CHASING MY PROFESSOR EPISODE 46 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. NO CHOICE, makakasama ko si Gabriel ngayon pabalik sa Governor Generoso. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng kaba dahil hindi pa alam ng kanyang mga magulang na nagkabalikan kami ni Gabriel—ay! Wala na pala kaming dalawa… hiwalay na pala kami. Well, hindi pa nila alam na may something sa amin ni Gabriel. Hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanyang mga magulang at sa lahat ng mga Generoso. “Maraming salamat, Lulu. Thank you dahil sa samahan mo ako ngayon papunta doon sa probinsya ng Governor Generoso upang makasama ko ulit ang aking mag ina,” wika ng aking pinsan na si Caden. Ngumiti ako sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. “You’re always welcome, Caden. Alam mo naman na hindi kita matitiis, diba? Ayoko rin naman na mal

