CHASING MY PROFESSOR EPISODE 73 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. BAGO ako manganak sa aming baby ni Gabriel, nag-request na muna ako sa kanya na bumalik kami sa probinsya nila doon sa Governor Generoso. Namiss ko na rin ang simoy ng hangin doon sa probinsya at ang mga alon ng dagat.. Sobrang payapa. Na-approve na rin pala ang leave ni Gabriel sa kanilang university dahil tinakot niya ang dean na mag re-resign siya kapag hindi ito na-aprobahan. Si Gabriel kasi ang isa sa pinakamagaling na professor sa Northville International School at kahit na nakilala siya sa pagiging strikto niya ay marami pa rin na nagkakagusto sa kanya dahil sa angking nitong kagwapuhan. Para hindi kami mahirapan sa aming pagbabyahe ay isang private jet na pagmamay-ari ng pamilya ko ang aming ginamit papunta sa Mindanao k

