Unang umalis si Caith sa shop at naiwan si Ms. Lim doon na umuusok sa galit, hindi nito inaasahan na maiiwan siya doon. Hindi pa nangyari ang ganong tagpo dahil sa huling salita nito kaya hindi siya nakabawi agad at ginamit ni Caith ang tagpong iyun upang siya ay talikuran. And worst nakita pa niya ito at si Rafael, kung saan kusang pinagbuksan ang pinto at ang pagsiil nito ng halik.
¨Wife....¨
¨don´t worry, I´m fine¨
¨hindi siya basta titigil lalo na ngayun na nagkaharap na kayu, ang inaalala ko lang ay ikaw. Hindi ko alam kung ano ang sunod niyang plano, dapat siguro isasama nalang kita sa lahat ng aking lakad upang masiguro ang iyung kaligtasan.¨
¨ganon ba kasama ang tigin mo sa kanila?¨
Hindi ito sinagot ni Rafael at nakatuon lang ang paningin sa daan deritso sa kanyang kumpanya, hindi man sumagot sa tanong ni Faith ay desidido siyang dalhin kahit saan ang asawa. Wala namang problema si Caith kung mananatili siya sa tabi ni Rafael, mas mabuti rin na doon nalang niya tatapusin ang naudlot niyang plano.
¨Hon may meeting ako mamaya, may dalang pagkain si Anton at ikaw nalang muna ang kakain mag-isa walang laman ang yung sikmura. Sa susunod ay hindi na kita hahayaang umalis ng hindi makakain, isipin mo ang anak kung nandiyan.¨
Nagkibit balikat nalang si Caith sa sinabi ni Rafael, alam niyang marami itong iniisip at wala siyang planong dagdagan, pero wala pang isang oras ng biglang nagbukas ang pinto sa opisina ni Rafael. Hindi naman yun pinansin ni Caith dahil ang akala niya ay ito ang pumasok dahil kung ibang tao ay dapat kumatok na, kaya pinagpatuloy lang niya ang ginagawa at nakatuon lang ang kanyang mukha sa monitor.
Tinanggal niya kanina ang suot na coat at tanging simpling sleeveless top ang kanyang suot at plain black jeans, dahil nakaupo siya ngayun sa carpet kaya nasa gilid ng sofa ang kanyang suot na sapatos. Mas komportable siya sa ganitong ayus na nasa coffee table ang kanyang laptop habang nakasandal naman ang kanyang likuran sa sofa.
¨Paano naging ganito ang opisina?¨ isang boses ang narinig ni Caith at hindi yun familiar sa kanya, kaya naagaw nito ang kanyang atesyun at dahan-dahan siyang lumingon sa pinanggalingan no´n. Isang may-edad na lalaki at kita ang galit sa mukha nito at may katabing isang may edad rin na ginang na nakataas ang kilay na nakatuon sa kanya ang paningin.
Gayun paman ay hindi tumayu si Caith kahit may kutob siya kung sino ang mga ito, ang kanyang coat na nasa sofa at ang iilang papel na nakalatag sa mesa at carpet. Ang iba ay blueprint pa kaya nakaagaw ng ilang espasyu, may iilang upuan pa naman ni hindi naukupa ni Caith, tanging ang nasa likuran lang niya ang may nakapatong doon. Kaya hindi siya nag-aksaya ng panahon upang damputin ang kanyang kalat dahil lahat ng nandoon ay importante at wala siyang panahon upang magsimula ulit dahil lang sa mga dumating.
Hindi naman sa wala siyang galang, pero pinipili lang niya. Sa mga naririnig niya kay Rafael kaninang umaga ay wala siyang plano makipag plastikan sa ito. ¨Maupo lang muna kayu, kasalukuyang nasa meeting si Rafael baka maya-maya ay nandito na yun.¨ Walang ganang sabi ni Caith sa mga ito at muling ibinalik ag kanyang paningin sa monitor, abala siya kanina pa dahil sa iilang email na pinadala ng abogado sa kanya. Ang ilan doon ay mga dokumento sa mga ari-arian ng ina at lolo, dapat niyang aralin ang lahat dahil sa ngayun ay tuluyan ng nawala ang kumpanya na pinaghirapan ng mga ito.
Dahil sa kagustuhan niyang ibalik ang lahat kaya dapat ituon niya ang panahon doon, walang lugar upang magkamali at tanging maayus na plano at malawak na pag-iisip ang kailangan niya. Gagawin niya ito sa tahimik na paraan lalo na at maraming mata ang nakatuon sa kanila ngayun. Wala siyang problema sa funding, ganon paman ay hindi ibig sabihin ay poyde siyang mag easy- easy dahil mga eksperto sa larangang ito ang poyde niyang banggain.
¨Hindi ko alam kung paano nakapasok ang ganito at bakit hinahayaan ka ni Rafael sa ganitong gawain?¨ may angking galit ang tono ng pananalita dito. Aaminin ni Caith na sa pagkakataong ito ay nawala ang kanyang atesyun sa ginagawa at simpre uminit ang kanyang ulo. Sa lahat pa naman ng ayaw niya ay ang ganitong tagpo, mas gugustuhin pa niyang guluhin siya ng burdagulan kaysa ganito. Pero pinilit niyang ipikit ang mga mata upang pakalmahin ang sarili at hahayaan si Rafael na harapin ang ganitong uri na tao.
Maganda pa naman ang simula ng kanyang trabaho kanina dahil pakiramdam niya ay nasa totoong trabaho siya dahil sa tahimik na lugar at sa isiping may mga taong nagtatrabaho sa labas ng pintong kinaruruunan niya. Pero kahit anong gawin niya ay nasira na ng mga ito ang atmosphere na enjoy niya kanina, dinampot niya ang cellphone sa mesa at tinawagan si Anton mula doon.
¨Anton, it´s me Caith, sabihin mo sa iyung boss na may naghihintay sa kanya ngayun dito sa loob ng kanyang opisina at pakibilisan dahil marami pa akong tapat tapusin.¨ Alam ni Caith na iba ang kanyang paraan sa pakikipag-usap sa kabila, hihingi nalang siya ng paumanhin mamaya. Ayaw lang niyang makipag plastikan sa mga taong nasa kanya ang paningin.
**********
Mabilis na nilisan ni Rafael ang silid at iniwan niya kay Anton ang mga natitirang gawain ng nalaman niyang tumawag si Faith dahil sa panauhin na dumating. Wala siyang inaasahang darating ngayun pero may hinala na siya base sa naging klase ng pagtawag ni Faith. Ayun kay Anton ay parang naiirita ang boses ng kanilang lady boss.
Wala ng ibang narinig si Caith mula sa dalawang tao na ngayun ay nakaupo at nakatingin sa kanya. Kaya minabuti narin niyang ibalik ang atensyun sa ginagawa dahil sa dami ng dapat niyang aralin bago masimulan ang nais. Hindi naman siya nagmamadali at palagay niya ay aabot pa ng taon bago masimulan ang iba, pero bago yan ay nais niyang magbukas after 6months. Kahit imposible ay kailangan niya ng panakip upang hindi mapansin ang ibang gagawin lalo na kung si Ms. Lim ang magiging kaharap na halatang bihasa na at malamang may ibang bagay na rin itong ginagawa na hindi niya halos maisip base sa pinakita nito kanina. Siya yung taong hindi basta-basta kapag may nais gawin kaya dapat niyang mag-ingat upang hindi makaabala kay Rafael.
Sa muli ay nagbukas ang pinto at iniluwal doon si Rafael, inaasahan na yun ni Caith kaya hindi na siya lumingon pa. Wala na rin siyang pakialam sa mga taong nandoon dahil si Rafael naman ang pakay ng mga iyun. ¨Hon...are you okey?¨ tanong ni Rafael ng ito´y tuluyiuan ng nakalapit.
¨Rafael! ito ba ang klase ng taong pinili mo?! walang mudo!¨ galit na sigaw ang may edad na lalaki.
Hindi naman yun pinansin ni Rafael, instead umupo siya sa sofa malapit kay Caith. ¨Anong ginagawa nyu rito?¨
¨Anong klasing tanong yan? matagal kanang nakabalik pero hindi mo man lang nagawang umuwi. Ito ba ang dahilan kung bakit iniwan mo si Charlotte?!¨
¨Charlotte?, sa pagka alala ko ay wala naman akong kilalang Charlotte.¨
¨B***sh**!... alam mong siya ang babae na dapat mong pakasalan, ano itong ginawa mo?. Tinalikuran mo siya para lang sa isang bilyun!, isang pitik lang niCharlotte ang halaga na meron siya!¨
¨marahil isang pitik lang sa kanya pero yun lang ang meron siya.¨ Mahinahong saad naman ni Rafael sa kaharap.
Huminga ng malalim ang kanyang ama bago muling humarap kay Rafael. ¨umuwi ka ngayung weekend at iimbitahan ko ang kanilang pamilya upang magbigay ng dahilan sa mga nangyayari. Itigil mo muna itong kahibangan mo at maintindihan ka ni Charlotte sa bagay na ito, dapat mo lang siyang suyuin at ipangako muli ang kasal. Kung sakaling maayus mo ang lahat ng ito ay magkakaroon ka ng espasyu sa kumpanya at marahil sayu pa ipapahawak ang kumpanya nila Charlotte. Matalino ka kaya alam mo ang nakakabuti sayu, alam mo rin kung ano ang kaya ibigay nila para lumago pa itong kumpanya mo.¨
¨Wala akong kasal na pinangako sa simula at alam nyu yan. Wala rin akong intresado sa magiging akin sa inyung kumpaya, at lalong hindi akin ang kumpanyang ito. Itigil nyu na kung ano ang inyung iniisip dahil matagal na akong walang pamilya, maliban kay Faith at nais kong ipaalam sa inyu na pamilyado akong tao. Kung gusto nyu maging pamilya muli ang Lim ay may mga anak naman kayung pinalaki at sinubaybayan, binigyan ng pagpapahaga at pinili.¨ Madamdamin ang huling binitawang salita ni Rafael.
Dahil doon kaya napalingon si Caith sa gawi nito at hinawakan ang kamay na kasalukuyang nakahawak sa may tuhod. Alam niyang nasasaktan ito sa pinakita ng sariling pamilya. Magkatulad ang kanilang pinagdaan kaya maliban kay Caith ay wala ng ibang mas makaintindi dito. Malakas din ang kutob ni Caith na ang kumpanyang kinatatayuan niya ngayun ay pag-aari ng kanyang ina ayun sa narinig niya sa asawa. Hindi na niya kailangan pang tanungin dahil sapat na ang kanyang marinig o makita upang malaman ang nais sabihin ng asawa.
¨Hahaha... hindi ko alam na ganito kana ngayun Rafael, isipin mo nagsisimula kapa at kaya kung gawin na mawala itong kinatatayuan mo ngayun!¨ May halong pagbabanta ang katagang ng kanyang ama.
¨Wala akong duda sa inyung kakayahan, naranasan ko yan first hand at patunay ang aking ina!¨ ngayun ay nakipagtagisan ng titig ang dalawa, malaki ang hinala ni Rafael sa pagkawala ng kanyang ina na parang bola. Sa kanyang pagkaalala ay mahal siya ng kanyang ina. Ang pag-iwan nito sa kanya ang pinaka huling gagawin nito.
¨Ang iyung ina?¨ ang nagsalita ay ang asawa ng kanyang ama dahil bilang tahimik ang dalawa at nagtitigan lang. ¨Kung ang iyung ina ay isang bayani sa iyung paningin then I´m sorry to disappoint you my dear stepson. Ayaw kung pag-usapan siya sa iyung harapan upang mapreserve mo ang kanyang alaala na buo.¨
May namumuong galit sa mata ni Rafael at ramdam yun ni Caith, kaya bago paman may magawa ito ay pinili niyang tumayu at dinampot ang phone at muling tinawagan si Anton.
Gaya ng kanilang naring ay pumasok na ang right hand ni Rafael, ¨Lady boss?¨
¨Anton, samahan mong makaalis ang panauhin. Ibilin mo rin sa baba na sa susunod ay hindi na poyde makapasok pa ang sinuman galing sa pamilyang ito. Kung sino man ang susuway ay welcome silang umalis.¨
Medyu gulat man si Anton sa kanyang narinig at pinili niyang sundin ito dahil wala namang pagtutol galing kay Rafaell, kahit ang mag-asawa ay bakas rin ang gulat sa kanilang narinig. Pero pinili nitong umalis dahil ayaw nilang mapahiya lalo na at galing sa walang kwentang tao.