WMTS 21

1064 Words
"A-ay Oo! May gagawin pa pala ako Tony sige mauna na ako ha!! Bye!" At nagmadali akong umalis. I just feel something strange. Yong parang Tugdug tugdug.  What's that? Ngayon ko lang naramdaman yon, yong kakabahan ka bigla, yong matitigilan ka nalang pag nakikita mo yong ngiti niya, yong mapapatitig ka nalang sa labi niya pag nagsasalita siya, yung naiinis ka pag may iba siyang kausap o kasama. All are strange, ewan ko ba! Ngayon ko lang naramdaman to lahat! Hindi naman nakakamatay to diba? Hindi na ako bumalik sa restaurant at naglakad papunta sa malapit na mall. I was surprise ng makita ko si Rex na may kasamang girl, oooh! "Rere! Hoy, long time no see.." nanlaki naman ang mata niya ng makita ako at bigla niya akong hinila palayo don sa kasama niya. Nagkataon kasi, bago ko siya tawagin umalis yong girl at tumingin sa mga damit. "L-lala, what are you doing here?" Bumusangot naman ako sa klase ng tanong niya. "Parang ayaw mo naman akong makita niyang tanong mo, tsaka mall to no! Alangan namang ikaw lang ang nandito, ano to reservation?" Nagaalangan naman siyang ngumiti sabay may patingin-tingin pa sa kinaruruonan nong babae niyang kasama. "No. Masaya nga akong makita ka pero sobrang wrong timing Lala eh, pwedeng sa susunod na araw nalang? Promise babawi ako. Ha?" Tumango tango naman ako at ngumiti na siya na maluwag sa kalooban niya. "Marami kang e kukwento sakin tandaan mo yan! Sige bye baka mahuli tayo ng girlfriend mo." Mag poprotista pa sana siya pero agad na naglakad ako paalis. "Rex! Anong ginagawa mo dito! Tara na nga!" Lumingin ako saglit at nakita kong napakamot si Rere. Hhm! Maggagabi na ng mapagpasyahan kong umuwi, nag enjoy kasi ako sa paglalaro sa WOF. Nag withdraw kasi ako dahil nong isang araw pa yong sweldo ko, at dahil nagenjoy nga ako kaya ginabi na ako ng uwi. Pumasok na ako sa unit ko at pagkasara ko nito, eksaktong pagharap ko may biglang sumunggab sa mga labi ko. O_O "Where have you been? Kanina pa ako dito." Sabi niya at hinalikan na naman ako ulit. "G-galing a-ako sa mall." Nauutal na sabi ko habang nagtitigan kaming dalawa. Pano siya nakapasok sa unit ko? Nandito na naman yong  strange thing na nararamdaman ko. Yong kaba na bigla nalang nahdadagundong yong puso mo! Basta! Hindi ko ma explain yong nararamdaman ko. "Kae!" "H-ha?" Nabalik naman ako sa realidad ng tawagin ako. "I said, have you eaten yet?" Umiling naman ako at hinawakan niya ang kamay ko sabay hila papuntang dining table. "Good, dahil nagluto ako. Wala kasi akong magawa dito kanina kahihintay sayo kaya nagluto nalang ako." Pinaupo naman niya ako at siya na ang nag serve ng pagkain sa pinggan ko. Ang bango ng kaldereta. Hmm! "How's it taste?" Tanong niya ng nginuya ko na. "Woaw! Ang sarap ha inferness.." sabi ko at maganang kumakain. "Syempre, magtatayo ba ako ng restaurant kong hindi ako magaling." Pagmamalaki pa niya kaya pinantaasan ko siya ng kilay. "Hindi na pala masarap." Bawi ko sa sinabi ko at mas kinalawak pa ng ngiti niya. "Oo nga eh, kahit nakakalahati mo na ang kinakain mo." Napatingin naman ako sa pinggan ko at napatikhim naman ako. "Baka wala lang akong choice, kundi kainin to." Sabi ko pa at nakangiti lang siya habang umiinom ng tubig. Itong lalaking to, hindi ko maintindihan. Noon, ang sungit-sungit na dinaig pa may PMS na babae tapos