I cooked us dinner. Tahimik kaming dalawa na kumain. Hindi pa rin siya nagpapalit ng damit. Wala rin siyang extra dito sa condo dahil pinaligpit niya iyon nang dumito ako. He offered to wash the dishes after we ate which I refused. Hindi na siya nakipagtalo pa. I know he’s tired. Malayo ang naging byahe niya. Gusto ko siyang magpahinga o umuwi para maiwasan ko siya. Hindi ko na kasi maintindihan pa ang sarili. My heart just kept on betraying me as seconds passes. Sa tuwing malapit siya, tuwing naririnig ko ang kaniyang mahinahon na boses, at kapag nagtatama ang aming tingin ay para akong sasabog sa kaba. “Pahabol itong baso...” Nabitawan ko ang sponge nang naramdaman siya sa aking likod. Ramdam ko ang kaniyang mainit na hininga sa aking batok. Napakislot ako roon. He chuckled. “

