Chapter 14

2007 Words
Sa kanilang byahe pabalik ay naging tahimik si Rafael at parang marami ang iniisip, hindi alam ni Caith kung paano magbukas ng usapan. Naging ganito na ito mula kaninang umaga hanggang ngayun, hindi paba mabigat ang kanyang sarili dito kaya hindi nito masabi ang nasa isip. Nais man niyang magtanong pero natatakot siya sa posibling sagot o magiging reaksyun nito. Nakauwi nga sila na puno ng katanungan ang isipan ni Caith, habang si Rafael naman ay dumiretso ito sa kanyang study room at sumunod naman agad dito si Anton. ¨Nanay Sol kumusta kayu?¨ ¨Nandito na pala kayu ija, napaaga ang inyung pagbalik. Alam mo kanina pa yung pamangkin ko nanghihintay sa inyung pagbabalik ni sir, may nangyari ba?¨ ¨wala akong alam Nanay, wala naman kasing sinasabi si Rafael sa akin. May naghahanap ba sa amin noong wala kami dito?¨ ¨hmmm... may iilan pero si Anton naman ang humaharap sa kanila. Hindi naman siguro yun impoprtante kasi umalis din agad, baka sa negosyu kaya kayu nauwi agad.¨ ¨salamat Nanay, paki handa nalang ng pagkain si Rafael kasi hindi yun nag-almusal oras na rin para tanghalian¨ ¨nakapagluto na ako, gusto mubang maunang kumain?¨ ¨maya nalang po, sasabayan ko si Rafael, mauna nalang muna kayu. Iaakyat ko lang itong mga gamit namin¨ ¨tutulungan nalang kita¨ Malapit na alas dos ng nagbukas ang pinto sa study room, sunod-sunod lumabas sina Rafael at Anton. Si Rafael dumiretso sa silid nilang mag-asawa habang si Anton ay hinanda ang sasakyan. Tahimik lang si Caith na nakasunod ang kanyang paningin sa galaw ng asawa, parang hindi siya nito nakikita at naging tuloy-tuloy ang mga hakbang palabas ng bahay. ¨Rafael¨ tawag ni Caith dito bago paman makasakay ito ng sasakyan. Lumingon si Radael kay Caith at tinitigan muna ito bago humakbang at nilapitan siya, ¨may gagawin lang ako, wag mo rin akong hintayin mamaya¨ ¨Pero hindi kapa kumain¨ ¨I´m fine, pumasok kana¨ Hindi alam ni Caith ang nangyari at bakit ganon ang ekspresyun sa mukha ni Rafael, parang may galit ang mukha nito. Ilang minuto na ang lumipas saka palang nagawang ihakbang ulit ni Caith ang mga paa pabalik sa loob ng bahay. Wala siyang ganang kumain kaya minabuti niyang maghintay nalang kay Rafael sa sala at nagscroll sa kanyang laptop. Siguro ay kailangan din niyang gumalaw, may mundo si Rafael na hindi siya kayang papasukin tulad ngayun, naging abala si Caith sa kanyang ginagawa sa paghahanap ng posibling paglaanan ng perang iniwan ng kanyang ina at lolo. Sa mga araw na lumipas ay napansin niyang nakasandal nalang siya kay Rafael, baka yun ang dahilan kaya nagbago ito?. Hindi napansin ni Caith ang oras dahil inaral niya ang mga dating negosyu ng ina, nais niyang ipagpatuloy ang mga iyun kung sakaling pasok pa sa panahon ngayun. Napagdesisyunan niyang tayuan ng apartment or condo ang ibang bakanting lupa naiwan ng kanyang lolo, siguro hindi ito nagalaw noon dahil iba pa ang sitwasyun ng lugar na ito dati. Pero ngayun ay mga big establishment na sa malapit. Inaral din niya ang posibling budget at iba pa. Alam niyang malaking pera ang kailangan niyang ilabas para sa naisip na gustong gawin, noong una ay gusto niyang magtrabaho kay Rafael upang matoto sa ngayun ay nag-iba na. Siguro dapat niya itong gawin upang matoto siya at hindi rin makaabala sa asawa, may takot siya sa kaloob-looban niya. ¨Caith ija, kumain ka muna lampas na sa oras ng hapunan¨ saad ni Nanay Sol na kanina pa ito nakamasid sa kanya. ¨sige po Nay,¨ hindi niya nalang hintayin si Rafael, bilin naman nito yun kanina at ayaw niyang iba ang maabutan nito. Binalikan din naman ni Caith ang dating ginagawa at nagbilin narin kay Nanay Sol na mauna na itong magpahinga sa kanya. Lampas alas dose na pero walang anino ni Rafael ang nagpakita. Nalungkot si Caith at naglalaro ang kanyang isipan, pero lage naman niyang