CHASING MY PROFESSOR EPISODE 71 WARNING: RATED SPG. READ YOUR OWN RISK. LUCIANNA’S POINT OF VIEW. TATLONG buwan na ang nakalipas ang malaki na rin ang aking tiyan. Alam na namin kung ano ang gender ng anak namin ni Gabriel at masaya kami na malaman na lalaki ang aming unang anak. Hindi pa kami nakapag-isip kung ano ang aming ipapangalan sa baby namin. Sa mga lumipas na buwan ay payapa na ang pagsasama namin ni Gabriel. Wala na ring dumadating na malaking problema sa amin. Iyong mga simpleng awayan at selosan lang naman at normal lang naman ito sa magkarelasyon. Patuloy pa rin si Gabriel sa pagiging professor niya sa Northville International School at alam na rin ng mga dati kong mga kaklase at ibang mga professors ang tungkol sa relasyon namin ni Gabriel at sa pagbubuntis ko. Hindi ni

