CHASING MY PROFESSOR EPISODE 68 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. DAHIL sa natanggap muli namin na letter ni Gabriel ay hindi na muna niya ako pinapasok sa trabaho. Ayaw niya rin sanang pumasok sa kanyang trabaho pero finals na pala nila ngayon kaya kailangan niyang magpunta sa university dahil malalate ang mga students niya sa exams. Pinangako ko naman kay Gabriel na hindi ako lalabas sa condo unit ko. Hindi naman ako pinagbabawalan ni Gabriel na umalis, pero kailangan ko lang talaga na magpaalam sa kanya ng maayos bago ako aalis… kapag kailangan ko talagang lumabas. Hindi ko alam kung may lead na ba kami kung sino ang nagpapadala sa amin ng mga death threats. Walang sinasabi sa akin si Gabriel, pero lagi siyang may kausap sa kanyang phone. Kapag naman tinatanong ko siya ay iniiba niya ang us