ngayon ito parang aso sa bait. Hhmm! "May ginawa ka bang hindi maganda?" Pang eechos ko. "Wala naman bakit?" Tama ba yon? Yong tanong sinagot din niya ng tanong? Galing! -_- "Wala. Ang bait mo kasi, nakakapanibago lang. Noon ang sungit-sungit mo, tss." Natigilan naman siya kaya napatingin ako sa kanya. "Oh! May nasabi ba akong hindi maganda?" Tanong ko at nananatiling nakatitig lang siya sakin. Dahil sa naiilang ako ay tumayo na ako agad at naglakad papunta sa kwarto ko. Pero pipihitin ko na sana ang doorknob ng hawakan niya ang kaliwang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "B-bakit?" -ako Ano bang nangyayari sa kanya? "Gusto mo ba ako?" *** Hindi ako nakatulog kagabi. At dahil rest day monday, nganga ako dito sa unit ko. Wala naman kasi akong mapuntahan, nakakatamad din gumala dahil mainit sa labas. But wait, I have a plan since no work ako ngayon, it'ssssssss  Bar time. "Gusto mo ba ako?" Natigilan naman ako sa tanong niya. Ano ang isasagot ko? "Ha? No. I mean. I dont know. I'm pretending as your girlfriend s***h fiance at hanggang doon lang yon diba? We're just. Pretending..." nabalot ng katahimikan ang tahimik naming paligid. He look disappointed. but he smile quickly. "Yeah, tama. Hanggang don lang yon, we are just Pretending..." bakit ang sakit marinig na nagpapanggap lang kami? Bakit ang sakit marinig pag sakanya na galing? We are just pretending. Aarrgg! Ano na naman ba ang problema ko!! Naiinis narin ako minsan sa sarili ko eh! I just wear a highwaist short black with matching red fitted sleeveless croptop, and a red lipstick. Nag lugay lang ako ng buhok, kinuha ko na ang black hells ko. Dingdong! Patakbo akong pumunta sa pinto habang sinusuot ang hells ko. "Bakit?" Tanong ko habang busy pa ako sa pag lock ng hells ko at hindi pa ako nakatingin sa taong kumatok sa pinto ko. "Ahem." Natigilan naman ako at mula paa tinignan ko ang lalaking nasa harap ko hanggang sa umabot ako sa mukha niya. "H-hi?" Nagsalubong naman ang kilay niya sabay namulsa. "Saan ka pupunta?" Napalunok naman ako sa tono ng boses niya, yong parang sinasabing 'hindi ka aalis'. "S-sa tabi tabi lang." "Ng nakaganyan? Don't fool me lady, saan ka pupunta?" Nakakainis naman ang taong to! "Lalabas! Alangan namang maggaganito ako tapos matutulog lang.." pamimilosopo ko at nagtiim bagang naman siya. "Hindi ka aalis." Matigas na sabi niya, kaya bumusangot ako. "Pati ba naman ikaw ayaw mong maging masaya ako? All my life my parents have been saying NO! DONT! Lahat nalang hindi pwede! Ano ba, please, pwede? Hayaan mo muna ako! Kasi maraming mga bagay ngayon na nangyayari sa sarili ko sa utak ko na hindi ko alam kong ano ang sagot!! Hindi ko na alam ang gagawin ko!" Sigaw ko sa kanya, totoo talaga pag galit ka imbes na hindi ka sa kanya nagagalit mapagbubuntunan mo talaga! At hindi ko rin alam kong bakit ako nagagalit! "Hindi ko rin alam ang gagawin ko..." natigilan naman ako ng may nakita akong luha na dumaloy sa mga pisngi niya. "T-tony? Bakit ka umiiyak?" Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at umiyak siya ng tuluyan. "M-my d-dad is.............. d-dead." Gulat ang nakapaskil sa mukha ko ngayon. Hinagod ko ang likod niya para maramdaman niyang nandito lang ako. "I'm just here Anthony, I'm just here...."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD