngayun, dahil kilala niya ang sariling ina base sa kanyang pakiramdam. At posibling totoo ang sinasabi ni Rafael sa kanya base narin sa pinakita nito, pagbibigyan niya ang sariling magtiwala ulit. Tatanggapin nalang niya lahat ng klasing tulong na ibibgay nito sa kanya, sapagkat wala naman siyang ibang matatakbuhan sa ngayun. Mabuti narin at sinasabi nito na bibigyan siya ng panahon upang pag-isipan muli ang kasal at ang importante ay naka wala na ako mga mapagsamantalang tao. Kagabi bago man siya magpahinga ay inabot ni Rafael ang ilang paper bag sa kanya. Puro gamit niya ang nandoon, at ang sabi nito ay sasamahan siya mamayang gabi upang bumili pa ng ibang kailangan niya at kung ano ang gusto niyang bilhin para sa condo. Sa kanyang paglabas sa sariling silid ay nakita niya ang isang ginang na naglilinis sa sala, sa pagkaalala niya ay wala naman ito kagabi. ¨Good morning Madam! gising na pala kayu, ipaghahain ko muna ang iyung agahan.¨ Tumalikod na ito at dumiretso sa kusina, hindi niya napansin si Rafael doon kaya pinili niyang lapitan ang kaninang kausap. Nais iyang itanong ang huli at gusto rin niyang sabihin dito na siya na ang bahala sa sariling pagkain dahil hindi naman siya sanay na iba ang gagawa non. ¨Ate anong pangalan mo? hindi ata kita napansin kahapon.¨ ¨kanina lang ako dumating dito, pinagbilin ka sa akin ni sir, tawagin mo nalang akong Nanay Sol. Ang pamangkin ko ang nagpapasuk sa akin dito, yung assistant ni sir Rafael.¨ ¨ganon ba... sige iwan mo nalang ako dito at ako na ang bahala sa aking kakainin.¨ ¨sigurado kayu ma´am? nakapagluto na naman ako at ihahain ko nalang sayu.¨ ¨may kanin at ulam ho ba ang iyung hinanda?¨ ¨oo ma´am wala kasi akong alam sa gusto mong kainin¨ ¨itabi mo nalang yang para mamayang tanghalian, o dikay kainin mo nalang, magkakape lang ako sa umaga. Tawagin mo nalang akong Caith at wag na kayung mag-abalang magluto ng pagkain para sa akin. Kay Rafael nalang kung sakaling gusto niya or sasabihan nalang kita kung kailangan ko. Hindi naman sa pinagbabawalan kita pero marunong akong magluto at gusto ko rin yung gawin sana ay wag mong masamain.¨ Hindi rin naman nagtagal ang kanilang pag-uusap dahil nanunuud si Caith sa laban ng volleyball kahapon dahil hindi niya nagawang panuurin yun kagabi dahil sa pagod at nawala rin sa isipan niya. Ugali niyang manuud non habang kumain kahit sa umagi na kape lang ang kanyang kaharap. Gaya ng sabi ni Rafael kagabi ay pumunta siya sa banko upang malaman ang detalye ng card na inabot nito. Totoo ang lahat ng sinabi nito kagabi, paano siya makakagalaw kung wala siyang pera. Napag-alaman narin niya na wala ng silbi ang card na hawak-hawak galing sa sariling ama. Napag-alaman nga niya doon na ang sariling ina ang nag-open ng card na iyun at pangalan nilang dalawa ni Rafael ang naka saad doon na may access. Anong nangyari?, ano ang gusto ni mommy at bakit si Rafael at hindi ang kanyang sariling ama. Alam niyang bata pa si Rafael sa mga panahong iyun pero bakit ang tindi ng tiwalang binigay ng kanyang ina dito. Sino siya sa buhay naming mag-ina?, Siguro sisimulan kong alamin ang aking nakaraan, baka doon ko mahanap ang lahat ng kasagutan. Dahil sa sasakyan at sariling driver na iniwan ni Rafael sa kanya ay naging madali ang kanyang naging lakad. Pinuntahan niya ang dating hospital kung saan siya nagkamalay noon, pero ang pinagtataka lang dahil walang nakitang record niya doon. Hindi rin niya kilala ang naging doctor niya noon, tiningnan rin niya lahat ng mga doctor doon pero wala naman doon ang taong nagsasabing doctor niya dati. ¨ ¨Parang may mali dito, paano naging ganon? hindi naman ako poyding magkamali dahil buwan ang tinagal ko dito, kahit ang nurse na tumitingin sa akin ay wala rin ang mukha niya doon sa mga record ng hospital. Ang tanging alam ko lang