Miracle
"Hoy! Wag mong sabihin na in love ka na rin sa Hunter na 'yon huh?"
Napaangat ang balikat ko sa sigaw sa akin ni Amber. Nakatanaw kasi ako sa malayo habang nakaupo sa balcony egg chair at umiinom ng milktea. Hindi ko na nga napansin na dumating sya eh. Nalunok ko tuloy ng buo yung pearls sa iniinom kong oreo cheesecake milktea dahil sa mga nabanggit nya.
"Ano bang sinasabi mo? Paano ako magkakagusto sa mayabang na yon? Nakakainis sya noh!" Pagmamaktol ko sa kanya
Tinaasan lang ako ng kilay ni Amber at naupo sa silyang nasa harapan ko.
"Mabuti naman. Hindi ka na mapakali mula nang matapos ang awards night kagabi. Hindi mo na nga naisauli ang coat na ipinahiram sayo ng Hunter na iyon." Sabi ni Amber
Inilihis ko ang tingin ko kay Amber at muli kong pinagmasdan ang kagandahan ng kalangitan. Lalo lamang sumisikip ang dibdib ko sa tuwing maaalala na hindi namin nasungkit ang Best Pop Group of the Year kagabi. At ang nakakuha nito ay walang iba kundi ang kinaiinisan kong Bullet Proof Boys.
Sila na naman ang itinanghal na Best Pop Group.
Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung kailan kaya namin matatalo ang mga lokong iyon? Kahit masama ang maingggit ay iyon talaga ang nararamdaman ko. Gusto kong sumikat hindi lamang dito sa bansang ito, kundi pati na rin sa buong mundo. Gaya ng kasikatan ng Bullet Proof Boys na sikat saang sulok man ng mundo. Sana, marating din namin ang kung anuman ang naabot nila. Pero wala eh, nauunahan na kami ng mga mayayabang na iyon.
"Oh, pampawala ng stress." Sabi ni Amber
Iniabot nya sa akin ang isang box ng mga tsokolate na syang paborito ko. Kahit nakakataba ang mga tsokolate ay hindi ko pa rin ito mahindian.
Kumuha ako ng isa at kaagad na tinikman ito. Kakaibang ligaya talaga ang dulot sa akin ng mga tsokolate.
"Hey! Hey! Alam nyo na ba ang latest sa ibon?" Biglang sulpot ni Charlotte hawak ang cellphone nya
Kasama nyang dumating si Melody at naupo silang dalawa sa wooden bench na inuupuan din ni Amber.
Kunot noo ko silang pinagmasdan. Parang may malaking balita syang nasagap sa pagkakasigaw nya kanina.
"Si Hunter nagpost sa Facegram." Nasasabik na sambit ni Charlotte.
Nirolyohan ko ng mata si Charlotte at napabuga ako ng hangin. Walang kakwenta kwenta naman pala ang dala-dala nyang mensahe.
"Huh? Wala kaming pakialam dyan ni Amber, akala ko naman kung ano na." Sabi ko
Napasandal ako at muling humigop sa milktea na hawak ko.
"Ah wala pala ah. Eto lang naman ang tweet nya!" Sambit ni Charlotte
Iniharap nya sa amin ang kanyang cellphone at ipinakita ang mensahe ni Hunter sa facegram.
Hey sexy girl, do you like my coat? Pwede bang ibalik mo na? Hehe
Parang nag-akyatan ang lahat ng aking dugo papunta sa utak ko. Anong ibig sabihin ng tweet nya? Binabawi nya agad ang coat? Ang kapal ng mukha nyang ipagkalat pa yon sa social media account.
Wala naman akong interes sa coat na iyon kahit mamahalin pa 'yon.
"Ang lalaking iyon! Sinasagad nya talaga ang pasensya ko. Ipapakain ko sa kanya ang coat nya!" Galit na sambit ko sa kanilang lahat
"Bakit ka ba galit na galit kay Hunter? Sa tingin ko, wala naman syang masamang intensyon?" Malumanay na wika ni Melody
Tumango ng ilang ulit si Charlotte at alam kong sumasang-ayon sya sa mga sinasabi ng pinakamabait naming kagrupo na si Melody. Aba! Nakakuha sya ng kakampi ngayon?
"Mayabang at mapang-asar kasi ang Hunter na iyon!" Biglang wika ni Amber
Nakakuha naman ako ng simpatya mula kay Amber. Katulad ko ay malaki din ang inis nya sa lalaking iyon.
