Chapter 3

1784 Words
Hunter Nixon POV Iba't-ibang bansa na ang aming narating para makapagbigay saya sa mga Soldiers. Narating na yata namin ang iba pang panig ng mundo upang ihatid ang aming musika. Laging sold out ang mga tickets sa aming concerts na syang malaki naming ipinapasalamat sa milyong-milyon naming mga tagahanga. Masasabi kong narating na nga ng grupo namin ang rurok ng tagumpay. Ang Bullet Proof Boys ang pinakatanyag at minamahal ng mga tao sa larangan ng pag-awit at pagsayaw. Dati rati ay isa lamang kaming simple at normal na mga bata na lumaki sa Home of Dreams na isang bahay ampunan. Pare-pareho kaming iniwanan ng aming mga magulang noong mga bata pa lamang kami. Sino ba ang mag-aakala na ang mga batang lumaki sa pangangalaga noon ni Sister Elena ay magiging matagumpay sa buhay at karera? Naalala ko pa ang panahon kung saan lagi akong pinapagalitan ni Sister Elena dahil sa kakulitang taglay ko. March 1999 "Hunter Nixon? Pinaiyak mo na naman ang kapatid mong si Axel at Grayson? Hala sige, humingi ka ng tawad dahil kinain mo ang mga cupcake na para sa kanila!" Malakas ang boses ni Sister Elena habang pinapagalitan nya ako. Kitang kita ko kung gaano kadismaya si Sister Elena sa akin. Lagi kong sinusuway ang mga pangaral nya sa amin. Lumapit ako sa dalawa kong nakababatang kapatid at humingi ng tawad. "Sorry! Di ko na ulitin." Wika ko Ang dalawa kong kapatid na sina Axel at Grayson ay lalo lamang umiyak dahil siguro napagtanto nilang wala na silang cupcake na kakainin mamaya. Napakamot ako sa aking ulo dahil sa murang edad ay nakadama ako ng konsensya. Ayoko din namang nakikitang umiiyak ang mga itinuturing kong kapatid sa bahay ampunan. "Hunter, ano ba ang sabi ko sa inyo. Hindi ba dapat ay matuto tayong makuntento sa buhay? Kung ano ang natanggap mong para sa iyo ay dapat na ipagpasalamat natin iyon sa Diyos maliit man o malaki. Hindi ka dapat kumukuha ng mga bagay na hindi sa iyo. Sa ginawa mong yan, nawalan tuloy ng cupcakes ang mga kapatid mo. Huwag mo ng uulitin iyon anak." Malumanay na wika ni Sister Elena. Napayuko ako sa mga pangaral nya sa akin. Nahihiya ako sa nagawa kong kasalanan sa mga kapatid ko. Mula noon ay natuto na akong makuntento at magpasalamat sa lahat ng biyayang natatamasa ko. Hindi na rin ako kumukuha ng mga bagay na hindi sa akin, bagkus ay natutunan ko pa ang magbigay. Ang mga kapatid kong mahal na mahal ko kahit hindi kami magkakadugo ay sina Rocky, Axel, Jet, Grayson, Eryx at Jethro na ni sa hinagap ay hindi namin alam na mabubuo ang Bullet Proof Boys na magiging tanyag balang araw. Mula pagkabata ay kami na ang magkakasama. Hindi ko maisip ang buhay ko kung wala sila. Kahit magkakaiba kami ng mga ugali ay tinanggap namin ang bawat isa dahil wala nang aagapay sa amin kundi ang aming mga sarili lamang. Si Sister Elena ang tumayong ina namin sa loob ng bahay ampunan. Pakiramdam ko nga ay mas minahal ako ni Sister kaysa sa tunay kong ina. Nariyan lagi si Sister sa lahat ng kaganapan ng buhay ko. Sa tuwing magkakasakit ang bawat isa sa amin ay wala syang tulog at pahinga maalagaan lamang kami. Mahal na mahal ko si Sister Elena, hinding hindi ko ipagpapalit ang pagmamahal nya sa kahit na sinoman sa mundo. Kamusta na kaya si Sister? Sana ay hindi pa rin nya kami nalilimutan. Hindi na rin kami nakadalaw sa bahay ampunan simula nang maging abala kami sa aming mga karera. Kapag may pagkakataon ay gusto kong dumalaw muli sa Home of Dreams. Hindi sapat ang