noon ang mga paso sa aking balat, sino ang magsasabi sa akin sa buong nangyari?.. Kung uuwi man ako ngayun dahil tanging ang aking pamilya ang nakakaalam sa sinapit ko. Pero hindi ito tulad ng dati, at sigurado akong may tinatago sila sa akin kung bakit hindi nila ito binanggit noon. Sino ba ang nagpapabura sa mga records kung hindi sila, pero ano ang dahilan?. May kinalaman ba sila sa nawawalang alaala ko at ang pagka hospital ko noon?. Kahit hindi kona sila tatanungin sa tingin ko ay alam ko na. Ang dapat ko nalang alamin ay kung ano ang tinatago nila sa akin, nahinto lang ang kanyang pag-iisip ng tumunog ang cellphobe niya sa bag, bagong bigay ito ni Rafael dahil hindi naman niya nadala ang sariling cellphone kagabi. ¨Hello¨ ¨It´s me, kumusta ang naging lakad mo?¨ ¨sa bahay ko nalang sasabihin sayu¨ ¨okey, napatawag lang ako upang ipaalam sayu na kahit gaano pa ka importante ang iyung mga lakad ay maglaan ka ng panahon upang kumain. Kung hindi kapa uuwi ay diyan kana sa labas kumain, kailangan mo ng buong lakas dahil hindi kapa nagsisimula.¨ Hindi nalang sumagot si Caith dito, marahil nga ay dapat niyang tatagan ang lahat dahil hindi pa siya nagsisimula at hindi rin alam kung ano ang sunod niyang gagawin. Nakakabaliw ang mga pangyayari, binuhos niya ang kanyang panahon noon kay Joshua, at ngayun lang niya napag tanto na si Carol lang tanging naging kaibigan niya. Parang kidlat ang lahat at nawala sa kanya ng isang pitik lang. Paano kung natuloy ang kasal at nakuha niya ang iniwang mana ng kanyang ina, may maiiwan ba sa kanya?, kung wala na mag-iiba ba ang takbo ng kanyang buhay?. Dahil kung nagkataon ay wala siyang alin langan na ibigay ang lahat ng iyun sa kanyang ama at kay Joshua, tapos ano?. Napatawa nalang siya sa kanyang naisip, likas siyang matalino pero hindi niya yun pinapakita at sinasadya niyang hindi lamangan ang kapatid upang hindi siya pansinin sa bahay. Pinahinto niya ang sasakyan sa tapat ng restaurant, late narin naman, kahit ano pa ang kanyang naramdaman ngayun ay hindi poyding madamay ang mga tao sa kanyang paligid. Sinamahan siyang mga ito hanggang makapasok sila, napansin rin niyang naka tayu ang lang ang mga ito at hindi umupo sa mesa na napili niya. ¨Tatayu nalang ba kayung dalawa diyan at hindi uupo?¨ ¨Ma´am dito lang kami.¨ ¨Umupo kayu dito at sabayan niyu akong kumain, anong oras na at wala kayung balak kumain?¨ ¨Ma´am salamat po, pero ok lang kami.¨ ¨Kung hindi kayu uupo dito at kakain ay ganon rin ang aking gagawin!.¨ ¨Ma´am.. pasensya na po pero ito po ang aming trabaho.¨ ¨Ganon ba? sa ganyang trabaho ay hindi nakakagutom? palit nalang kaya tayu. Kung ganyan man ang nais niyang gawin sa inyu ay wala akong pakialam dahil ako ang inyung kasama kaya dapat samahan niyu ako.¨ ¨Ma´am, pasensya na po talaga.¨ Napailing nalang siya sa naging sagot ng mga ito, hindi naman malaking bagay sa kanya ang katayuan ng buhay, wala siyang problema doon basta legal at malinis na uri ng trabaho. Dinampot niya ang cellphone pagkatapos mag-order ng maraming pagkain para sa kanilang tatlo. ¨Hello.. pasensya na at tumawag ako¨ ¨Faith¨ tanging sambit ni Rafael dito, sinabihan na niya ito na tumawag sa kanya anytime ¨nasa restaurant kami ngayun, pero itong mga tauhan mo ayaw akong sabayan kumain. Hindi ba nakakagutom ang trabaho nila? palit nalang kaya kami!.¨ ¨Faith, hayaan muna sila, trabaho nila ang samahan ka¨ ¨ganon naman pala!, bakit ayaw nila akong samahan?¨ ¨Faith, sasabihin ko sa kanila na kumain sa ibang mesa, ok naba yan sayu?¨ ¨no!, kung sayu nila gawin yan ay wala akong pakialam dahil amo ka nila pero ibang usapan para sa akin!¨ ¨Alright... just this once, next time kukuha sila ng ibang table at hindi na natin pag-uusapan muli ang bagay na ito. ¨tnx!..bye
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD