Nakatingin ako sa field ng dati kong school noong highschool. Madami ang pinagbago pero kung may isa man ang hindi naglaho o nabago ay iyong pakiramdam ko at itong lugar na kinatatayuan ko, dito sa ilalim ng puno na palagi naming tinatambayan ni Adam noo. Humampas ang may kalakasan na hangin sa mukha ko kaya naman nilipad ang buhok ko papunta sa aking mukha. Hinawi ko ito at napahawak ako sa noo pero agad akong natigilan nang maalala na wala na nga pala akong bangs. Dinama ko ang ihip ng hangin habang pinagmamasdan ang ilang mga tao na dumadaan sa field. Nagkaroon ng reunion ang batch namin at inimbita ako. Hindi sana ako pupunta dahil busy ako sa Star Center pero nagawan ko naman ng paraan. "Psst! Ang ganda mo Ma'am." rinig kong tawag sa akin at nang lumingon ako ay nakita ko si Adam

