CHASING MY PROFESSOR EPISODE 66 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. HINDI mawala sa aking isipan ang natanggap ko na sulat kanina lang. Kanino ‘yun galing? Wala naman akong kaaway eh. Wala akong naalala na may nakaaway ako! Jusko… bakit ngayon pa na buntis ako? Natatakot ako na baka may mangyaring masama sa baby namin ni Gabriel. Nakauwi na ako sa aking condo unit galing sa trabaho. Hindi maalis sa aking isipan ang nabasa ko na sulat at dala-dala ko siya ngayon dahil ipapakita ko ito kay Gabriel. Kinakabahan ako kung ano ang mangyayari sa susunod at nagtataka ako at naguguluhan kung sino ang magpapadala ng klase ng liham na iyon sa akin. Wala akong kilala na may malaking galit sa akin na sisirain na lang talaga ang relasyon namin ni Gabriel. Sana ay isang prank lang ‘yun… kahit na sobrang pan

