***TROY PO#** "Ang asawa mo ang puntirya nila hindi ikaw." Sabi ni Mark. Napakunot ang noo ko. "Hindi nila akalain na sasama ka sa pagpunta dito sa maynila." Kaya nabigla sila ng makita ka sa airport. "So siya pala ang sinasabi nilang problema" Sabi ko. " Naalala ko na nasabi na sa akin ni Rick na may malaking problema daw siya.Asawa ko pala ang sinasabi niya."Sabi ko uli. Napatingin sila sa akin. "Ano ang plano mo ngayon siguradong hindi yun titigil hangat hindi nakukuha ang asawa mo?" Tanong ni Mark sa akin. "Maaring may nalaman ang asawa mo na hindi niya dapat malaman." Sabi nito uli. "Kung ganun alam kong makikipag usap sila sa akin dahil alam nila na nalaman ko na natauhan nila ang nagtambang sa amin sa airport." Sabi ko. "Maari, dahil siguradong ayaw nilang makabanga ka kay

