CHASING MY PROFESSOR EPISODE 45 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. “YOUR cousin needs our help, Lucianna.” Napataas ako sa aking kilay at napatingin sa kanilang dalawa. At ano naman ang tulong na kailangan ni Caden sa akin? At bakit kasama si Gabriel?! Sino ba siya? Close ba sila ni Gabriel. Humakbang ako palapit kay Caden at hinawakan ko siya sa kanyang braso at hinila ko siya palayo kay Gabriel. “‘Wag ka munang maingay diyan! Kakausapin ko muna itong pinsan ko,” masungit ko na sabi kay Gabriel. Inirapan ko muna si Gabriel na kanina pa nakatingin sa akin bago ako humarap sa aking pinsan na si Caden at nagsalita. “Caden, ano na naman ang gulo na pinasok mo?” tanong ko sa kanya. Akala ko talaga ay si Alexis ang magdadala ng maraming gulo sa pamilya namin, pero ito palang si Caden ang toto

