CHASING MY PROFESSOR EPISODE 74 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. ISANG buwan din kami doon sa probinsya nila Gabriel sa Gov Gen at sa isang buwan ko na pagsa-stay doon ay mas naging close kami ni Mama Gabriella at pati na rin si Tita Amara na Mommy ni Oceania na palagi rin na nandoon sa pamamahay nila Mama Gabriella. Ngayon ay bumalik na kami dito sa syudad at malapit na rin akong manganak. Kabuwanan ko na ngayon at kailangan na naming maghanda ni Gabriel. Lumipat na rin muna kami dito sa bahay nila Mommy pansamantala. Nagpapagawa ngayon ng bagong bahay si Gabriel para sa aming pamilya at si Dad ang engineer. Libreng serbisyo ang binigay ni Dad bilang regalo na rin sa amin at sa aking panganganak. Hindi na rin muna kami doon sa condo unit ko tumira dahil nasa mataas na floor ang unit ko at hi

