CHASING MY PROFESSOR EPISODE 75 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. NANGANAK ako sa gabing nag propose sa akin si Gabriel. Mabilis nila akong nadala sa hospital at normal delivery naman ako. Kasama ko sa loob ng delivery room si Gabriel at hindi niya ako iniwanan sa panganganak ko… sinamahan niya ako hanggang sa lumabas na ang aming healthy baby boy na kamukhang-kamukha rin ni Gabriel. His name is Luke Sebastian Greyson Coleman Generoso. Gabriel is the one who chooses his name. Wala naman akong problema sa pangalan ng anak namin dahil pati ako ay nagagandahan. Pinangalan niya ang anak namin sa aming mga ama… kay Daddy Luke at kay Papa Sebastian. Ang tawag namin sa kanya ay baby Grey. Kuhang-kuha lahat ni Greyson ang features ng mga Generoso. Ang lakas ng dugo ni Gabriel at kamukhang-kamukha tala

