CHASING MY PROFESSOR EPISODE 49 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. NGAYON ay may hinandang salo-salo sila Tita Gabriella dito sa kanilang pamamahay dahil pupunta ang mga pinsan ni Gabriel dito… at isa na dito ay si Veronica kaya naghahanda na rin dito ang aking pinsan na si Caden. Wala silang kaalam-alam na nandito si Caden ngayon at naghihintay para kay Veronica. Na e-excite na ako sa pagkikita nilang dalawa. Alam ko naman na mahal ni Nica ang pinsan ko eh, at ganun din ang pinsan ko na si Caden sa kanya. “Pagkatapos nito, gusto mo bang mamasyal tayo sa isla?” Natigil ako sa aking pag iisip nang marinig ko na magsalita si Gabriel dito sa aking tabi. Napairap ako at tumingin sa kanya at tinaasan siya ng aking kilay. “Pagkatapos nito ay uuwi na rin ako sa Manila,” masungit kong sabi. Sumiman