"Mayabang na bang matatawag kung pinahiram ka nya ng coat para hindi ka makitaan sa awards night kagabi. Kung sa akin nya ginawa iyon talagang mahihimatay ako sa kilig. Sana yung dress ko na lang ang nasira kagabi para ako ang pinahiram nya ng coat." Sambit pa ni Charlotte na mas kinaiinisan ko.
Napahalukipkip ako sa kanyang harapan at inarkuhan ko sya ng kilay.
"Mas gugustuhin mo pang masira ang dress mo para lang mapansin nya? Baliw ka na talaga!" Sigaw ko
Walang humpay na bangayan na naman ang naging eksena namin ni Charlotte dahil sa Hunter Nixon na iyon. Lagi na lamang namin syang pinagtatalunan. Sinisira nya ang buhay ng bestfriend ko!
"Nag-aaway po ba kayo?"
Parang tumigil ang oras ng marinig namin ang tinig ng pitong taong gulang kong kapatid na si Angel. Napalingon kaming lahat sa kanya. Yakap nya ang kanyang unan na may print ng mukha ni Hunter.
Isa syang certified Soldier sa murang edad at ang kanyang iniidolo ay si Hunter Nixon.
"No, baby. Napalakas lang ang boses ni ate. Nagising ka ba namin? Sorry po." Malambing na wika ko
Naglakad sya patungo sa akin at inalayan nya ako ng isang masarap na yakap. Kami na lang ang magkaagapay sa buhay ng kapatid ko. Wala na kaming mga magulang at mag-isa ko syang itinataguyod upang mabigyan ng magandang buhay. Kaya ganun na lamang ang pagsusumikap ko na maabot ang matagal ko nang pangarap, ang sumikat din sa buong mundo at maabot ang rurok ng tagumpay kagaya ng Bullet Proof Boys.
"Oo Baby, wala namang nag-aaway sa amin. Pinag-uusapan nga namin si Hunter eh, kasi love na love din sya ng ate mo. Di ba Miracle, super love at gustong gusto mo ang idol naming si Hunter?" Mapang-asar na wika ni Charlotte.
Pinanlakihan ko sya ng mata. Alam na alam nyang kailangan kong magsinungaling sa harapan ng kapatid ko. Ayokong masaktan ang damdamin ni Angel kapag nalaman nya na ang iniidolo nyang si Hunter ay mortal kong kaaway.
"Talaga ba ate? Love na love mo pa rin si Hunter?" Maamong tanong ng kapatid ko
Napangiwi ako sa tanong nya. Kailangan ko na namang magsinungaling para sa kapatid ko.
Tumango ako sa harapan ng kapatid ko at may pilit na ngiti para sa kanya.
"Uhmm. O-oo n-naman love ko si Hunter." Halos masuka ako sa sinasabi ko sa kapatid ko, pero wala akong magawa dahil ayokong saktan ang damdamin nya.
At ang loka-lokang si Charlotte ay hindi mapigilan ang tawa sa akin. Kaagad kong nahablot ang buhok ng bestfriend ko dahil sa sobrang inis ko sa kanya.
"Aray! Angel oh, mukhang napipilitan lang ata ang ate mo oh. Hindi nya talaga love si Hunter." Dagdag na pang-aasar pa ng babaeng 'to. Mas pinanlakihan ko sya ng mata.
"Atee??" Galit na tono ng kapatid ko
Mas lalo kong niyakap ang kaptid ko. Ayokong masira ang aking imahe sa kanya.
"Huwag kang maniwala sa ate Charlotte mo, nang-aasar lang yan. Maniwala ka sa akin. Love na love ko kaya si Hunter. Kaya nga ang dami mong merch na puro mukha nya di ba? Si ate lahat ang bumili ng mga iyon di ba? Para happy ka." Sabi ko sa kapatid ko
Ngumiti ang kapatid ko at yumakap pabalik sa akin.
Nagtagumpay si Charlotte ngayon dahil sa presensya ng kapatid ko. Kapag nariyan si Angel ay kailangan kong magpanggap na mahal ko rin si Hunter at hindi ako dapat magsalita ng masamang bagay tungkol sa mayabang na iyon.
"Very good naman pala si Ate eh." Sambit na naman ni Charlotte
Nairita na yata si Amber kaya kinaladkad nya si Charlotte sa tabi nya at tinakpan na ang kanyang bibig. Mabuti na lang at may isang Amber ang kaagapay ko para kamuhian din ang Hunter na iyon.
"Ate, yung coat daw na nakasabit doon sa cabinet mo, kay Hunter daw iyon. Pwede ba na akin na lang?" Tanong ng kapatid ko
Napasulyap muli ako kay Charlotte dahil pati iyon ay binanggit pa nya sa kapatid ko? Nakakainis na talaga sya.
"Ate, please sa akin na lang?"
Nagmamakaawa na tuloy ang kapatid ko sa akin.
Hinimas ko ang kanyang buhok.
"Angel, hindi pwede eh. Kinukuha na nga ni Hunter ang coat nya. Bibilhan na lang kita ng ibang merch ni Hunter. Gusto mo ng slippers?" Tanong ko
Umiling ang kapatid kong si Angel. Ibig sabihin ay ayaw nya ng ibang gamit, tanging ang coat ni Hunter ang gusto nya. Naloko na!
"Ate, kapag ibabalik mo na ang coat da kanya sasama ako sayo, ako ang magsasabi kay Hunter na sa akin na lang ang coat nya." Banggit pa ng kapatid ko
Lalong naningkit ang mga mata ko kay Charlotte. Nag-peace sign lang ang loka-loka sa akin. Kung anu-ano ang mga sinasabi nya sa kapatid ko kung kaya't lalo itong nahuhumaling kay Hunter.
Dahil hindi ko matanggihan si Angel ay agad kaming nakipagkita kay Hunter at tinupad ko ang hiling nya. Labag man sa loob ko ay gagawin ko para sa kapatid ko.
Nakipag-ugnayan kami sa manager ng Bullet Proof Boys para magkaroon ng appointment sa kanila. Dahil sa kilala rin naman ang aming grupo ay hindi kami nahirapang magkaroon ng appointment kay Hunter.
Tatlo lamang kami nina Charlotte at Angel ang nakipagkita sa mayabang na Hunter Nixon na iyon. Gusto ko lang pagbigyan ang kapatid ko.
Nakipagkita kami sa kanya sa isang pribadong restaurant sa BGC. Ang restaurant na ito ay eksklusibo lamang para sa mga sikat na artista na gusto ng privacy.
Nauna kami sa restaurant. Naupo na kami nina Charlotte at Angel sa table na nakalaan para sa amin upang hintayin si yabang. Kinakabahan ako. Ngayon ko lamang makakaharap ng personal ang isang Hunter Nixon.
"Ate, pakihawak nga ang Hunter doll ko. Pupunta lang kami ni Ate Charlotte sa C.R." wika ng kapatid ko
"Okay baby." Malambing kong wika
Nagtungo na sila ni Charlotte sa C.R at naiwan akong mag-isa sa table.
Tinignan ko ang Hunter doll nya. Sa sobrang inis ko ay inginudngod ko ang doll sa mesa. Naiinis kasi talaga ako sa Hunter na iyon. Pati ang manika tuloy ay napagdiskitahan kong saktan.
Bigla kong naalala ang kapatid ko. Malulungkot iyon kapag nalaman nyang pinahirapan ko ang Hunter doll nya. Huminga ako ng malalim.
Kaagad kong niyakap ang doll at hinimas ang mukha nito.
Walang anu-ano'y hinalikan ko sa pisngi ang Hunter doll. Humingi ako ng tawad sa manika. Mistula na akong nababaliw sa ginawa ko. Nakapikit ang aking mga mata at taimtim na humingi ng tawad sa kanya. Hindi ko pa rin inaalis ang pagkakahalik ko sa manika dahil pakiramdam ko ay hindi pa rin nya ako napapatawad.
At nang imulat ko ang mga mata ko...
Laking gulat ko nang nakaupo na sa harapan ko si Hunter Nixon at nakangiti syang pinagmamasdan ako. Nakapalumbaba sya sa may mesa at tila nasisiyahan syang pinapanuod ako habang kahalikan ko ang doll na kawangis nya.
Parang uminit ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Kitang-kita nya ang ginawa kong paghalik sa Hunter doll ng kapatid ko. Hindi nya alam ang totoong nangyari. Nakakainis talaga!
"Salamat naman at inaalagaan mo ang Hunter doll. Hindi ko alam na idol mo pala ako." Mayabang na tinig ni Hunter
Nagsalubong ang kilay ko sa kanya. Padabog kong ipinatong ang Hunter doll sa mesa.
"Sa kapatid ko yan. Hindi yan sa akin." Sabi ko
"Pero hinahalikan mo?" Mapang-asar na sambit nya
Maya-maya pa ay...
"Love na love ka kasi ni Ate Miracle kaya nya siguro hinalikan ang doll ko."
Napalingon ako sa aking likuran at nakatayo na roon sina Angel at Charlotte. Hindi na ako makaalis sa sitwasyong ito. Nabulgar kay Hunter na malaki ang paghanga at pagmamahal ko sa kanya kahit isa lang itong malaking kalokohan.
"Wow, thank you Miracle. I can't believe that you are my biggest fan." Sabi ni Hunter
Napahawak ako sa aking batok at gusto ko na lang tumakbong palayo sa kanila.
"Hi! I'm Charlotte. Isa rin ako sa umiidolo sayo. Grabe, mahal na mahal kita Hunter."
Hindi nahiya ang kaibigan kong si Charlotte na isiwalat ang totoo nyang damdamin para sa kaharap namin. Baliw na talaga!
"Yes, I know you. Thank you talaga sa inyo na walang sawang sumusuporta sa amin, lalo na sa akin." Sabi pa ni yabang
Napatingin sya sa kapatid ko.
"Hi, you are so pretty naman baby girl? What's your name?" Malambing na wika ni Hunter
Nilapitan sya ng kapatid ko. Kinalong sya ni Hunter at mahigpit na niyakap. Sa pagkakataong ito ay may humaplos sa aking puso. Nararamdaman ko na malapit sa mga bata si Hunter at may totoo syang pagmamahal para dito. Kitang kita ko kung gaano kaligaya ang kapatid ko nang makaharap na nya ang kanyang iniidolo.
"I'm Angel, kapatid po ako ni ate Miracle." Sagot sa kanya ng kapatid ko
Pinupog sya ng halik ni Hunter at hindi natapos ang yakap na ibinigay nya para sa kapatid ko.
Kaagad ko namang pinutol ang lambingan nila ng kapatid ko. Nakikita kong masaya naman si Angel kaya siguro ay tama na iyon.
"May gusto lang kasing hilingin ang kapatid ko sayo. Pero kung hindi mo kayang ibigay ay ayos lang." Mataray na wika ko
Nakangiting tumingin sa akin si Hunter. Ang kanyang boxy smile ay tila nang-aakit at minamagnet ako. Napalunok ako dahil nakatitig sya sa mga mata ko.
Marahan kong inilihis ang tingin ko sa kanya.
"Angel, sabihin mo na sa kanya." Utos ko sa kapatid ko
Ibinaling naman ni Hunter ang kanyang tingin sa kapatid ko.
"Kuya Hunter, pwede po ba na sa akin na lang ang coat na ipinahiram mo kay ate?"
Nagkunot ang noo ni Hunter sa kapatid ko. Sandali syang natigilan sa sinabi ni Angel.
Sabi ko na nga ba eh, ipagdadamot nya ang coat. Mas mahalaga ang coat na iyon sa kanya kaya hindi nya pwedeng ibigay sa isang fan.
"Ayos lang kung hindi mo kayang ibigay. Charlotte pakibigay na ang coat sa kanya." Mataray na wika ko
"Ay, sayang naman." Banggit naman ni Charlotte
Biglang ngumisi si Hunter sa aming lahat. Ano ba ang ipinapahiwatig nya?
"Seriously? Nagpapaalam ka pa sa akin na ibigay ko sa kapatid mo ang coat ko? Ofcourse pwedeng pwede kong ibigay sa napakagandang si Angel ang coat ko." Sabi ni Hunter
Inarkuhan ko sya ng kilay.
"Eh, di ba nagtweet ka na ibalik ko sayo ang coat mo?" Sabi ko
Humagalpak sa tawa si Hunter na mas lalong ikinagalit ko. Pinagtatawanan nya ako?
"Sineryoso mo ang tweet ko? Gusto ko lang magpapansin sayo, at nagtagumpay nga ako. Napansin ako ng isang Miracle Lewis." Wika ni Hunter
Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko sa mga sinabi nya. Si Charlotte naman ay panay ang hampas sa braso ko dahil sa kilig.
Muling ibinaling ni Hunter ang atensyon nya sa kapatid ko.
"Sayong-sayo na ang coat ko baby girl. Alagaan mo iyon ha." Bulong nya sa kapatid ko.
Nakamasid lamang ako sa kanila habang pinapanood kung paano alagaan at lambingin ni Hunter si Angel.
Sa pagkakataong ito, ibang Hunter Nixon ang aking nasilayan. Malayong malayo ang pagkatao nya sa Hunter na kinaiinisan ko.
Lihim akong ngumiti habang pinapanood ko silang dalawa. Hindi ko alam, pero gusto ko ang kaharap kong Hunter ngayon. Wala nga lang akong ideya kung hanggan kailan ito, mas lamang kasi ang galit ko sa kanya dahil sya ang matindi naming karibal sa industriya .