CHASING MY PROFESSOR EPISODE 72 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. “MA’AM Lucianna, nagpadala po ng flowers sa inyo at food si Sir Gabriel.” Natigil ako sa aking pagtatrabaho ng bumukas ang pintuan ng aking opisina at pumasok ang aking sekretarya na may dalang bulaklak at pagkain. Hindi ko mapigilan na kiligin ng marinig ko ang pangalan ni Gabriel. Pinadalhan na naman pala niya ako ng flowers at pagkain dito sa aking trabaho. “Pakilagay na lang sa bakanteng table, Julia. Thank you!” Mabilis naman na sinunod ng aking sekretarya na si Julia ang aking utos. Nagpaalam na ito sa akin ng mailapag na niya ang bouquet of flowers at mga pagkain sa may table at lumabas na siya ng aking opisina. Nang ako na lang dito sa aking opisina ay nagmamadali na akong lumapit sa may table kung saan nakalagay ang