sinisita ang sarili na marunong siyang magtiwala. Kung mangyari man ang kanyang kinatatakutan ay magkatotoo dapat buo parin siyang humarap. Nadatnan ni Rafael ang asawa na natutulog, kumunot ang kanyang noo dahil sa anong oras na at bakit nandito ito at wala sa kanilang silid. May mga papel doon at nakabukas pa ang laptop nito, hindi nalang niya inalam kung ano ang ginawa nito at dahan-dahan niya itong binuhat papunta sa kanilang silid. Naging busy ang buong araw ni Rafael dahil sa hindi inaasahang mga tao na ayaw na sana niyang alalahanin pero muli itong nagpakita. Ang kanyang tinutukoy ay ang kanyang dating pamilya, hindi niya alam kung paano nito nalaman ang kanyang pagbabalik at ang katayuan niya ngayun. Nakatanggap siya ng tawag kay Anton habang nasa bakasyun sila ni Faith, pumunta sa kumpanya ang kanyang ama at ang asawa nito. Alam ni Rafael na hindi maganda ang muli nilang pagkikita lalo na ng napag-alaman niya na ang taong gustong bumili ng CF Hernandez, ito ay si Chalotte Lim pamangkin ng asawa ng ama. Noon paman ay may plano na ang mga itong ipakasal siya kay Charlotte Lim dahil narin sa mayaman din ang mga ito. Susanne Alfonzo, ang second wife ng kanyang ama at may hinala si Rafael na may kinalaman ang mga ito sa pagkawala ng kanyang ina. Sa ngayun ay may dalawang kapatid si Rafael dito sina Kiefer Alfonzo at Kevin Alfonzo, hindi niya alam kung gaano ba kayaman ang pamilya ni Susanne dati dahil mas pinili ito ng kanyang ama kaysa kanya. At ang kanyang yumaong abuelo ay mas piniling manahimik hanggang ito´y pumanaw. Hindi alam ni Rafael kung paano natuntun ng mga ito ang asawa, hindi niya alam kung ano ang sunod nagagawin ng kanyang pamilya. Pero sa pinapakita ni Charlotte ay marahil si Faith ang sunod nitong target, inosente ang kanyang asawa at kailangan niya itong protektahan. Nais man niyang sabihin kay Faith ang posibling mangyari pero sa ngayun ay hindi niya alam kung paano simulan pero mas mabuti na kung mapag-usapan nila ito bukas bago paman magtagpo ang kanilang landas. Sa pagmulat ng mga mata ni Caith ay nasa loob sa siya ng kanilang silid at kasalukuyan pang nakayakap ang kanyang asawa, hindi alam kung anong oras ito dumating. Naalala niya ang ginawa buong maghapon at ang email na natanggap niya galing sa abogado ng kanyang ina. Ayun doon ay magkikita sila ngayun sa kumpanya dahil may buyer sa kanyang share at posibling ngayung araw ibibigay ng mga ito ang pera na nais ng kanyang ina. Gustuhin man niyang manatili sa bisig ng asawa pero kailan niyang maghanda para sa pagpunta sa CF Hernandez, baka ngayung araw ang huling apak niya sa dating kumpanya ng ina. Kung tuluyan itong mawala sa kanya ngayung araw ay sisiguraduhin niya na darating din ang araw na muli niya itong mabuhay muli. Dahan-dahan niyang inalis sa bisig ang braso ng asawa upang hindi ito madisturbo sa pagtulog. ¨Hon... maaga pa, maya kana bumangon¨ ¨Babe... aalis ako ngayun papaunta sa kumpanya, matulog ka nalang muna¨ Pero bago paman makababa si Caith sa kanilang kama ay bumangon si Rafael. ¨Sabay na tayung maligo dahil may pag-uusapan muna tayu bago ka umalis¨ Kumunot ang noo ni Caith sa kanyang narinig, ¨Rafael, mamaya nalang pagbalik ko tayu mag-usap, mas mabuting matulog ka muna, may oras pa naman.¨ Sa totoo ay nahihiya si Caith sa isiping magkasabay silang maligo. ¨Hon, alin ba diyan ang hindi ko nakita?¨ may halong ngiti pa ang pagka bangit nito sa asawa. Napailing nalang si Caith sa kapilyuhan ng asawa at hinayaan nalang niya ito, totoo naman na wala na siyang maitago pa dito. Pero hindi rin inaasahan ni Caith na totoong ligo lang talaga ang kanilang ginawa dahil hindi siya inangkin nito, pasimpling halik lang ginawa at hanggang doon lang. Sabay na silang bumaba para sa almusal, sa kanilang dalawa ay si Rafael lang ang kumain at tanging kape lang din ang gusto ni Caith, kahit pilitin siya ni Rafael ay mamaya nalang siya kakain. Hindi siya sanay maliban sa kape basta sa umaga. ¨Rafael anong gusto mong pag-usapan natin?kailangan ako sa kumpanya ng 9.¨ ¨hmmm...alam kong hindi ka nagtatanong tungkol sa aking pamilya, pero sasabihin ko ito ngayun dahil sa tingin ko konektado sa akin ang taong gustong bumili sa iyung share.¨ Hinayaan lang ni Caith si Rafael sa nais nitong sabihin sa kanya, intresado naman talaga siyang malaman kung ano ang naging buhay nito at paano ito napunta sa kanyang mommy. Noon paman ay nais niya itong itanong pero natatakot siya na baka may mga bagay na hindi na dapat ungkatin pa. But since ito ang nagsimula ay handa siyang makinig at nais rin niya itong makilala ng lubusan. ¨Maliit pa ako ng nawala ang aking ina, wala akong alam kong namatay ba siya o basta nalang nawala, lumaki ako sa aking lolo mula ng nag-asawa mula si Daddy. Siya si Susanne Lim, may dalawa na silang anak at half brother ko kung ituring sa mata ng iba. Wala akong alam kung gaano kayaman ang mga Lim noon at kayang ipagpalit ni Dad ang kanyang anak para dito. Minsan na rin nilang naisipan na ipakasal ako sa pamangkin ni Susanne, siya si Charlotte Lim. Ang tinutukoy na buyer ng iyung share ay ang pamangkin ni Susanne. Hindi ko alam kung paano nila nalaman ang tungkol sa akin, sayu at sa atin. Marahil ay magkikita kayu mamaya sa kumpanya, nakakatanda siya sa akin ng tatlong taun kung hindi ako nagkakamali. Hindi nila ako magawang ipakasal sa kanya dati dahil sa aking lolo, kahit hinahayaan niya ang aking ama ay nagawa parin niya akong ilayu sa kanila. Siguro sa mga panahong iyun ay nagawa akong ipagtamggol ni Lolo dahil minor pa naman ako at hindi pa poyding makasal. Pero sa araw na nawala ang aking abuelo ay doon na nila sinimulan ang kanilang plano, balak nila akong itago hanggang darating ang tamang panahon. Hindi ko rin inaasahan na makatakas mula sa kanilang mga kamay, napadpad ako noon at napunta sa isang park. Doon kita nakita at ng iyung ina, pero naging mabait ang panginoon sa akin dahil nakilala ako ni Tita Desiree dahil magkaibigan si Lolo at si Don. Hernandez. Hindi ko alam basta nalang ang gaan ng pakiramdam ko noong araw na iyun. Mula noon ay nagawa akong ilayu ni Tita sa aking sariling pamilya, binigay niya sa akin ang lahat mg aking pangangailangan pati ang lahat ng meron ako ngayun. Hindi naman tinago sa akin ni Tita ang mga nangyari sa aking pamilya pero mas pinili ko ang buhay na binigay niya sa akin. Ngayun sa aking pagbabalik ay hindi ako makasiguro kung ano ang kaya nilang gawin, hindi lang sa akin at marahil sayu narin. Hindi imposibling alam na nila na tayu ay mag-asawa, at marahil alam narin ng aking pamilya ang tungkol sa ginawa ni Tita Desiree sa mga taon na lumipas. Hindi basta-basta ang aking narating at napag-aralan kung hindi makapangyarihan ang nasa aking likuran. Nagawa akong ilabas ni Tita dito sa bansa ng hindi nahuli at napansin ng aking pamilya.¨ Biglang natahimik si Rafael at parang may malalim na iniisip, ¨Babe.... bakit? parang nag-iba ang iyung mukha? natatakot kaba?¨ ¨Hon., hindi ako natatakot para sa aking sarili, nag-alala lang ako para sayu. Mula ngayun ay damay kana sa gulo ng aking pamilya, hindi maganda ang aking kutob sa balak nilang pagbili sa iyung share. Gahaman ang aking pamilya at kaya nilang gawin ang lahat kapag pera ang pag-uusapan.¨ ¨Sa ngayun ay titingnan natin ang sunod nilang gawin, siguro ay magpakilala lang muna sila sa atin. Gawin nating maayus ang pag-alis ng pangalan ko sa kumpanya. Kung totoo man ang iyung hinala ay dapat tayung mag-ingat sa ating sarili and please babe, sabihin mo sa akin ang lahat ng iyun alam para alam ko rin kung saan at ano ang dapat kung gawin.¨
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD