CHASING MY PROFESSOR EPISODE 48 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. SINAMAHAN na ako ni Gabriel papunta sa aking magiging kwarto dito sa bahay nila sa probinsya ng Gov Gen. Tahimik lang ako na nakasunod sa kanyang paglalakad ngayon at hindi talaga ako sumabay sa kanyang paglalakad dahil naiinis ako sa pagmumukha niya. Tumigil sa paglalakad si Gabriel kaya tumigil na rin ako. Humarap siya sa akin at napahawak siya sa magkabila niyang bewang at tinignan ako habang nakakunot ang noo. “Sandali nga… kanina ka pa tahimik. Pwede ko bang malaman kung ano ang problema, Lucianna?” tanong niya sa akin. Napataas naman ako sa aking kilay at humalukipkip habang nakatingin sa kanya. “Tinatanong pa ba ‘yan? I was supposed to go with my cousin! Doon dapat ako matutulog ngayon sa property namin, hindi dito sa

