Halos araw-araw kaming magkasama ni Adam. May pagkakataon na dito siya sa apartment ko natutulog pero minsan naman ay wala siya dahil sa trabaho. Sa tuwing dito siya sa apartment ko natutulog ay hindi ako nagtatrabaho pero kapag wala si Adam ay nagtatrabaho ako. Itinago ko muna sa kanya iyon dahil alam kong hindi siya papayag na ipagpatuloy ko ang trabaho sa club. Papunta ngayon dito si Tin sa apartment ko, nagtext siya kanina at pumayag naman ako. Wala rin naman akong gagawin dito maghapon at mamaya pang gabi ang trabaho ko. Nang marinig ko ang katok sa pintuan nv apartment ko ay sumilip muna ako at pagtingin ko ay si Tin na nga. Pagpasok niya pa lang ay agad niya akong niyakap at niyakap ko rin siya dahil baka magtampo siya. Naupo si Tin sa kama ko habang ako naman ay sinusunog ang p

