Chapter 15

1760 Words
Sinamahan ni Rafael si Caith papunta sa kumpanya nito, pinagpatuloy ni Rafael ang kwento tungkol sa kanyang pamilya at may mga katanungan din naman si Caith sa iba doon. Pagdating nila ay mas pinili ni Rafael na sundin ang asawa na hintayin nalang siya nito sa labas at naka earpiece parin sila. ¨Wife sigurado kaba na ayaw mo akong sumama sa loob?¨ ¨Hubby... dapat kalmado tayu, maririnig mo naman ako kaya magtiwala ka wala silang gagawin sa akin. Kung may plano man sila ay dapat alamin muna nila ang tao na haharapin.¨ ¨Wife, nag-alala lang ako.... matagal na si Charlotte sa larangan na ito¨ ¨well... aakto lang ako ayun sa nararapat at hindi ko ipapakita sa kanya na may alam ako. Marahil sa ganong paraan ay maisip niyang madali lang akong kontrolin, atleast malalaman din natin ang nais niyang gawin.¨ Napatango nalang si Rafael, kahit nag-alala siya dito ay may punto naman ang asawa, hindi basta-basta gagalaw ang mga iyun ng ganito kaaga. Kahit ganon paman ay mas mabuting mag-ingat dahil ito ang mas mahirap kapag wala kang alam tungkol sa yung katunggali. Habang nasa sasakyan si Rafael ay binabasa niya lahat ng report na inadala ni Anton pati ang sa iba nilang tauhan. Dito palang niya naalala na pinaalis na pala ni Faith ang pamilya ng kanyang ama bago sila nagbakasyun. Ngayun mas lalo siyang nag-alala para dito dahil parang nakalimutan din ni Faith na pina froze pala niya ang mansyun at tanging mga personal na gamit lang ng mga ito ang kanyang pinakuha. Wala pa naman siyang naririnig sa panig ng asawa, naalala rin niya ang nadatnan niya kagabi sa harap ng asawa. Hindi familiar sa kanya ang mga yun, parang may ibang balak ang kanyang asawa at dahil okupado ang kanyang isispan at nakaligtaan niya yung itanong. May napansin lang siya doon na parang kalkulasyun at parang malaking halaga ang ginagawa ng asawa. Sa pagpasok ni Caith sa kumpanya ay nakita niya doon ang buong pamilya ng kanyang ama, halata ang galit sa mga titig nito sa kanya. Pinili niyang lampasan at walang imik sa harapan ng mga ito. Nandoon narin ang mga board members at hindi niya alam kung ano ang mga iniisip nito basta ang tanging alam niya ay nasa kanya ang kanilang mga paningin. At dahil hindi pa dumating ang abogado ng kanyang ina ay hindi napigilan ni Jessica na kumprontahin si Caith sa ginawa nitong pagpapalayas sa kanila sa mansyun ng walang sabi-sabi. Basta nalang nila nadatnan sa labas ang kanilang gamit at puno ng mga tauhan ni Caith doon na nagbabantay, kaya kahit anong gawin nila ay hindi sila makapasok. Hindi nila tanggap ang kanilang tinitirhan ngayun,isang maliit at pinagkasya nila ang kanilang mga sarili. And worst ilang araw silang walang katulong kaya laging nag-aaway ang kanyang mga magulang. Afford naman nilang kumuha ng bagong bahay na malaki pero hindi pumayag ang kanyang ama dahil kailangan nila ng malaking halaga ngayun. Mabuti nalang at may lumapit sa kanila, ito pala ang nagmamay-ari sa lalaking inagaw ni Caith. Ngayun ay titingnan niya kung paano mapahiya ito sa kalandian. "Kumusta ang buhay Caith? masaya kaba sa ginawa mo sa iyung sariling ama?. Pagkatapos ng lahat ay ito ang iyung igagante?" may galit ang boses ni Jessica para sa kapatid. Napangiti ng bahagya ni Caith sa kaharap. "Ano ba ang ginawa niya sa akin na dapat kung gantihan? ang pag-aaral ko ba na eskular naman ako sa school samantalang may nakalaan na halagang