Pumasok kami sa office ng CEO at pinakilala niya sa akin ang magiging personal secretary ko pinakita niya sa akin ang magiging lamesa ko. "Pansamantalang mananatili Muna dito si Miss Jemenes para ituro sayo ang ilang mga bagay bagay. Bago siya lilipat sa babalik bilang personal secretary ko uli." Sabi ni Troy napatingin ako sa kanya. "Nakiusap Kasi sa akin si Tita na ibalik ko na lang daw sa pagiging secretary ko si Elyssa. Dahil siya naman talaga ang secretary ko bago hilingin ni Tita na siya ang ipalit ko sa kanya bilang CEO ng company dahil napapagod na daw siya. Nahihiya daw siya Kay Elyssa kaya pumayag na ako and besides kailngan ko talaga ng secretary ngayon Kasi nagresigne na si Donna nung isang araw. Magpapakasal na daw ito at ang boyfriend nito sa France." Sabi nito. Hindi

