Pagbalik ko ng club ay inayos ko ang sarili na para bang walang problema at hindi man lang umiyak kanina. Ngumiti ako sa mga nakasalubong ko na mga katrabaho na ngayon ay nakabihisan na at naka make-up. Dumiretso ako sa isang kwarto kung saan nagaayos kaming mga babae. Nagpalit ako ng damit at nagsimulang maglagayao ng make up. Saktong paglagay ko ng lipstick ay tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko dito ay tumatawag si Adam. Dali dali naman akong lumabas ng club at pumunta sa lugar na walang ingay at tao. Bumuntong hininga ako at sinagot ang tawag. "I miss you Ma'am." paos ang boses ni Adam at halatang pagod siya. Ang paalam niya kasi noong isang araw ay may Fashion Week siyang dapat puntahan at mayroon pang photo shoot. "I miss you too Adam." sambit ko. "Sorry Pat kung hindi ako na