iniwan si Mommy. O sa pagkain na galing sa kumpanya ng aking ina na nakikisalu pa kayu. O di kaya sa mansyun ng aking lolo na nagrarayna raynahan kayung pamilya?. Alin doon? sabihin mo sa akin kung alin doon ang hindi akin na inyu?" Naggagalaiti ang mga itong nakatingin sa kanya dahil sa maraming mata ang ngayun sa kanila nakatuon. Gusto sanang sumagot ni Jessica ng muling bumukas ang pinto at pumasok si attorney. Nanatiling nakaupo ang mga magulang ni Jessica at simpling bumati ang mga ito sa huling dumating, ganon rin naman ang ginawa ni Caith dito. Dahil alam na nila ang mangyayari ngayung araw ay matyaga silang naghihintay sa taong nais bumili sa share ni Ms. Hernandez. Hindi maintindihan ni Caith ang nais iparating ni Ms. Lim sa nangyayari ngayun, lampas 20mins., na ay hindi pa ito dumating kaya naisipan ni Caith na ilabas ang dalang laptop at muling tingnan ang kanyang ginawa kagabi bago siya makatulog. Kahit naka tuon sa kanya ang ibang mata ay hindi niya pinansin, wala namang detalye na makukuha ang mga tao na nandoon. Kasalukuyan niyang inaral ang ibang detalye sa posibling magiging design ng building, hindi pa ito final at alam niyang matatagalan siyang makapili. Maraming naka save na structure na pinasa sa kanya ng kaibigan ni Arnold, naging malapit din sila dahil hindi naman mahirap sabayan. Marami siyang dapat e consider, hindi rin napansin ni Caith na kusa nalang lumalabas ang iba´t-ibang idea sa kanya, parang naging bihasa siya sa kanyang ginagawa. Hindi nawala ang paningin ni Marvin sa panganay na anak, ibang-iba na ito sa sa ilang araw na lumipas. Hindi niya ito napansin noon pero parang kinikilabutan siya ng makita itong seryusong nakatuon sa monitor. Taglay nito ang ugali sa yumaong asawa, wala siyang alam kung ano ang kasalukuyang ginagawa nito pero hindi na nito taglay ang dating Caith na kanyang nakilala. Almost an hour saka palang dumating ang tao kanina pa nila hinihintay, gaya ng inaasahan ay may taglay itong aura na parang siya ang nagmamay-ari sa lahat ng kanyang inaapakan. Pero iba pagdating kay Caith dahil kalmado lang siyang lumingon dito ng ito ay pinakilala sa kanyang ama, parang wala siyang pakiramdam sa kanyang kaharap. At dahil doon ay may nabuong galit ito sa kanya na maging dahilan upang mawala dito ang lahat. Tahimik lang si Caith sa buong proseso hinahayaan at pinaubaya niya sa taong pinagkatiwalaan ng kanyang ina. Naging mabilis naman ang buong pangyayari dahil wala pang dalawang oras ay tuluyan ng nailipat ang kanyang pag-aari at ngayun ay tuluyan ng naalis ang kanyang pangalan bilang company name. Wala na siyang pakialam kung ano ang magiging pangalan nito sa susunod na araw. Sa buong proseso ay halos ,hindi maririnig ang kanyang boses, nakikinig lang siya at ganon rin naman ang kasalukuyang ginagawa ni Rafael. May ilan siyang mga pinirmahan doon at sa huli ay nakuha niyang buo ang perang nararapat sa kanya, kung tutuusin ay hindi lang ito ang dapat sa kanya kung ang number sa kanyang share ang pag-uusapan kung naging maayus ang paghawak nito sa kanyang ama. Sa kanyang paglabas ay may iilang papel siyang dala, at sabi ni Atty. ay ibibigay dito ang iba, hindi paman siya tuluyang makalapit sa elevator ng may taong tumawag sa kanya. ¨Ms. Hernandez, could I have a minute?¨ boses yun ni Ms. Lim Huminto at nilingon ito ni Caith, dahil sa kanyang pinakitang expression ng kanyang mukha ay mas lalong umusbong ang galit ni Charlotte sa mkaharap. ¨Yes! Ms. Lim?., I´m Mrs. Alfonzo, may kailangan ka?