Nagulat ang Tita ni Troy at si Alyssa ng malaman na hahawakan kona ang business namin at pormal na akong ipakikilala bukas ni Troy sa mga share holders.Pinapunta ni Troy si Alyssa pagdating ng gabi. Nagulat ito ng makita ang mga magulang ko. Nalaman ko na ang Tita pala niya ang nag suggest na si Alyssa ang pahawakin ni Troy sa company namin. "Pasensiya na Tita, Alyssa naisip ko kasi panahon na para matutong hawakan na ng asawa ko ang negosyo namin at matuto na din siya ng mga pamamalakad sa business world dahil yun ang nilalakaran ko." Sabi ni Troy pekeng ngumiti ang Tita niya at si Alyssa. Kundi ko pa alam gusto na akong lamunin ng dalawa sa oras na ito. "Okay lang naman yun Iho. Nagulat lang ako akala ko kasi yung sa Maynila ang hahawakan niya." Sabi ng Tita niya saka uminom ng juice

