Niyakap ako ng mahigpit ni Tin at Yara. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halo ang emosyon na bumalot sa katawan ko pero isa lang ang masasabi ko, masaya ako.Sandali pa ay nagpaalam na sila habang ako naman ay pumasok na sa loob ng hotel room. Nagkatinginan kami ni Aliah at parehas kaming ngumiti. Lumipas pa ang oras ay kailangan na naming umalis at pumuntang simbahan dahil paniguradong hinihintay na kami. May mga pagkakataon sa buhay natin na mararamdaman natin na para bang iniwan tayo ng lahat. Iyong parang sinaktan tayo pero hindi naman pala kasi ang nagkulang sa sarili natin ay iyong pagmamahal natin mismo sa mga sarili natin. Nang huminto ang sasakyan na sinasakyan ko sa tapat ng simbahan ay hindi ko maiwasan mamangha sa kung paano inayos at pinaghandaan itong