perang ibinibigay namin sa mga batang naroroon ngayon. Mas gusto ko silang dalawin at kamustahin ng personal. Balang-araw ay dadalaw muli ako sa Home of Dreams. Balang-araw ay kakamustahin ko ang aking tumayong ina na si Sister Elena. --- Nagpapahinga na kami ng mga kapatid ko sa isang Hotel, pagkatapos ng aming pangmalakasang concert na naganap sa Golden Stadium dito sa Singapore. Nakahiga ako sa isang napakalambot na sofa habang ang mga maiingay kong kapatid ay abalang nag-aasaran. "Mas grabe talaga itong si Hunter, yung sexy Soldier sa harapan, talagang inalayan nya ng sexy dance at may pakindat-kindat pa." Biro sa akin ni Axel. Ngumisi lang ako sa kanila at ipinagpatuloy ang pagscroll sa cellphone ko. Kilala talaga nila akong naghahanap ng mga magaganda at sexy girls sa concert. Mahilig akong magpacute sa kanila upang lalo kong mabihag ang kanilang mga puso. Hanggang ganito lang naman ang kaya kong gawin. Hindi kami maaaring magkaroon ng love life dahil sa namamayagpag naming karera. Kaya wala talaga akong panahon para sa pag-ibig na yan. Wala pa rin namang nakakakuha ng atensyon ko. Hindi ko alam kung ano ang feeling ng isang in love. Hindi ko na nga yata mararamdaman pa dahil sa sobrang abala namin sa aming mga karera. "Tigilan mo na ang pagpapacute sa mga sexy girls, alam mo naman na grabe kung magselos ang Soldiers natin. Dapat pantay pantay ang trato natin sa kanilang lahat." Wika ni Rocky, na syang leader at kuya ng aming grupo Matipid lang akong tumango sa kanya. Muling umingay ang buong kwarto dahil sa pagkukulitan ng iba kong mga kapatid. Samantalang tinapik naman ni Jet si Rocky. "Wow, ikaw nga eh. Hinalikan mo yung isang Soldier na may sakit. Tanda mo pa? Dapat lahat ng Soldiers natin halikan mo rin." Pang-aasar ni Jet kay Rocky. Napalingon ako sa kanilang dalawa. Alam kong matindi ang hinatid na sakit at pait ng pangyayaring iyon kay Rocky. Nasaksihan ko na parang nagkaroon ng lungkot ang mga mata ni Rocky dahil sa pagpapaalala ni Jet. Napakadaldal naman kasi ni Jet. Hindi na dapat nya pinaalala si Aela. Ang una at huli na yatang babaeng mamahalin ni Rocky. "Espesyal na Soldier si Aela kaya nagawa iyon ni Rocky. Saka hindi naman na naulit iyon eh. Huwag ka nang mang-asar Jet." Wika ko Tinapunan ako ni Jet ng unan at lumipat sya sa pwesto nina Eryx at Jethro na naglalaro ng mobile games. Nilapitan ko si Rocky at hinimas ko ang kanyang likuran. Alam ko ang pinagdaanan nyang sakit dahil sa pagmamahal nya kay Aela. Ang sakit siguro sa puso na hindi mo nakasama ang taong minahal mo ng sobra. Kaya nga parang natakot na din akong magmahal dahil sa mga pinagdaanan ni Rocky. Nasaksihan ko kung gaano kasakit para sa kanya nang mahalin nya si Aela. Kaagad akong tumayo at nagtungo sa isa pang silid. Gusto kong maglibang ngayong gabi. Gusto ko munang mapag-isa. Nagsuot ako ng itim na face mask at shades. Isinuot ko rin ang jacket na may hood upang itago ang aking pagkatao sa mga tao sa labas. Paglabas ko ng kwarto. "Oh saan ka pupunta?" Pag-uusisa ni Grayson Tumingin pa akong muli sa salamin upang ayusin ang hood na suot ko. "Magliliwaliw lang." Maikli kong sagot Kaagad na akong lumabas ng aming silid. "Mag-ingat ka. Baka dumugin ka ng mga Soldier sa oras na malaman nilang ikaw yan." Paalala ni Rocky Nagthumbs up ako sa kanila at tuluyan na akong umalis. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at bigla na lang akong umalis mag-isa. Gusto ko lang talagang mapag-isa ngayon at lumayo sa makukulit kong kapatid. Nagpunta ako sa City Square Mall upang maglakad-lakad. Kahit saang sulok ng mall na ito ay makikita ang mga tarpaulins at pictures ng aming grupo. Iba na  talaga  ang narating ng Bullet Proof Boys. Nasaksihan ko pa ang ibang mga kabataan na halos magkagulo sa Life Size standee namin na nakalatag sa gitna ng mall. Natutuwa ako habang pinagmamasdan sila na halos yakapin at halikan ang mga standee. Ganito talaga kami kamahal ng mga Soldiers. Kung pwede ko lang silang yakapin lahat upang ibalik ang pagmamahal ko sa kanila ay gagawin ko. Kaya lang, sa sobrang dami nila ay parang imposibleng mangyari ang mga ito. Naglakad muli ako sa malawak na City Square mall at napadaan ako sa isang store na nagbebenta ng mga Merch ng aming grupo. May mga slippers na may logo ng Bullet Proof Boys. May mga t-shirt, pillows, tumblers, Bullet Proof Dolls at maraming iba pa. Nakakatuwa dahil kahit napakamahal ng mga merch na ito ay hindi nagdadalawang isip ang mga Soldiers namin na bilhin ang mga ito. Ngunit ang gawain ng ibang Soldiers ay ang tanging binibiling merch  ay sa iniidolo nilang miyembro. Naiintindihan namin ito dahil hindi naman lahat ay kayang-kaya bilhin ang pitong magkakaparehas na merch. Kaya ang iba, kung sino ang pinakaidolo nila sa aming pito ay iyon lang ang bibilhin nilang merch. Habang naglilibot ako sa buong store ay napansin ko ang isang napakasexy na babae na may hawak na basket. Mukhang madami na syang pinamili. Napukaw nya ang atensyon ko dahil talagang napakalakas ng  alindog nya na kahit sinong lalaki ay mapapalingon sa kanya. Ngunit habang papalapit ako sa kanya ay tila namumukhaan ko ang babaeng iyon. Nang tumapat ako sa kanya at nagkunwaring pumipili sa mga t-shirt ay nasaksihan ko ang kagandahan  ng kanyang mukha. Napangiti ako. Kilalang kilala ko sya. Hindi ako maaaring magkamali. Gustong-gusto ko ang mga mata nya na napakapungay. Ang matangos nyang ilong at mapupulang mga labi na syang nagbibigay ng kakaibang kilig sa pagkatao ko. Sya si Miracle Lewis na miyembro ng Sexy Kittens. Lihim ko syang pinagmasdan. Halos mapuno ang basket na dala nya sa dami ng mga merch na pinili nya. Lalong kumalabog ang puso ko nang mapansin ko na puro merch ko pala ang nasa basket nya. At huminto naman sya sa mga pillows at doon sya natagalang pumili. Lihim akong napapangiti habang tinitignan ko sya. Nalilito sya kung iyong red or purple na kulay ang pipiliin nya na parehong may print ng gwapo kong mukha. Sa huli ay dalawang unan ang inilagay nya sa kanyang basket. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito kaligaya sa puso ko. Parang mag-isang tumatalon ito sa loob ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman kong ito pero masasabi ko na napakasaya ko. Ang isang Miracle Lewis ay iniidolo ako? Halos lahat ng merch ko sa store na ito ay kanyang binili? Wow! Inililihim nya ba sa iba ang paghanga nya sa akin dahil natatakot syang mabuking ng mga Soldiers? Alam nya rin na napakaselosa ng mga Soldiers namin. Kakaibang kaligayahan ang idinulot ng nalaman kong ito. Simula nang magkrus ang landas namin ni Miracle ay hindi na sya nawala sa isipan ko. Wala akong pinagsabihan tungkol sa nararamdaman ko. Basta ang alam ko lang ay may kakaibang nararamdaman ang puso ko para sa kanya na ngayon ko lang nadama buong buhay ko. Napakaespesyal ni Miracle sa akin, at simula noon ay lihim ko na syang sinubaybayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD