Kinabukasan. Pagpasok ko sa opisina Nakita ko si Elyssa. Kausap niya ang secretary ko.Ngumiti ito sa akin. Pero Hindi ko siya pinansin. Wala ako sa mood makipag plastikan at marami pa akong kailangan pirmahan. Nagderetso ako sa upuan ko. Hindi na ako sinamahan ni Papa Kasi naipaliwanag na niya sa akin ang lahat kahapon. Hindi pa ako nakakatapos sa mga dapat Kong pirmahan. Maya maya pumasok ang secretary ko. May dala dalang napakaraming papeles. "Ano ang mga yan?" Tanong ko dito. "Galing po ng accounting. Kailangan niyo po yang basahin at pagaralan." Sabi nito. Napatingin ako sa mga papel. Bumalik pa siya. Napuno ang mesa ko meron pa sa lapag. "Ano yan besty kailangan mo rin ba yang pirmahan?" Tanong ni Jade. "Ewan ko sabi niya kailangan ko daw pagaralan." Sabi ko at kinuha ang Isa. "B

