"Where were you?" My eyes squinted. Umupo siya sa tabi ko. Sa dulo ng couch at nakangisi lang sa akin. He doesn't have any idea how worried I was since last night but I didn't make it obvious. Bigla na lang umaalis! Ni isang text ay wala man lang akong natanggap. Kahit sa magulang niya ay hindi man lang nag-abiso kung saan siya pupunta. I rolled my eyes at him. Umaga pa lang ay abot langit na ang irita ko. Kay Flynn pa lang, naiinis na ako. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na babaan siya ng tawag. I even told him about Marcus. Well, he doesn't care. Ngayon na alam niyang si Marcus iyon, ano ang gagawin niya? Wala. He didn't pay that much attention to me. Na medyo hindi ko nagustuhan. It affects my self-esteem. Am I not interesting enough? Do I bore him out? Knowin

