CHASING MY PROFESSOR EPISODE 67 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. PINAUBAYA ko na kay Gabriel ang pag iimbestiga tungkol doon sa nagpadala sa akin ng death note. Gusto ko sanang humingi ng tulong sa agency na pagmamay-ari ng Uncle Alexander ko pero may malaki rin silang problema ngayon. May malaking problema ngayon na kinakaharap ang pamilya namin at ito ay ang pagkawala ni Alessandra. Ang akala namin ay nagbabakasyon lang siya kasama ang kanyang boyfriend, pero sa kasamaang palad ay nakidnap na pala ito at ang lalaking akala namin ay boyfriend niya ay ang kumidnap pala sa kanya. Nilinlang ng lalaking iyon sila Tito Alec kaya galit na galit si Tito Alec at sobrang busy rin ng kanilang security agency. Ayoko naman na dumagdag sa kanilang problema at alam ko naman na kaya na namin ni Gabriel ang

