CHASING MY PROFESSOR EPILOGUE “Anak, bukas na pala ang anniversary niyo ni Lucianna. Maayos na ba ‘yung pinaplano mo noon?” tanong ni Mama sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. “Yes, Ma. Nakahanda na po ang lahat. Si Lucianna na lang ang kulang.” Lumapit sa akin si Mama at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at nginitian niya ako. “I’m so happy for you, Gabriel. You deserve all of this dahil sobrang mapagmahal mo.” I kissed my mother’s forehead. “Thank you, Ma. Hindi naman ako magiging ganito kung hindi sa inyong pagpapalaki ni Papa sa akin,” sabi ko sa kanya at ngumiti. I hugged my mother and kissed her forehead again. Mag-iisang taon na kami ni Lucianna nung kinasal na kaming dalawa, pero civil wedding lang ang ginawa namin at hindi na sa simbahan dahil dagdag ga

