Kakaalis ko lang sa apartment ni Tin ngayon. Naglubta ako sa kanya para ipaalam na makakapagaral na ulit ako at hihinto na ako sa pagtatrabaho ko sa club. Nagpaalam na ako sa manager ko at pati na rin kay Gia na naging kaibigan at kasama ko sa club noong natatrabaho ako. Sakay ng taxi ay pabalik na ako sa apartment ko para ayusin ang mga gamit ko. Napagpasyahan ko kasi na tanggapin na ang alok sa akin ng mag asawang San Diego ang pagtita sa bahay nila. Noong una ay nagdadalawang isip ako pero naging buo ang desisyon ko nang makilala ko kahit papaano ang anak nilang si Aliah. Akala ko nga ay tulad sa mga napapanood sa TV ay mataray at maarte siya pero hindi naman pala. Siya na rin ang nagpumilit sa akin na tumira na sa kanila dahil gusto daw niya lagi akong kasama. Inilalagay ko na ang

