Lumipas pa ang mga araw ay palaging binibili ni Adam ang oras ko pero matapos ang naging paguusap naming dalawa sa mall ay nagbago siya, nagbago ang pagtrato at lumabas ang tunay na galit niya sa akin. Dahil sa mga kinikilos niya ngayon ay ipinakita niya sa akin na hindi pa niya ako naggawang patawarin dahil sa nangyari sa nakaraan. Aanhin ko ang pagbalik sa kanya o yung pagmamahal niya kung hindi niya ako kayang patawarin. Baka kapag bumalik lang ako sa kanya ay mas maging komplikado. "Adam baka pwedeng bukas na lang akong magtrabaho. Mukhang masama ang pakiramdam ko." paalam ko sa kanya. Napagod kasi ako sa paghahanap kahapon sa anak ko. Kasama ko si Tin at pati na rin si Fred. Sa katinayan niyan ay grabe din ang pasasalamat ko kay Fred dahil nagsabi siya na magha-hire siya ng privat