¨ Mataman itong nakatitig kay Caith bago magsalita, ¨narinig ko ang tungkol sayu at sa kumpanya, saan mo gustong mag-usap tayu?¨ ¨Hindi ko alam kung ano ang gusto mong malaman Ms. Lim, pero palagay ko hindi ito konektado sa nangyari kanina.¨ kalmadong tugon naman ni Caith. ¨Parang mali ata ang pagkakilala ko sayu, hindi ata ikaw ang tinutukoy nila Mrs. Morente¨ Umangat ang labi ni Caith sa kanyang narinig, ang klase ng kanyang ngiti na parang may ibang sinasabi. ¨Ms. Lim., gustuhin ko mang makipag-usap sayu pero hindi ako poyding lumayu dahil naghihintay ang aking asawa. How about sa tapat may coffee shop naman doon kung hindi mo masamain?.¨ Tahimik silang dalawa na lumabas ng kumpanya at tinungo nga ang nasasabing shop. Walang nagsasalita sa kanila hanggang sa dumating ang kanilang order. ¨Hindi ko alam sa mahilig ka pala sa black coffee, or nagbago ka nalang dahil sa iba?¨ basag ni Charlotte sa kanilang katahimikan. ¨Hmmm.... hindi ko rin alam kung kailan ako nagsimula nito, maybe few years ago.¨ ¨owh, may kilala rin akong tao na ganyang ang kape niya¨ kahit ganon ang kanilang pinag-usapan ay hindi naalis ang paningin ni Charlotte sa posibling pag-iba ng mukha ni Caith. Pero wala siyang nakitang pagbabago dito, hindi siya maniniwala na walang kahinaan ito. Hindi niya mabasa ang iniisip ng kaharap at kung paano niya ito simulan, sa totoo lang ay walang-wala ito sa kanya. Wala na itong pamilya at kumpanya, saan aabot ang isang bilyong hawak nito ngayun? ganon kaliit ang kanyang paningin ay Caith at naniwala siyang pera lang nito ang habol ni Rafael. ¨Hindi siguro yan imposible Ms.Lim, sa iyung karanasan, katayuan at sa edad alam kong marami kanang nakaharap na tao na ganito rin ang kanilang gusto.¨ Sabay angat ng paningin ni Caith dito. ¨Totoo, pero hindi ko binibigyan ng pansin ang taong hindi importante sa akin, isang tao lang ang aking tinutukoy.¨ Napatango lang si Caith dito na parang walang alam sa tinutukoy ng kaharap, pinapakita niya dito na hindi siya intresado. ¨Tama, hindi dapat bigyan ng pansin ang taong hindi importante.¨ ¨Rafael Louise Alfonzo¨ diretso ang paningin ni Charlotte kay Caith hang binanggit nito ang buong pangalan ni Rafael. ¨Siya ang tinitukoy ko, ang taong importante sa akin¨ Ngumiti lang si Caith at sinalubong ang tingin ni Charlotte, ¨hmmm.... yes, mahilig nga siya sa ganitong uri ng kape¨ nakangiting tugon naman ni Caith na parang bali wala sa kanya na binanggit ng ibang babae ang pangalan ng kanyang asawa. ¨hindi kaba nagtataka kung bakit ko siya kilala at paano siya naging importate sa akin?¨ ¨mas magugulat ako kung hindi mo siya kilala, at ang tungkol kung bakit siya importante sayu?, well.. hindi lang naman ikaw ang nagsasabing gusto o importante siya sa kanila. Sa totoo ay wala akong pakialam kung ano paman ang sasabihin tungkol sa kanya dahil hanggang doon lang naman yun.¨ ¨Kung sasabihin ko sayu na matagal ng napag-usapan ang aming kasal, at ako ang babaeng nararapat sa kanya.!¨ ¨Ms. Lim... napag-usapan ang iyung nais iparating sa akin pero natuloy nga ang kanyang kasal, pero hindi sa napag-usapan. ¨ ¨Maniniwala kaba na kaya ko siyang bawiin sayu?¨ ¨Wala akong duda diyan kung galing sa akin, pero naniniwala karin ba na gusto niyang maging sayu?¨
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD