Isang umaga ay sabay na nag-almusal ang mag-asawa, napansin ni Rafael ang pagod sa mukha nito. Nais man niyang saluin ang lahat pero ayaw niya itong pangunahan. ¨Hon, anong gagawin mo ngayun? may gusto kabang puntahan?.¨
¨hmmm... dito lang ako, marami pa akong dapat gawin at hindi ko alam kung sino ang makakaharap sa lunes. Kung hindi siguro nawala ang aking alaala ay marahil kahit isa doon ay may pinakilala si mommy sa akin. Sa totoo lang Rafael, maliban sayu ay ang hirap ng magtiwala.¨
¨may nabubuo kana bang plano?¨
¨nagtatalo pa ang aking isipan, marami akong dapat alalahanin lalo na kay mom.¨
¨gusto mo marinig ang aking opinion?¨
Umangat ang paningin ni Caith sa asawa, sa ilang araw niyang inaral ang tungkol sa kumpanya ay unang beses niya itong makarinig tungkol doon. Napangiti siya, mas mabuti siguro pakinggan ang bases ni Rafael para hindi siya manibago sa lunes. ¨Then what´s your take?.¨
¨it´s beyond repair¨
Binaba ni Caith ang hawak niyang tinidor at umusad muna siya bago nilapat ang likod sa upuan at dinampot ang baso na may kape. Hindi niya inaasahan na yun ang sasabihin nito, hinihintay niya ang kasunod nitong sasabihin.
¨Look hon., hindi sa minamaliit kita at alam kung may magagawa kapang mas maganda na wala sila. Una, ikaw man o ako ay wala tayung tao sa loob, kung meron man ay hindi natin masisiguro. Nakita mo ang lahat na ginagawa nila sa likod ng kumpanya, hindi ko alam kung ano ang buong detalye sa iniwang ni Tita Desiree sayu. Pero ang mga taong nandoon kung sakaling gagamitin mo ang pera para maisalba ang kumpanya ay same people that your going to deal.
Kilala ang kumpanya ng yung ina, malaking pundo ang nawala kung nagkataon na maliit yan ay hindi ito aabot hanggang ngayun. Pero sila lahat na nandoon ay mahirap ng e control, silang lahat ay naging uhaw sa iyung mana dahil yun lang ang paraan para magtuloy-tuloy ang kanilang mga gawain. Then what? after 5-8-10 years ang ganitong pangyayari ay mauulit.¨
Hindi sinabi ni Rafael ang dapat na gawin ni Caith, binigyan lang niya ito sa kanyang pananaw, kung siya lang ay tuturuan niya ito ng leksyun na walang balikan. Pero ayaw naman niyang imulat sa ganon ang kanyang asawa, not now. Pero iba ang naging reaksyun ni Caith sa inasahan ni Rafael, kaya napataas ang kanyang kilay.
¨Alam kong baguhan lang ako, wag kang mag-alala basi sa narinig ko sayu ay walang mawawala akin kung gugustuhin ko. Pero kung sa ibang paraan naman ay dapat maghanda ako sa mga uhaw na buaya sa loob.¨
Parang bumaliktad ang sitwasyun dahil si Rafael naman ang ngayun ang hindi mabasa ang nasa isip ng asawa. ¨Gusto mo mag earpiece sa araw na yun?¨
¨Poyde¨ matamis na ngiti ang binalik ni Caith sa asawa
¨I think wala akong dapat ipag-alala, how about lalabas tayu sa lunch?¨
¨Tagaytay?¨
¨Sure! hindi ko nasubukan doon¨
Gabi na sila nakabalik ng bahay dahil naaliw sila sa naging lakad at tanawin, hindi rin nila inaasahan ng may madaan kasing for sale na lupain doon at napaka ganda ng location. Sabi ng nagbabantay isang linggo ng naka sale yun pero may kamahalan kaya puro tingin pa ang nangyari. Nilibot nila ang area at pakiramdam ni Caith ay excited siya sa lugar, iniwan nila ang kanilang mobile phone dahil lumuwas daw ang may-ari at nais nilang bilhin yun.
Kasalukuyan sila ngayung nasa living room dahil sa dami ng kanilang nabiling palamuti ng bahay, masaya at magaan ang kanilang pagsasama. Hindi nagtagal ay tumunog ang kanilang door bell at ang guard na nila ang bahala sa ganong bagay, at yun nga may naghahanap daw kanina kay Caith ani ng guard sa village.
¨Bakit naman ako hinanap at sino?¨ baling na tanong ni Caith sa kanyang asawa.
Ang kanilang guard na ang sumagot, ¨Marvin Morente po Mrs. Alfonzo, kasama ang kanyang asawa at anak ng pumunta dito.¨
¨Paano nila nalaman na nandito ako? sinabi nyu bang dito ako nakatira?¨
¨Pasensya na po Ma´am, nadulas po ako sa simula ng nagpakilala siyang ama nyu. Medyu kilala naman kasi ang kanyang panglan¨
¨Hanggang saan ang naibigay mong impormasyun?¨
¨Sinabi ko lang na umalis kayu at tinanong nila kung bahay ba ni Mr.Alfonzo kayu nakatira?, Sorry po Ma´am ang sinabi ko ay sa iyu nakapangalan ang property.¨
Binalaan nalang nilang hindi basta-basta magbibigay ng kanino ang mga impormasyun sa lahat ng taong nakatira doon. Pagkatapos maglinis ni Caith ng katawan ay sinadya niyang hintayin ang asawa sa dahil may mga namumuong katanungan sa kanyang isipan.
¨Hon mauna kanang matulog dahil may gagawin pa ako¨ saad ni Rafael pagkatapos niyang magpalit ng pajama at akmang lalabas na ito sa kanilang silid.
¨Rafael.... sigurado kabang may gagawin?¨
¨Hon may kailangan kaba?¨
¨Ano sa tingin mo?¨ tanong lang din ang nakuhang sagot ni Rafael sa kanyang tanong, napangiti siya dahil ganitong- ganito si Faith noon. At naalala pa niya na ganito rin si Tita Desiree noong nabubuhay pa.
¨Alright¨ nilapitan niya nalang ang asawa, ¨anong gusto mong malaman my Lady?¨
Hindi inaasahan ni Caith ang huling katagang nito ganon paman ay nakabawi naman siya sa gulat, ¨bakit ako natuntun ng aking pamilya?¨
nag-angat ng balikat si Rafael bago ito napangiti sabay kamot sa batok, ¨I think... galing sa akin¨
¨then sabihin mo sa akin, nasaan tayu ngayun? care to share?¨
¨hon...nandito tayu sa Herb Garden ngayun¨
¨at paano napasama ang aking pangalan?¨
¨honey.. sasabihin ko sayu ang kabuohan nito after mo matapos ang yung hinaharap ngayun, ako ang nagbigay sa kanila ng idea na nandito ka at ito ang unang naisip ko para malaman nila ang taong tinatrato nilang T****** ay wala silang ibubuga.¨ Kitang-kita sa mga mata ni Rafael ang galit sa kanyang pamilya dahil nalaman na nito ang knayang pinagdaanan. Wala man siyang sinasabi pero hindi ibig sabihin ay walang alam ang kanyang asawa.
Araw ng lunes, ito ang unang pagkakataon ni Caith na maka pasuk sa loob, ang sabi nila Arnold ay parang wala pang alam ang kanyang pamilya sa kanyang pagpapakasal. Well mas mabuti na unahan ang mga ito dahil halang ang kanilang mga kaluluwa at ikaw yung tipong kakainin nila na walang butong matitira.
Sinadya niyang gawin ito ngayun dahil may board meeting na gagawin at ayun kay Rafael, ang pag-uusapan ng mga ito ang tungkol sa kanyang pera na pinangako ng ama niya. Hindi ito inaasahan ng kanyang ama na ang matagal na panahong pagpaplano ay mauwi sa wala, last month nga lng ay bumili ito ng bahay para kay Jessica na galing sa kumpanya ang pundo dahil sa pag-aakalang may Caith na sasalba.
During the meeting ay dumating ang abogado ng kanyang ina na ikinagulat ng lahat, naibigay na ni Arnold dito ang kanyang marriage certificate kaya inaasahan nila ang pagdating nito ngayun. Sunod naman na pumasok si Caith na may dalang laptop at bag, pero sa kanyang pananamit kay makikita mo ang aurang taglay niya ay katulad sa kanyang yumaong ina.
¨Atorney.... good morning! bakit kayu naparito?¨ tanong ni Marvin dito, sa totoo lang kanina pa nagtatalo ang mga tao sa loob bago pa dumating ang abogado ni Desiree Hernandez.
¨Pumunta ako para pag-usapan ang naiwan ng aking client na si yumaong Desiree Hernandez, sa palagay ko ay nandito na ang lahat para masimulan natin itong talakayin.¨
Sa mga taong nasa loob ay excited dahil alam nilang may malaking iniwan ang dating nagmamay-ari ng kumpanya, but of course ang kanilang saya ay pansariling hangarin. Samantalang iba naman ang kutob ni Marvin sa nangyari, imposibling pumunta ito ngayun unless..... si Caith ay kasal na. Kaya napalingon siya sa kanyang anak na kakarating lang din, hindi maganda ang kanyang kutob dito. Ni minsan ay hindi ito ginawa ni Caith noon, at parang hindi na niya kilala ang anak.... sa loob lang ng ilang araw ay malaki ang pinagbago nito. Nakikita niya ang unang asawa sa taglay nitong aura ngayun o kaya´y ganito na ito pero hindi lang niya nabigyan ng pansin,
Dahil sa presensya ng mga dumating ay biglang nagbago ang hangin sa loob ng kwarto, lahat ng nandoon ay may halo-halong intensyun at emosyun. Kahit si Caith ay kinakabahan ng maharap ang mga ito, alam niyang mga uhaw sa pera ang mga yun at ano mang oras pakiramdam niya ay mawawalan siya ng hininga.
Nagsimulang basahin ng abogado ang mga papel sa hawak nito, pinipilit rin ni Caith na maging kalmado upang makapag-isip ng maayus. Nagulat din siya sa naging kondisyun ng kanyang ina tungkol sa kanyang mamanahin at ang kanyang naiwang share. Una ay dapat kasal na siya bago paman mabuksan ang lahat ng yun, bilang siya ang may pinaka malaking share sa kumpanya at naka pangalan rin ito sa kanya ay posibling magbago ang lahat.
Ang perang iniwan ng kanyang ina sa bangko ay walang habol doon kahit ang sariling ama dahil naka pangalan yun kay Caith at ang taong nagbigay ay hindi galing sa kanyang ina kundi sa kanyang lolo. Bilang ang kanyang ina ang nag-iisa nitong anak at siya ang nag-iisa nitong apo kaya mapupunta sa kanya ang lahat. Kung sakaling may nangyari sa kanya ay diretso itong mapupunta sa mga charity na naka saad doon.
Tungkol naman sa kanyang share ay poyde niya itong ibigay sa kanyang ama at poyde rin palitan ang panglan ng kumpanya, kung bibigyan si Caith ng isang billion. Ayun sa naiwan ni Desiree na mga negosyu na nasa ilalim ng kumpanya ang isang billion ay kayang-kaya nitong ibigay dahil may naka lagay doon ang kalkulasyun ng kita sa taon na darating. Pero of course ang lahat ng iyun ay naka depende kay Caith kung ano ang kanyang desisyun. Dapat rin na mangyayari ang lahat na naka saad doon sa buong presenya sa mga taong naka saad doon, ang iba ay nasa kumpanya pa hanggang ngayun at ang iba ay ang abogado na ang bahala sa kanila.
Naririnig ni Rafael ang lahat na nangyayari at hindi niya mapigilan ang mapa ngiti dahil hindi ito ang kanyang inaasahan. Lumalabas doon na hindi niya pinipilit ang anak na hawakan ang kumpanya pero hindi rin niya ito hahayaang mawala ng ganon lang. Bininbigyan niya ng halaga na sapat narin upang magtayu ng sarili at mabuhay lalong-lalo na ang perang iniwan sa bangko na inaasahan ng lahat ay wala sila makukuha doon. Paano nalang maka tayu ang kumpanya kung isang billion ang kukunin ni Faith galing dito, alam ni Rafael na imposibling mabigay yun ay mas lulubog ito.
Samantala habang nagkikinig si Caith mga palitan ng tanong ni Marvin at ang abogado ay hindi niya inaasahan na pinag-aralan pa niya itong kumpanya habang malinaw naman ang option na iniwan ng kanyang ina. Poyde siyang magtayu ulit ng kumpanya gamit ang kanyang panglan sa perang kukunin niya dito at mapuputol pa ang kanyang ugnayan sa kanyang tinuring na pamilya. Of course gagawin niya ang kondisyun na iniwan ng kanyang ina.
¨Mrs. Alfonzo¨ tawag ng abogado ni Caith sa kanya pero hindi niya yun pinansin dahil akala niya iba ang tinutukoy nito, naka ilang ulit pa itong bigkas ay wala siyang reaksyun not until may narinig siya sa kangyang earpiece.
¨Wife.. are you okey? tinatawag ka bakit hindi ka sumagot?¨ saka palang lumingon si Caith sa abogado dahil sa hindi siya sanay sa ganong pangalan.¨hmm.., yes atorney?¨
¨Anong masasabi mo dito?¨
¨Ilang araw ba ang poyde kung ibigay sa kanila upang makumplito ang pera?¨
¨Ibig sabihin.. iiwan mo ang lahat at aalisin ang iyung pangalan sa kumpanya at papalitan rin ang pangalan nito kapag yan ang pinili mo.¨
¨Yes!., iiwan ko sayu ang lahat tungkol dito¨ pagka tapos niyang sabihin yun ay saka sabay naman ang kanyang paglingon sa kanyang ama. May lungkot ang kanyang mata, ito na siguro ang huling panahon na muli niya itong matitigan at makasama. Matagal na panahon niyang hinintay ito, mula ng siya ay nagka malay ay wala siyang nakikitang pagpapahalaga nito sa kanya.
¨Atorney, kung sakaling mahihirapan sila ay poyde naman nila itong ibinta diba? kahit ibinta nila sa iba ang aking share ay wala akong pakialam basta maibigay lang nila sa akin ang pera na naka saad sa kondisyun ni mommy.?¨
¨Mrs. Alfonzo, poyde natin yan e consider pero pag-uusapan pa yan at sa ngayun ay hindi ko masasabi sayu ang aking sagot dahil hindi kopa alam ang katayuan ng kumpanya. Kung sakaling kaya naman nila ibigay sayu ang halaga ay depende nalang sa ama mo kung ano ang gagawin nila sa share na iyung iiwan.¨