WMTS 20

1105 Words
"Goodmorning-" napatingin naman ako kay Mars. Nasa counter siya ngayon at nakaharap ako sa kanya habang nakatingin siya sa likoran ko. "Woy! Napano ka?" Nginuso niya naman ang likoran ko kaya dahan dahan na umikot ako para tignan ang tinuturo niya. O_O "A-ano yang s-suot mo?" Nagtatakang tanong ko sa taong nasa harap ko ngayon, imbes na kausapin ako sinagut niya lang ako ng ngiti. Naka uniform kasi siya ng pang casher, kaya siguro nagulat din si Mars. Sinundan ko lang siya ng tingin habang lumapit siya kay Mars at may binulong. "Thank you sir! Yes!" At dali-daling naglakad si Mars paalis sa counter at pumasok sa opisina ng mga employee. "A-anong nangyari?" Nakatingin kong tanong sa kanya habang tinuturo ang dereksyon na pinuntahan ni Mars. "Hi maam Goodmorning! I will be your casher for this whole intire day." Nakangiting sabi niya sakin habang, gulat ang nakapaskil ang pagmumukha ko ngayon. Siya? Casher? "Nasisiraan ka na ba?" Umiling lang siya at nakangiti parin. Ang sarap burahin ng ngiti niya -_- pinagtitinginan na kasi siya ng mga babaeng costumer. "Excuse me miss, bibili ka ba?" Napatingin naman ako sa babaeng halos ka edad ko lang yata. "Hindi." Sagot ko lang. "Ahh, bibili kasi ako. Excuse nga." Tinaasan ko naman siya ng kilay ng tumitig siya kay Tony. "Miss? Bibili ka? May bayad kasi ang titig dito samin, yung pagkain nalang ang titigan nyo, mabubusog pa ang mata nyo.." pagtingin ko sa kanya kay Tony nakangisi lang siya sakin kaya inirapan ko siya at pumasok na ako sa kitchen. "Beast mood teh?" Huminga naman ako ng malalim bago sagutin si Coleen. "Wala. May mga taong nakakabwesit lang talaga! Gaya ng Casher natin dyan!!" Naiinis na sabi ko habang ini-slice ang manok na lulutuin ko. "Si Mars?" Umiling naman ako. "Ha? Eh wala namang ibang Casher ah! Sino ang tinutukoy mo?" Tinignan ko naman si Coleen ng deretso sa mata. "Tignan mo nalang!" Mahinang sabi ko at nagkibit balikat lang siya. "Jerome paki slice nalang nong pork please, salamat.." sabi ko. Kararating niya lang at sa back door siya dumaan. Hindi naman niya naabutan si Coleen kasi pumunta ito sa labas para TIGNAN ang Kahero. Tss. -_- "Copy that!" Nag salute pa siya at ginawa na ang sinabi ko. Sunod-sunod ang mga orders ang dumating kaya puspusan ang pagluluto namin. Sinasabi ko na nga ba eh! Ang CASHER ang may kasalanan nito! "Hay, iba talaga pag ADONIS ang kahero, dinudumog ng mga bubuyog ang restau.." natawa naman ako sa term niya na bubuyog. "Sira! Adonis-adonis ka dyan, ang pangit nga non! Pft." Sabi ko, naiinis kasi ako ewan ko ba! Ang dami na kasing customer take note LAHAT BABAE! Magaling! -_- "Talaga? Yiiee. Selos kalang eh!" Anong selos-selos pinagsasabi nito! Duh! Ako? Magseselos? "Another Five orders of Pork sisig.." sabi nong taga kuha ng orders. Huhu helpppp. "Coleen, tulungan na kita." Sabi ni Jerome kay Coleen. Napatingin naman ako sa kanilang dalawa. Hhmm? Merong alam nyo na. "Wag pabebe Teh. Twenty first century na.." hindi ako tumingin sa kanya at sinigurado kong maririnig niya. "Che! Shatap ka nalang." Sagot niya naman na kinatawa ko. Lumabas ako sa kitchen at pumunta sa loob ng restau. At kahit hanggang ngayon, parang hindi nababawasan ang mga BABAENG bumibili. Tignan lang natin kong makakatagal ka sa pagkakahero mo diyan. "Thank you maam, come again." Inirapan ko naman siya ng tumingin siya sakin matapos niyang sabihin yon. Bakit prisentable parin siyang tignan? Yong para bang hindi siya nahihirapan. Arrg! Umupo ako sa gilid at pinanuod lang siya kong pano maging CASHER. At yong mga babae naman pag binabalik na ang sukli parang kiti-kiti pag nahahawakan ang kamay niya. -_- Panay din naman ang ngiti-ngiti niya. "Mapunit sana labi mo" Naiinis na sabi ko. "teh...kong nakakapatay ang titig, deads na yan ngayon." Napatingin naman ako kay Coleen. "Ha? Eh yong mga bumibili yong tinitignan ko ha, hindi siya!" Depensa ko pa at inismiran niya lang ako. "Defensive ka mo! Ang sabihin mo, SELOS NA SELOS ka na dyan! Haha!" At agad na umalis na parang demonyong tumatawa. Siraulo talaga! Tumayo nalang ako at bumalik sa kusina. Tony's POV I saw her stand walking upset. What's the irritating about? May ginawa ba akong mali? "Pogi, strawberry cake then ikaw ..." tinignan ko lang siya at nginitian. "I'm sorry maam but I'm not available, strawberry cake will do. " sagot ko at bumusangot lang siya. What's with the people right now? I know I'm handsome yah know? Well, I'm use to it anyway. After I gave her order. "Can you wait for a second maam? Just for awhile." Tumango naman siya kaya naglakad ako papunta sa office ni manager. Yeah! I also called him manager by the way. "Manager, asan na yong kapalit ko?" I ask when I barged in his office. "Kanina pa naghihintay na matapos ka, papupuntahin ko na." Tumangi naman ako at naglakad papunta sa kitchen. "Ow! Speaking of adonis here he is .." I saw kae and the lady she was with. "Anong ginagawa mo dito?" Naiinis na tono niyang sabi kaya I smile to her sweetly. "I-Im just here to know if your free, you know to have lunch?" Nagaalangang sabi ko. "Sorry sabay kaming magla-lunch ni Coleen-" the other lady cut her off. "Naku hindi, okey lang sir! Kayo nalang ang sumabay mag lunch tutal kasama ko naman ang friend ko." I smile to her at tumango. "So it's settled then." Mikaela's POV Galing~ Bigyan ng trophy tong magaling kong kaibigan! Galing talaga! Pinandilatan ko naman siya sa sinabi niya. "So it's settled then." Pinangtaasan ko naman siya ng kilay. "Who told you na pumapayag ako?" Napakamot naman siya sa batok niya. "Teh, wag nang choosy, parang awa mo na.. " isa pa tong Coleen nato! Teka nga! Bakit nga ba ayaw kong sumabay sa kanya? Bakit ako nagagalit, naiinis sa kanya? Wala naman siyang ginawa diba!? Baka gutom lang ako! "Ay teka, sige tara gutom lang siguro to diba teh?" Nagkibit balikat naman si Coleen. "Selos yan eh.." sinamaan ko naman siya ng tingin. Hinatak ko na si Tony palabas sa backdoor habang hindi niya pa natatanggal ang damit pang casher. Bahala siya dyan! Haha! * "Salamat nga pala sa lunch, sobrang busog na ako!" May thumbs up pa na kasali yan. Nasa likod kami ng kotse niya nakaupo at nakatanaw sa dagat. Medyo mahamog din eh, parang uulan. " What did I told you about saying thankyou?" Ops! Paktay! Ano nga ba? Hahaha! "Ha? Bakit? Hindi ko naman nakalimutan?" Nagtatanong kong sabi at pinanlisikan niya ako ng mata, yong pabirong nanlilisik. "Kong patuloy kang magsasabi ng Thankyou o salamat, pagbabayarin kita. Better sign or whatever just don't say it." Ay Oo nga pala! Naaalala ko na! "Alam mo bang hindi ko na mabilang ang Thank you mo sakin?" Sabi niya habang nakatingin sa labi ko, napalunok naman ako ng tinignan niya ako sa mata. "H-ha? E-eh ano naman ngayon?" Kinakabahang sabi ko at umusog ng kunti palayo sa kanya. "Iba kasi ako, maningil eh"  Makabuluhan niyang sabi, napalunok naman ako sa kaba. Iba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD